Chapter 39

4K 86 5
                                    

Gia's POV

Mabilis akong lumabas ng kwarto at dumiretso palabas ng bahay niya. Mabuti na lang at wala ng press na nakaabang sa labas ng bahay niya. Sinundan ako ni Mat pero pinigilan na siya ni Tita Grey bago pa siya makalabas.

Alam kong pati si Tita Grey ay sang ayon sa naging desisyon ko para na rin sa ikakatahimik ng buhay showbiz ni Mathew.

Hindi ko alam na sa bahay pala ko nagpahatid at mabilis akong sinalubong ni Annie.

"My god Gia, pupuntahan pa lang sana kita. Alam kong hindi maganda yung nangyayari sayo kaya nag alala ko aga-..

Napatigil siya ng dumiretso lang ako sa kwarto at hindi na siya pinakinggan pa.

Ang gulo gulo ng isip ko. Bakit kung kailan naging okay kami tyaka ulit nagkaproblema.

Paulit ulit akong tinatawagan ni Mathew pero hindi ko sinasagot ang tawag niya.

Hanggang sa makakita na nanaman ako ng bagong kumakalat sa social media. Picture ko na naman at yung pangyayari lang kanina na lumabas ako ng bahay at mabilis na hinila ni Mathew papasok sa loob dahil dinumog ako ng press.

Mukhang hindi na siya makakalusot, Dahil ngayon sa litratong kumakalat ay hindi na nakablurred ang mukha ko.

Sunod sunod ang notification ko sa kahit anong social media account ko.

Hindi ko alam pero nananakit ang dibdib ko. Mabilis na kumalat ang article na bagong nilabas na hindi nakablurred ang mukha ko. Mukhang sandaling oras lang ay nakalkal na nila ang buong pagkatao ko at hinuhusgahan na ng bongga.

Hindi ko mapigilang hindi mapahikbi ng sunod sunod habang binabasa ang mga message na nagdadatingan sakin.

"So it's true? Someone stole my sweetheart.

"Bakit naman sa ganyan pumatol si Mathew, Walang wala kay Sophie.

"I bet hindi totoo yan! Alam kong hindi papatol sa ganyang babae ang sikat na artistang katulad ni Mathew Sanford.

"Di hamak naman na may ibubuga si Sophie.

"Please lang girl, Kung may hiya pang natitira sayo.
Leave Mathew! Nakakasira ka.

"Infairness maganda si Ate. Di niyo mapagkakaila kaya kayo nang gagalaiti dahil nasapawan ng babaeng yan ang idol niyo. Stop the hate!! Kung mahal natin si Mathew hindi natin aawayin ang taong nagpapasaya sa kanya."

"Mathew doesn't deserve a girl like that. She's so pathetic!!!!!

"Ate. Kung ako sayo magtago ka na. Dahil baka hindi ka na abutin ng pasko sa dami ng naghahanap sayo! Hahahaha

Halos maghang ang cellphone ko sa dami ng message na dumadating sa lahat ng social media account ko. Napalakas ang iyak ko kaya mabilis na pumasok si Annie at niyakap ako. Kinuha niya ang cellphone ko at inilayo sakin.

"Ssshh, Huwag mo silang intindihin hindi ka nila kilala kaya ganyan ka nila husgahan."
Pag aalo ni Annie sakin.

Maya maya lang ay tinawagan ako ni ate kinabahan ako bigla. Wala silang kaalam alam na kay Mathew ako nagtatrabaho at lalong hindi nila alam na nagkabalikan kami ni Mathew.

"Anong nangyayari Gia? Ano yung nababasa ko at nakita kong mga picture? Totoo ba yun ha?
Hindi ko alam ang isasagot ko.

"Don't tell me Gia totoo? Alam mo ikaw wala kang kadala dala eh. Hindi ka na natuto!!!

"Ngayon mag isa mo lusutan yang gulong pinasok mo, Huwag lang madamay damay sila nanay at tatay tandaan mo yan!!!!!
Sabi ni ate at binaba ang cellphone.

Hinahagod lang ni Annie yung likod ko. Hindi ko alam ang gagawin ko, Lumabas ako ng bahay at sumakay ng taxi.

Nagpunta ko sa bar ni Chris. Gulat na gulat nga siya ng makita niya ko kaya mabilis naman niya ko pinasok sa pantry. Nagulat yung mga staff niya pero alam kong alam niya yung nangyayari sakin.

"Please naman baka kung mapano ka sa labas sa dami ng galit sayo ngayon..

"Hindi naman nila ko makikita okay, Madilim at maingay so please let me go. I just want to be numb!

"No Gia, Hindi dito okay? Hindi ka safe. Hintayin mo ko kukuhanin ko lang yung susi ng kotse ko.

Mabilis na lumabas si Chris ng pantry, Nakatingin sakin yung mga staff niya pero hinayaan ko na lang.

Pagbalik niya ay agad kaming lumabas at isinakay niya ko sa kotse niya.

Tinititigan niya ko pero umiiwas ako ng tingin sa kanya. Alam kong sa tingin pa lang niya ay madami na siyang gustong sabihin sakin.

Eto kasi ko ee, kung wala pang mangyayaring masama sakin hindi malalaman ng mga taong nakapaligid yung nangyayari sakin.

Malalaman lang nila kapag nasa alanganin na sitwasyon na ko.

"Tss! Nasaan yung lalaking yan ngayon para protektahan ka Gia?
Napatingin ako kay Chris ng magsalita siya.

"Saan mo ko dadalhin?
Pagiiba ko ng sagot sa tanong niya. Dahil kahit ako ay hindi ko alam kung anong isasagot ko.

"Sa lugar kung saan hindi ka makakaaccess ng internet at walang makakakita sayo!"
Malamig ang pagkakasabi niya kaya hindi na ko nagsalita pa.

Sa sobrang haba ng byahe namin hindi ko alam na nakatulog pala ko at nagising lang ako ng ihinto niya yung sasakyan.

Bago pa ko makakababa ng kotse ay sinuotan niya ko ng face mask.

"You are safe here. Kahit anong buksan mo dito ay hindi ka makakaaccess ng nangyayari sa social media ngayon or kahit sa tv ay hindi ka makakanood.

"Pero bakit? Kaninong bahay to?"

"Sakin, one of my properties. Katas ng pinagpaguran ko!" Sabi niya.

"Pero bakit dinala mo ko dito?
Tanong ko.

"Para malayo ka sa magulong isyu ngayon sa Manila.

"Pero sana'y na ko dun alam mo naman yun di ba?

"Pero ako hindi sana'y na ginaganyan ka nila. So please magpahinga ka na sa kwarto.

"I need to go home Chris."

"No Gia, babalikan kita okay? Just stay here. Hindi lang ako pwedeng mawala sa bar ng matagal.
Sabi niya at lumabas na ng bahay.

Hindi na ko nakapagreklamo pa kaya hinanap ko na lang ang kwarto at humiga. Naisip ko agad yung cellphone ko, tatawagan ko sana si Annie pero naalala kong kinuha pala niya yun.

Sinubukan kong lumabas ng bahay para libangin ang sarili ko pero nainip lang ako kaya bumalik ako sa loob. Nakakita ko ng telephone pero walang dial tone, Yung totoo anong lugar to? Ultimo yung tv eh walang signal. Tss!

Bumalik na lang ako sa kwarto at nahiga. Kinabukasan pag gising ko nagulat ako ng makitang may nakahanda ng almusal sa lamesa. Hindi naman ako nainform na may nagluluto na pala dito, wala naman kasi akong ibang kasama dito kaya nagtataka ko.

Pero napahinto ako ng may lumabas galing sa kusina at unti unti kong nakilala kung sino yun.

Babalik sana ko sa kwarto ng makilala ko siya pero mabilis siyang lumapit sakin at niyakap ako.

Accidentally Married a Famous (COMPLETED)Where stories live. Discover now