Chapter 2

9.8K 142 2
                                    

GIA'S POV


Bigla ko na naman naalala ang heartbreak ko. Three years ng nakakalipas, Bakit pakiramdam ko sariwa pa lahat ang ginawa ni Philip.




Dahil ba siya ang first boyfriend ko, siya ang firstlove ko. Siya ang first heartbreak ko. Sa tatlong taon naming dalawa nawala lang ng ganun kabilis. Kahit subukang ayusin ang anumang meron kami ay hindi niya ginawa o kahit humingi ng tawad man lang para maging okay kami ulit wala kong naasahan. Minahal niya ba ko talaga o sadyang nagpaka tanga ako sa maling tao.




"Kailan ka ba matututo Gia?! Hindi na siya bumalik dahil hindi ka na niya mahal, Isaksak mo sa utak mong maliit yan!"
Galit na galit na naman si Annie.

"Umiiyak ka na naman para sa taong walang kwenta Ano ba? Tatlong taon na simula nung maghiwalay kayo."
Dugtong niya pa.




Hindi ko namalayang umiiyak na naman pala ako. Kung makamaliit naman ng utak ko grabe, hindi ba pwedeng nagmahal lang ng sobra. Tumayo ako at kinuha ang bag ko.




"Saan ka na naman pupunta?!"
Sigaw na naman niya na akala mo may ibang taong kaaway.





"Magpapakalasing ako bakit?! Palalakihin ko yung utak kong maliit."

"Sige huwag kang uuwi hangga't hindi ka lasing at hindi malaki yang utak mo."


Pinaandar ko ng mabilis ang sasakyan ko yung parang wala akong pakialam kung makakabangga ako o mababangga nila ako.


Pagdating ko ay dumiretso agad ako sa counter ng bar.

"Nandito ka na naman? May baga ka pa ba?!"
Pang aasar ni Chris na may ari ng bar na kaibigan kong walang ginawa kung hindi sermonan ako.

"So ayaw mong nandito ako? Oh'edi sige sa iba na lang ak-..

"Tinatanong ko kung may baga ka pa, Hindi ko sinabing sa iba ka na lang mag tunaw ng baga, Kunwari ka pa alam mong hindi kita matitiis kaya sige tunawin mo hangga't meron pa!"
Binigyan niya ko ng isang bote ng alak.


Umupo ako sa gilid maingay pero nasesenti ako basta mag isa ako, Ano na nga bang nangyayari sakin.



Nakakailang shots na rin ako, medyo nahihilo na ako pero gusto ko pa at hindi talaga ako uuwi ng hindi lasing masunuring kaibigan kaya ako.


"Gia. Stop it! Lasing ka na at magdadrive ka pa pauwi."
Inagaw ni Chris yung basong hawak ko.




"Bakit ba? Magbabayad naman ako, Tyaka kaya ko pa so please akin na yan."
Sabay hablot ko ng baso sa kanya.



Nahihilo na ko hindi lang sa alak na iniinom ko kundi sa dami ng taong nagdadatingan. Hindi ko na rin mahanap pa si Chris dahil busy na at madami na kasing tao.



Umorder pa ko kahit na hilong hilo na ko, kaya ko pa as in kaya ko pa, Tumatawag si Annie pero hindi ko sinasagot.



"Gia will you please go home? Hindi kita kayang bantayan ngayon, Ang daming tao baka mamaya mapano ka pa dyan."
Itinayo niya ako sa kinauupuan ko at hinila papunta sa kotse ko.


"Kaya mo pa bang magdrive? O ipapasundo kita kay An-..

Tinakpan ko yung bibig niya kaya hindi natapos yung sinasabi niya.


"Kaya ko, Huwag mo ng subukang tawagan pa si Annie."



Pinaharurot ko ng mabilis yung sasakyan ko. Katulad pa rin ng kaninang pagpapatakbo ko, Kaya lang iba ngayon hindi ko na maaninag ng maayos yung daanan.


Pero kaya ko pa ako pa ba, Nilakasan ko pa lalo yung music. Nagulat na lang ako ng bigla na lang malakas na bumangga yung sasakyan ko.

Accidentally Married a Famous (COMPLETED)Where stories live. Discover now