Chapter 3

7.3K 129 4
                                    

Mathew's POV

"Shit! Bakit ngayon pa. Nakainom pa naman ako."



Hindi ko alam kung sino sa amin ang nakabangga pero mabilis akong bumaba ng sasakyan. Lasing ako at nahihilo dahil sa nainom ko kaya pinagdadasal ko na sana siya ang bumangga sakin lagot na naman ako kay Tita Grey nito.



Mabilis kong kinatok yung sasakyan na bumangga sakin. Pinapababa ko at naiinis ako dahil wala yatang balak bumaba. Buti na lang late na at wala ng masyadong taong makakakita sa akin.


"Bakit ba? Inaano ka ba ha?!"
Sigaw niya pagbaba niya, mukhang mas lasing pa sa akin.


"Nabangga mo lang naman yung sasakyan ko miss!"
Kahit hindi ko alam kung sino talaga may kasalanan.

"Ako bumangga o ikaw? Nasira ba? Walang problema ipapaayos ko."
Tinititigan niya ko. Ang lapit na as in nang mukha niya sa mukha ko.

"Sino ka ba ha? Parang kilala kita pero wala akong pakialam!"

Natawa ako ng konti malamang kilala mo ako artista ako tss! Gusto ko sanang sabihin sa kanya yan, Pero nagulat ako nang mas nilapit niya pa sa mukha ko yung mukha niya.


"Parepareho kayong mga lalaki alam mo yun? Mga manloloko."
Sigaw niya at bigla na lang akong hinalikan na halos pati paghinga ay nahihirapan ako dahil sa halik na ginagawa niya.

Hindi ko alam pero hindi ako nakapagpigil. Parang bigla na lang kinalabit yung buong pagkatao ko sa halik na ginawa niya. Ginantihan ko yung halik na yun hanggang sa isakay ko siya sa sasakyan ko at nagdrive ako pauwi sa bahay ko.

Dumiretso kami sa kwarto ko. Nagulat ako ng bigla niyang alisin ang tshirt ko, Nakainom at lasing rin kaya hindi ako nakapagpigil ginawa ko lang rin kung anong ginagawa niya sakin.




Kinabukasan nagulat ako ng may katabi ako kaya napabangon ako ng bigla. Shit! Yung moment na wala kaming mga suot na damit parehas? Anong nangyari? Anong ginawa ko? Napatayo ako at nahilamos yung kamay ko sa mukha ko. Ang dami ng tawag sakin ni Tita Grey, Nakalimutan ko maaga pala ang calltime namin sa morning show dahil may guesting ako today.


"Sorry I can't. Nilalagna-..
Napahinto ako ng may biglang sumigaw sakto pa namang kausap ko si Tita Grey.

"What was that Mat? You're not alone there right?"
Mabilis kong pinatay ang tawag ni Tita bago pa niya malaman ang pinag gagawa ko.

Lumabas ako ng banyo at napasigaw ulit siya ng nakita niya ko. Hinilamos niya yung kamay niya sa mukha niya.


"Mathew Sanford!? Anong nangyari?"
Bigla siyang nahiya ng makilala niya ako. Hindi rin ako makatingin nang diretso sa kanya.

"Miss let me explain.."

Tumakbo siya sa cr at mabilis na pinulot yung mga damit niya. Halos maikamot ko sa ulo ko yung kamay ko. Anong ginawa ko! Damn.


Paglabas niya ay bigla na lang siya umalis gustuhin ko mang habulin siya hindi pwede. Mas maraming magagalit sa kanya kapag nakita akong hinahabol siya dahil mainit pa ang loveteam namin ni Sophie sa media ngayon.



Hindi ko rin maisip na nagawa ko yun. Nagpadalos dalos ako at nagpadala ako sa sitwasyon kagabi. Tinatawagan na ako ni Tita Grey pero hindi ko sinasagot alam kong magtatanong lang yun. Halos mapatalon naman ako sa inuupuan ko ng makita ko si Tita Grey sa monitor at nasa pintuan na.


"Mat I know you're there, open the door please."

Accidentally Married a Famous (COMPLETED)Where stories live. Discover now