Chapter 56

2.9K 66 0
                                    


"Ihahatid na muna kita sa inyo Love.

Napatingin ako kay Jade, kararating lang namin ng Pilipinas at hindi ko alam kung bakit ihahatid niya ko kila nanay.

"Tss! Don't worry susunduin kita agad.
Dugtong niya. Hindi pa rin ako nagsasalita habang nagdadrive siya pauwi kila nanay.

"Pero Love, Pwede naman ako kay Annie.

"No, Ilalayo kita hangga't maari sa stressed Love.
Malamig niyang sabi. Hindi ko pa rin maintindihan sabi niya magkasama naming haharapin yung problema ngayon naman ihahatid ako.

"Pero bakit? Akala ko ba magkasam-..

"No pa rin Gia. What if your pregnant?! Ayoko ng maulit yung dati please..
Sabi niya na kinapula ng mukha ko.

Hindi ko maisip na iisipin niya agad na buntis ako. Ano siya shooter? Tss! Natawa ko pero hininto ni Mat yung kotse at itinabi sandali sa daan.

"Anong nakakatawa Gia?
Seryoso siya.

"Kila Annie muna ko ihatid, Stop thinking that I'm pregnant. Once pa lang ulit may nangyari satin at hindi naman agad agad yun Love.

"Tss! Once pa lang? Nilalang mo lang? First night in Hongkong and kinabukasan? You think once pa lang yan? Remember the first time na may mangyari satin?
Tinititigan niya ko at hinawakan ang kamay ko.

"Di ba once lang yun pero nabuntis ka, ano pa kaya ang twice Gia? So wag na matigas ang ulo."

"Pero Mat..

"Susunduin kita kinabukasan after ng meeting ko sa station okay?
Pagpuputol niya sa pagsasalita ko.

Wala na kong nagawa. Sinalubong agad kami nila ate pagdating na pagdating namin. Halata naman sa kanila na namiss nila ko.

Mabilis na kinuha ni tatay ang dala kong bag. Nakita ko naman si Mat na tuwang tuwang kausap si nanay. Kahit na nakamask ay kitang kita ko na masaya siya.

"Nay..Tay susunduin ko na lang po si Gia bukas kayo po munang bahala paki ingatan po baka po kasi magkaka ap-..

"Ah nay sige na po, ihahatid ko na si Jade.
Hinila ko na siya at tyaka kami lumabas ng bahay at sumakay ulit sa kotse niya. Kung ano ano pang sinasabi kila nanay eh kaloka.

"Love mag ingat ka please, See you tommorow."
Hinalikan niya ko sa forehead at tyaka sumakay sa kotse niya.

Pag alis niya ay pumasok na muna ko sa kwarto since napagod ako sa byahe namin.

Nagulat ako ng bigla akong gisingin ni ate. Hindi ko alam kung anong meron pero pinalabas niya ko ng kwarto.

Nakita kong inaabangan ako ni Philip.
Napatingin ako kay ate, Alam niyang tinatanong ko kung bakit biglang nandito siya.

Umiling lang si ate. Nag ayos ako ng buhok ko at tyaka lumabas ng kwarto.

"Pasensiya na nakakaabala ba ko?
Bungad niya pagkita niya sakin.

"Long time no see..
naiilang kong sabi.

Nakita kong lumabas din si ate ng kwarto ko at lumapit samin. Seriosly makikinig talaga si ate samin? Natawa ko.

"Can I talk to you in private Gia?
Sabi niya. Nagkatinginan kami ni ate, Oo nga naman anong nakain ng ate ko at umupo talaga sa tabi ko.


Nagpaalam ako kay ate at lumabas kami ng bahay para makausap siya.


Pero nagulat ako ng biglang niya kong hilahin at isakay sa kotse niya.


"What Philip? Anong gagawin mo? Ibaba mo ko please.


"Sa tingin mo hahayaan kong maging masaya ka tapos ako miserable Gia?
Bigla akong kinabahan. Kinapa ko sa bulsa ko yung cellphone ko pero naiwan ko pala sa kwarto.

Nanlilisik ang mga mata niya at sobrang natatakot ako dahil dun.


"Ano bang sinasabi mo Philip? Buksan mo ang pinto at ba-baba ako please..


"Iniwan na ko ni Ana, At ikaw ang dahilan.
Sinisigawan na niya ko.


"Ana? Yung babaeng pinagpalit mo sakin? Hi..hindi ko maintindihan.
Natatakot ako, Nilock niya yung mga pinto ng sasakyan niya.



"Yes, At hindi niya matanggap na isang artista ang pinalit mo sakin. Gusto niya kung anong meron ka ganun din siya."
Nakita kong paaandarin niya na yung kotse kaya pinigilan ko siya pero sinampal lang niya ko.

"Hindi ko kasalanan na yung babaeng pinalit mo sakin ay mas mataas pa ang pangarap kesa sayo, Ang tagal na nating hiwalay Philip. Bakit niyo ko idadamay sa problemang wala naman akong kinalaman?!"


"Hindi mo alam na halos mabaliw si Ana kakastalk sayo?!" Halos pag awayan ka namin araw araw sa ilang taon namin.



"Kakastalk sakin? My god Philip. Matagal ko na kayong kinalimutan, lalo ka na. Bakit niyo papagurin ang mga sarili niyo para sakin?


"Siguro dahil nararamdaman niyang pinagsisisihan kong pinagpalit kita."


"What? You're crazy Philip. Buksan mo ang pinto at bababa ako..


"Bakit akala mo masaya ko na pinagpalit kita? Kung ilang taon na tayong magkahiwalay ganung taon na rin ako kamiserable Gia, Hindi mo alam?


"Fvck, Bakit parang kasalanan ko pa na naging miserable ka? Kasalanan ko ba na pinagpalit mo ko sa iba!?"

"Kasalanan ko ba na hindi mo mahintay na maging ready ako bago mo magawa yang ginawa mo sa babaeng pinalit mo sakin?
Dugtong ko. Nanginginig na ko sa galit. Pero natakot ako ng bigla niyang paandarin ang sasakyan.
Ang bilis nang pagpapatakbo niya at halos maalog ako ng sobra sa loob ng sasakyan.



"Now this is the only way para maging maayos ang buhay ko, Let me love you again Gia."


"Tss! Nababaliw ka na..
Sabi ko pero malakas lang niya ko sinampal ulit habang nagmamaneho siya.


Umiiyak na ko at hindi ko na alam ang gagawin ko.




"Lalayo na tayo dito, Iiwan ko si Ana at iiwan mo yang Mathew na yan!"



Hindi ko alam kung saan niya ko dadalhin pero pinilit kong pigilan siya. Pinilit kong agawin sa kanya yung manibela na kinagulat niya.


"Gia ano ba, Stop it. Mababangga tayo....


"Itigil mo ang sasakyan or else mababanga tayo ng magkasama Philip..
Sabi ko habang inaagaw sa kanya yun at halos lumiko liko yung sasakyan dahil dun.



"Mas gugustuhin ko pang mabangga tayo parehas kesa itigil ang sasakyan at mapunta ka kay Mathew..
Sabi niya nagulat ako ng idiretso niya yung kotse sa isang pader at mabilis na ibinangga doon.




Halos ilang beses akong nauntog, Naramdaman kong may tumutulong dugo mula sa ulo ko at halos wala akong maaninag ang tanging huli kong nakita ay si Philip na duguan sa harapan ko.

Accidentally Married a Famous (COMPLETED)Onde histórias criam vida. Descubra agora