Chapter 69

2.4K 66 0
                                    


"Annie pwede bang umuwi na ko? May lakad kasi kami ni Jade ngayon."

"Sakin okay lang, sa mga boss sa tingin mo okay lang?!"

"Kung bakit kasi ngayon pa pinagawa itong mga ito eh."
Naiinis kong sabi, Tinignan lang ako ni Annie.

"Pwede naman siguro sa ibang araw yun?

"Hindi eh, Naset na kasi namin yun. Inadjust na nga namin yung oras."

"You mean nakapagpagawa na kayo ng susuotin niyo?

"Oo, for fitting na lang ngayon alam mo naman si Mathew very hands-on sa wedding preparation."

"Hindi naman halatang excited kayo parehas ano."

"Kaya nga Annie pauwiin muna ko, Isa pa ihahatid ko pa sila nanay mamayang gabi pauwi."

"Sorry ka na lang, Lahat daw tayo need mag overtime."
Iniwan na ko ni Annie. Mukhang wala akong magagawa.

Anong oras na, Tawag na rin ng tawag si Jade, Kaya nung break ko tinawagan ko agad siya.

"Nandito na ko kay Alex, We're just waiting for you Gia."

"Hahabol na lang ako love."

"Hahabol? Don't tell me nasa office ka pa?
Ramdam ko ang pagkairita sa boses niya.

"May kailangan lang ako tapusin Jade, Susunod ako."
"Alright. I'll just wait for you here."

Anong oras na ng matapos yung pinagawa ng mga boss namin, Nagmamadali akong lumabas ng opisina.

"Magdahan dahan ka nga, Kung makatakbo akala mo hindi ka buntis."
Si Annie na halos hawakan ako dahil sa kamamadali ko.
"Kailangan kong maabutan si Jade kay Alex, Magagalit yun bessie."
"Sa tingin mo aabot ka pa? Anong oras na Gia."

Hindi ko na pinansin pa si Annie, Nagdrive ako papunta sa botique ni Alex. Sa kanya kasi kami nagpagawa ng wedding gown and tuxedo. Showbiz designer ni Jade, Mabuti na lang at naisingit kami ni Jade sa dami ng ginagawa niya. Kaya hindi rin talaga pwede na hindi namin siya mapuntahan ngayon.

"Excuse me, I have an appointment to Ms. Alex."
"Sorry maam, Kauuwi lang po ni Mam Alex."
"Kauuwi? Pero may appointment kasi kami sa kanya with my fiance."
"What time po ba yung appointment niyo sa kanya maam?

Tinignan ko yung oras, My god 3pm ang appointment. Anong oras na ngayon ano bang iniiexpect ko.

"3pm sana, May inasikaso lang ako kaya nalate ako ng dati-..
"Sorry maam, It's already 7pm maam. Kadalasan po nauwi si Mam Alex 5pm kaya lang may isang client na 6pm na umuwi kaya ngayon lang din nakauwi si Mam Alex."

"Isang client? May I know the name of that client please?
"Sorry maam, Hindi po pwed-..
"It's that Mathew Sanford?
Nagulat yung staff kaya napatingin sakin.

"You are Ms. Gia maam?
Gulat na gulat na tanong niya. Pero hindi ko na siya pinansin at lumabas na ng botique.

Sinusubukan ko tawagan si Jade pero hindi niya sinasagot yung tawag ko. Hays hindi ko naman kasi akalain na magsasabay yung overtime sa trabaho at sa dress fitting namin.

Sinubukan ko ulit siyang tawagan, Mabuti na lang at sinagot na niya.
"It's okay Gia. Naisukat ko na yung sa akin."

"Love sorry, Sinubukan ko naman sumunod sa venue pero wala ka na."

"Malamang, Anong oras na. Ilang oras na ngang naghintay si Alex nakakahiya."
Malamig niyang sabi.

"Nasaan ka ba? Magkita tayo please Love naman, Wala lang din akong choice kanina sa office. Sorry."

"Sige na, Mag ingat ka sa paghatid kila nanay."

"Hindi mo ko sasamahan?!"

"No, May photoshoot ako. I'm with Tita Grey."
Sabi niya at ibinaba na ang tawag ko.

Tinawagan ko si Annie, Mabuti na lang at nakauwi na siya. Nakiusap ako na siya na muna ang maghatid sa magulang ko. Nakasama ko naman sila kagabi at nailabas. Alam kong maiintindihan nila ko na hindi ko sila maihahatid dahil alam nilang nag aasikaso kami ni Jade sa kasal.

Jade POV

"Pwede bang lumabas ka muna ng bahay mo kahit sandali lang love."
Hindi ko alam kung bakit pinapalabas niya ko pero nagtatampo pa rin ako sa kanya.

"Nasa photoshoot ako, Wala ako sa bahay."
Pagsisinungaling ko.

"Alam kong nandyan ka lang sa bahay Jade, So please go outside."
Alam ko namang si Tita Grey lang ang nagsabi sa kanya na nandito lang ako. Lumabas ako ng bahay pero napatigil ako ng makita ko si Gia naglalakad palapit sakin.

Nakawedding gown, May dalang bulaklak at nakaayos ang buhok. Halos sumakit yung dibdib ko sa pagbilis ng tibok ng puso ko.

"What's going on?

"The dress fitting was today, so I just want to keep my promise love."

"Nagrent ako ng gown then nagpaayos ng ganitong oras just to keep my promise to you."
Dugtong niya.

Hindi ko pa rin mapigilang hindi kiligin, Ang gusto ko lang naman sabay sana namin maisukat yung damit. Pero hindi ko naman iniiexpect na magrerent pa siya ng gown na sobrang bagay sa kanya. Kahit pa halata na ng konti yung tyan niya ay nangingibabaw pa rin yung kagandahan niya sa suot niya.

"So please accept my apology and forgive me."

"I already forgave you,
the moment na makita kitang suot mo yan Love."
Nagulat ako ng halikan niya ko sa labi.

"This is your first time na magtampo sakin, At hindi ko kayang palampasin yun because I love you so much Jade."

Hinalikan ko siya sa forehead at niyakap. Ramdam na ramdam ko din ang mabilis na pagtibok ng puso niya.

"I won't ever let you go for the rest of my life love, Kahit pa magbago yung feelings mo para sakin, Hinding hindi na kita pakakawalan. So brace yourself Gia."

"I will brace my self love."
Sagot niya na sobrang nagpabilis ng tibok ng puso ko. Nagulat siya ng buhatin ko siya papasok sa bahay at dinala sa kwarto ko.

"I can't wait to be your husband again Gia."
Nakangiti lang akong tinititigan ni Gia ng halikan ko siya sa labi. Sinagot naman agad niya yun pero agad din niyang tinulak ng kamay niya yung mukha ko.

"No sex until our wedding love."
"I can't believe your saying that Gia, seriously? In this kind of situation?!"
Sinubukan ko pa rin siyang halikan pero tinulak niya lang ako.

Accidentally Married a Famous (COMPLETED)Where stories live. Discover now