Chapter 19

4.1K 89 0
                                    

GIA'S POV

Pagdating sa bahay ay sa kwarto agad sila ni baby dumiretso.

"Bessy alam niyo na ba ang gender nyan? Tanong ni Annie ng mailapag ko ang juice at cookies na kinuha ko sa baba.

"Hindi pa, Ako lang naman ang interesado kaya tyaka na ko magpapaultra sound."

"Seriously Gia, Alam mong hindi rin safe ang hindi nagpapaultra sound mamaya may problema na pala kay baby hindi niyo pa alam. Hindi ka man lang ba tinatanong ng asawa mo about sa baby or samahan man lang magpacheck up kahit once." Seryoso si Chris.

"Hindi, Kausapin nga ako naiirita yun, Magtanong pa kaya."

"Tss! Sabi ko naman sayo nandito ako to treat you well, Bakit nagtyatyaga ka sa kanya na hindi ka naman pinahahalagahan."

"Dahil siya ang ama ng anak ko, Yan lang ang pinanghahawakan ko at isa pa ayoko ng madamay ka pa sa gulo ng buhay ko Chris." Sagot ko.

Napatingin sa amin si Annie at natatawa. Masyado daw kaming seryoso.

"Pwede rin naman akong maging ama ng magiging anak mo Gia, Kung nahihirapan ka dito can you please leave this stupid life and be with me."

Napatingin ako kay Chris. Nakita kong iniwan muna kami ni Annie.

"You know what Chris, Sobra kong nagpapasalamat na nandito ka para sa akin pero huwag naman na pati ikaw mahahatak ko sa sitwasyon kong ito."

"I'm ready Gia, Basta nandito lang ako and let me know kung kailangan mo na ko."
Niyakap ako ni Chris kaya niyakap ko din siya na naabutan ni Annie. Hindi niya alam kung anong nangyayari pero nakiyakap na rin siya samin at tyaka ipinagpatuloy ang pag dedesign ng kwarto ni baby.

Tumayo at lumabas muna ako ng kwarto ng marinig kong bumukas na yung pinto. Ang aga naman niya."

Nakita niya ko pero dinaanan lang niya ko, dumiretso siya sa kwarto niya at malakas na sinara yung pintuan niya.

Parang hindi niya ko nakita, Tatanungin ko lang naman sana kung kumain na siya kaya bumalik na lang ako kila Annie.

"Nangyari? He's here!? Tanong ni Chris.

Tumango ako, Sakto namang natapos na nila yung pag aayos at pagdedesign sa kwarto ni baby. Nagpaalam na silang umuwi at hinatid ko sila sa labas lang ng bahay.

Naisip ko na daanan ulit yung kwarto ni baby para icheck lang sana kung maayos ba. Pero nagulat ako ng makita ko si Mathew sa loob ng kwarto ni baby.

"Naayos muna pala." Sabi niya.

"Oo tinulungan ako nila Annie at Chris." Sagot ko at tyaka lumabas na ng kwarto ni baby.

Kumuha muna ako ng tubig sa ref bago pumasok sa kwarto.

"Nasa mall ka kanina nakita kita."
Nagulat ako nasa harapan ko na naman siya.


"So? Ginulo ba kita? Hindi naman di ba."



"May sinabi ba ako? Sagot niya, Hindi ko na siya pinansin at pumasok na ko ng kwarto ko.

Kinabukasan pag gising ko ay naisip ko na magpaultra sound. Bigla akong natakot sa sinabi ni Chris kaya inaya ko si ate Karen.

"Bat hindi ang asawa mo ang isama mo Gia!?"

"Tss! Busy yun hindi ako sasamahan nun."

"Don't tell me hanggang ngayon hindi ka pa rin pinapansin ng asawa mo?!"

Bakit ba ang lakas makakutob ni ate pagdating namin ay ako agad ang sinalang. Halos mapaiyak ako ng makita ko sa monitor si baby. Sayang lang at wala kang daddy na excited lumabas ka anak, Bulong ko sa sarili ko.

Tuwang tuwa naman si ate ng malamang lalaki ang baby ko.

Sabi ng OB ko, kailangan ko daw ng more vitamins para maging healthy si baby. And may nireseta syang gamot dahil medyo mahina daw ang heartbeat ni baby. Pero the rest is okay naman daw kaya medyo napanatag ako medyo nag aalala lang dahil sa mahina ang kapit niya pero iinumin ko lahat ng irereseta maging healthy ka lang anak.

"This is it na talaga Gia, Magiging tita na ako." Nagulat ako ng yakapin ako ni ate.

Buti pa si ate excited na sa baby, Samantalang yung ama kahit minsan hindi ako naisip na tanungin tungkol sa kanya.

After namin magpaultra sound ay tumawag kami kila nanay at tatay. Sinabi namin na lalaki ang magiging apo nila.

Grabe lang dahil gusto na agad nila lumuwas ng Manila dahil excited na sila sa magiging apo nila.

Hinatid ako ni ate sa bahay, Hindi na siya pumasok pa dahil baka makita lang daw niya si Mathew.

Asa pa akong nakauwi na yun. Maaga pa para umuwi yun. Naglinis lang ako ng katawan then nagpahinga sa kwarto ko.

Kahit na maaga pa ay nahiga na ako. Nahihirapan na rin kasi ako sa tyan ko alam kong malapit na ako manganak at kinakabahan ako.

Lalo na madalas lang akong mag isa dito sa bahay. Paano na lang kapag manganganak na ako. Kung sana na kay Annie na lang ako hindi ako mag aalala para sa sarili ko.

Accidentally Married a Famous (COMPLETED)Where stories live. Discover now