Chapter 71

2.3K 64 0
                                    


Maaga ko nagising dahil ginising ako nila nanay. Ang aga pa lang ikot na sila ng ikot daig pa nila ang ikakasal.

"Pwede ba magrelax kayo nahihilo ko sa inyo sa totoo lang."
"Nahihilo ka sa puyat, Hindi samin."
Nagulat ako ng tuktukan ako ni ate sa ulo.

"May media na dun sa labas Gia, Pati yung videographers nandun na rin."
"Hindi naman aalis yan ate, Isa pa maaga pa naman."
"Bilin daw ni Mat na pag gising mo pa lang videohan ka na."

"Excuse me maam, I'm Rex. Your videographer here. Nagfofollow up po kasi si sir Mathew kung nagstart na ko."
Nagulat kami ni ate ng lumapit samin yung videographer.

"Sige na, Kagigising lang naman nyan."
Iniwan na ko ni ate. At halos ikabilis ng tibok ng puso ko ng makita kong inaayusan na sila nanay at Annie.

"Nasaan si tatay?
Napatingin sila nanay sa kasunod ko. Kahit saan kasi ko magpunta ay sinusundan ako ni Rex.

"Videographer yan nay, Tss! Nasaan nga si tatay?
"Nauna na, Nasa simbahan na."
"Pero maaga pa."
"Ayaw daw niyang maiyak dito."

"Sige na Gia, Mag asikaso ka na. Hinanda na ng ate mo yung gagamitin mo sa kwarto mo."
Tinutulak ako ni Annie pabalik sa kwarto ko.

Nakita ko namang nakalatag sa higaan yung wedding gown ko, Sapatos at bulaklak na gagamitin ko.
Hindi ko na naman mapigilang hindi mapaiyak, Nahihiya tuloy ako kay Rex. Pero nagsign lang siya ng okay lang habang kinukuhanan ako.

"Sige na maam, Babalik na lang ako after mong maligo kasabay ng make up artist mo maam."
Lumabas na si Rex ng kwarto ko.

Nag ayos na ko ng sarili ko, Kung hindi pa ko kinatok ni ate sa banyo ay hindi pa ko lalabas.
"Napakatagal mong kumilos talaga."

"Lalabas na nga."
"Papasukin ko na si Rex at make up artist Gia."

Naupo na ko sa upuan, Nakita kong lumapit na yung make up artist ko at yung videographer.

"Mukhang hindi nakatulog maam ah."
"Just put anything to hide that eyebag."
Natatawa kong sabi, Nginitian lang niya ko.
Siguro mga isang oras bago natapos yung make up ko at buhok ko ay nagbihis na rin ako.

Alam kong lahat sila ay inaabangan na kong lumabas ng kwarto. Ang ganda pala ng napili ni Jade, Ngayon ko lang kasi nakita sa personal tong gown since hindi ako nakahabol nung dress fitting namin.

"Let's go bessy?
Pumasok si Annie. Naglakad na ko palabas habang hawak niya yung laylayan ng gown ko.

"Tss! Ang haba ng buhok ng bestfriend ko."
"Si Chris ba nasa church na?
"Yes, With his girlfriend."
"Buti naman akala ko hindi sila pupunta eh."
"Pwede ba naman yun. Napakatagal nating hinintay tatlo ito bessy."

Nakita kong napapaluha si Annie kaya tinapik ko siya sa balikat niya.
"Ang dami ko ng kadramahang natanggap simula kagabi bessy, Paawat ka."
"Masaya ko Gia, All your sacrifices is worth it."
Niyakap ako ni Annie, Nakita yun ni ate kaya tinawanan lang niya kami.

infairness ang gaganda ng babae sa buhay ko, Lalo na ni nanay. May iilang media ng sumalubong sa paglabas ko at ngitian ko lang sila.

Kasunod ng sasakyan namin ay ang sasakyan ng videographer at ng media.
Tinititigan pa rin nila ko.

"Baka naman matunaw na ako at hindi na makaabot pa sa simbahan."
"Sa lahat ng ikakasal, Ikaw yung hindi kinakabahan Gia."

Tss! Malamang, Wala pa naman ako sa simbahan. Isa pa halos maubos na yung kaba ko kagabi kaya nga hindi ako masyadong nakatulog.

Dahil may konting hinihintay pa ay hindi muna ko bumaba ng sasakyan.
"Maiwan ka na namin dyan, Susunduin ka na lang namin ng tatay kapag mag uumpisa na."
Pagpapaalam ni nanay at bumaba na sila ng sasakyan.

Nagulat ako ng biglang pumasok sa loob ng kotse si Jade. Tinititigan ako at halos mangilid ngilid na naman ang luha.

"Namiss kita love.
"Bakit nandito ka?
Hindi ako halos makatingin sa kanya. Nakaramdam na naman kasi ko ng kaba ng makita ko siya.

"Are you nervous?
"Hindi no, Kung meron mang kinakabahan sating dalawa mukhang ikaw yun Jade."
Napansin ko kasing hindi siya mapakali.

"What are you talking about, Sana'y na sana'y sa maraming tao ito Love."
Pagmamayabang niya.

"Tss! Gusto mo bang inumin yung green tea na pinabaon sakin ni ate dyan para sa kaba?
"Kung ibibigay mo sakin love, Tatanggapin ko."
Binigay ko sa kanya yun at mabilis niyang ininom yun.

Hinawakan ko ang kamay niya. Medyo kumalma na siya.
"Tss! Go back inside and wait for me Jade."
Tumango lang siya, Hinalikan niya ko sa forehead at bumalik na sa loob.

Sakto naman ng paglabas ni nanay at tatay para sunduin ako.
"Mag start na anak, Pwede ka ng bumaba dyan."
Binuksan ni tatay yung sasakyan at bumaba na ko.

May iilang media ang kumuha sa pagbaba ko ng kotse hanggang sa pagdating namin sa tapat ng simbahan.

"Maiwan ka namin anak, Kami na yung susunod."
Pagpapaalam nila nanay.

Hindi ko alam pero kinakabahan na naman ako, Lalo na ng magbukas ang pinto ng simbahan. Halos lahat sila ay nakatingin sa pagpasok ko.

Hindi naman mapigilan ng luha ko ang pagtulo lalo na ng marinig ko yung entrance song na A thousand years by Christina Perri.

Hindi ako nainform sa entrance song, Nakakainis. Hindi ko tuloy alam kung papaano ko pupunasan yung luha ko.

Sinalubong na ko ng magulang ko, Hindi pa rin natigil yung pag iyak ko hanggang sa makarating kami sa unahan.

"Alagaan at mahalin mo ang mag ina mo Jade."
Bilin ni tatay bago pa ibigay ang kamay ko kay Jade.

Niyakap ako ng daddy ni Jade.
"I'm so happy na nakasurvive kayo sa lahat ng pagsubok niyo hija."

Aish nanlalabo na yung mata ko. Napatingin si Jade sakin ng marinig niyang humikbi ako.

"Love, Stop it. Your make up."
Pinunasan niya yung luha ko bago pa kami lumapit kay father.

"Hindi ko yata kayang pigilan yung emosyon ko Jade."
"Just hold it Gia, please."
Hinigpitan niya yung hawak sa kamay ko.

Accidentally Married a Famous (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora