Chapter 9

5K 101 0
                                    

-- Gia --

Nandito na kami ni Annie ngayon sa clinic. Kinakabahan ako, Bumili na rin siya ng pregnancy test para sa gagamitin ko sa loob.

Habang naghihintay kami ay hindi na ako mapakali, pero kung ikukumpara yung ako kay Annie mas natataranta pa siya sakin.

Hindi pwedeng magpossitive, Hindi pwedeng may nabuo. Hindi pwedeng ituloy. Napakalaking kasalanan para kila nanay at tatay lalo na kay ate na halos igapang ako makapagtapos lang. Ilang taon pa lang akong nakakatulong sa kanila. Sigurado akong mapapatay ako ni ate.


At isa pa napaka kumplikado ng taong konektado. Makakasira ako ng buhay ng dahil lang sa katangahan ko.

"Ms. Gia Funtanilla.
Sigaw nung assistant kaya napatayo kami agad ni Annie.

Halos lahat ng sign sa pagbubuntis na tinanong ng doktora ay possitive sa mga sagot ko. Kitang kita ko kung gaano kinakabahan si Annie. Lalo na ng marinig niya na pinapagamit na sakin yung pregnancy test.

Hanggang sa loob ng banyo gustong sumama ni Annie, Hindi ko tuloy alam kung matatawa ako o kakabahan buti na lang nagpaiwan siya sa labas.

Kinakabahan akong tignan. Ilang minuto ko na natapos at napatakan ng ihi ay hindi pa rin ako lumalabas ng banyo. Nang marinig kong doktora na ang kumatok ay binilisan ko na.

Halos hindi ako makahinga sa nakita ko. Ang sakit sa dibdib, Two lines! Hindi ko napigilang hindi umiyak. Paglabas ko ng banyo ay sinalubong agad ako ni Annie. Kinuha niya agad sakin yung P.T at niyakap ako.

"Sssh, It's okay."
Bulong ni Annie habang yakap yakap niya ko.

Pinababalik kami ng doktora para sa regular check up ko. Three weeks and four days pregnant, gusto kong maglupasay. Anong gagawin ko.

Bago kami umuwi ay kumain muna kami ni Annie. Paulit ulit niya kong tinatanong kung ano ang desisyon ko at isa lang ang sagot ko.

.

"No Annie. This can't be." Ako ng bahala, Sana maintindihan mo ako."

"Pero Gia! Hindi ka ba natatakot? Tutulungan kita magpaliwanag kila tita at tito. Pati na rin kay ate Karen.

"Ikaw siguro ang hindi natatakot sa kanila. Hindi mo alam kung anong pwedeng gawin sakin ni ate.

Maghapon kami nagtatalo ni Annie. Pero hindi siya payag sa gusto kong gawin. Wala siyang magagawa dahil buo na ang desisyon ko.

Nagulat ako nang bigla na lang akong iwanan ni Annie. Nagmamadali at sumakay na lang daw ako mag isa.

Iniisip ko nagalit siya sa desisyon ko. Gustuhin ko man pero napakalaking gulo ng papasukin ko kapag tinuloy ko ito."

Pag uwi ko ay wala pa siya. Anong oras na? Nauna pa ako umuwi sa kanya. Tinatawagan ko pero hindi ako sinasagot.

Kinabukasan pag gising ko ay wala pa rin siya. Nabasa ko yung note niya.

"Sorry Gia. Late na ko umuwi kagabi tapos maaga ako umalis ngayon. May pasok na ako.

- Annie ^_^

So umuwi pala siya. Kumain lang ako at nagready na balak kong pumunta ngayon sa lugar kung saan masasagot ang problema ko. At desidido na ako, Alam kong malaking kasalanan yung gagawin ko pero hindi pa ako handa para sa mga pwedeng mangyari kapag itinuloy ko to."

Paglabas ko ng bahay ay may sasakyan na naka abang sa harap ng bahay namin. Nagulat ako ng biglang bumukas yun at tinawag ako sa pangalan ko ng taong nagmamaneho nun.

Hindi ko makilala dahil nakasuot ng salamin pero lumapit ako at tinitigan ko. Nang malaman kong si Mathew ay nagmadali akong umalis sa tapat ng sasakyan niya pero bumaba siya at pilit akong isinakay sa kotse niya.

Accidentally Married a Famous (COMPLETED)Where stories live. Discover now