Chapter 42

3.6K 85 4
                                    


Bigla akong napaatras sa sinabi niya, Napatingin si Tita Grey kay Jade.

"Jade ano ka ba, Si Gia yan your wife."

"Wife? Paanong wife, hindi pa naman ako kinakasal don't tell me gino-good time mo nanaman ako.

"And isa pa I have Sophie bakit ibang babae ang papakasalan ko? Dugtong niya.

Hindi ko alam pero mabilis na naman na tumulo yung luha ko, Yung pag aalala ko kanina napalitan ngayon lahat ng sakit. Paulit ulit ko na pinahid yung luha ko at lumapit ulit kay Jade.

"Jade please, Stop being like this. Alam ko sinasadya mo na naman to' ginawa mo na to dati kaya alam ko nagsisinungaling ka na naman."
Nilapitan ko siya, Niyakap at sinubukang halikan sa labi pero nagulat ako ng itulak niya ko.

"Bakit ako magsisinungaling? Anong mapapala ko? Isa pa hindi talaga kita kilala and I'm sorry, so please leave."

Yayakapin ko pa sana siya pero napansin naming humawak siya sa ulo niya. Hinila na muna ko ni Tita Grey palabas.

"Gia please umuwi ka na muna. Hindi mabuting naistress si Jade lalo na't galing siya sa surgery.

"Pero tita, tell me na nagbibiro lang si Jade. Na sinasadya na naman niyang hindi niya ko makila-..
Umiiyak nanaman pala ko. Napahinto ko ng magsalita si Tita Grey.

"It's true, Nakausap na namin ang doctor at part daw yan ng operasyon na ginawa sa kanya. Marami siyang hindi maalala, maging ilan sa team hindi niya kilala. Pero hindi ko iniexpect na pati ikaw ay hindi niya makikilala."

"Pero sandali lang naman yung ganyang alaala niya diba, Pwede naman akong magpunta dito araw araw para ipaalala sa kanya kung sino talaga ko.
Hinawakan ko yung kamay ni Tita Grey pero nagulat ako ng bitawan niya yun at nagsalita.

"Sino ka nga ba talaga Gia? Ano ka ba talaga ni Jade, You know what Gia ikaw ang dahilan kung bakit nandyan si Jade. Kung hindi mo siya paulit ulit na iniiwan hindi siya magkakaganyan."
Halos matulala ako sa sinabi ni Tita Grey.

"Kung gusto mong masaktan araw araw sige puntahan mo siya araw araw. Hindi sinabi ng doktor kung hanggang kailan siya ganyan pero ikaw ang bahala." Dugtong niya at tyaka pumasok na sa loob ng kwarto ni Jade.

Ang sakit ng dibdib ko, pakiramdam ko ang hapdi hapdi lalo na ng maalala ko yung sinabi niyang I have Sophie. Hindi ko maiwasang sisihin yung sarili ko sa nangyari.

Hindi yan mangyayari kung hindi ko siya pinagtabuyan nung pinuntahan niya ko.

"Gia please, Let's go home."
Nagulat ako ng makita ko si Chris. Itinayo ako sa kinauupuan ko at inalalayang sumakay sa kotse niya.

Umiiyak pa rin ako. Halok humikbi ako sa loob ng sasakyan ni Chris.

"Everything will be okay, So please tumigil ka na sa pag iyak..
Nagulat ako ng yakapin ako ni Chris pagbaba namin sa kotse niya.

Inihatid niya ko at mabilis naman kaming sinalubong ni Annie.

"Pakalmahin mo nga please..

"Ba..bakit anong nangyari? May nangyari ba? How's Mathew? Hindi ba siya okay? Anong nangya-..

"May mga bagay na hindi maalala si Mathew dahil sa operasyon siya..

"Don't tell me pati si Gia hindi niya maalala?
Pagpuputol ni Annie sa pagsasalita ni Chris.

Napatingin ako kay Annie, iniwan ko silang dalawa at pumasok na sa kwarto. Hindi pa rin mapakali yung isip ko, parang ang daming gustong gawin ng katawang lupa ko. Hindi kontento na naghihintay lang ng susunod na mangyayari.

Kumakatok si Annie pero hindi ko na lang muna pinagbuksan. Gusto kong mapag isa para makapag isip ng maayos.

"Gia, Kumain ka na lang kapag nagugutom ka ha. And please stop watching news muna!"
Sigaw niya bago siya tumigil sa pagkatok.

Speaking of news. Binuksan ko yung tv para kahit man lang sa balita ay mabalitaan ko yung nangyayari kay Mathew.

Pero kahit ano ay wala akong mapanood. Lumabas ako ng kwarto lalabas na sana ako ng bahay para pumunta ulit sa ospital pero hinatak ako ni Annie.

"Kung ano man yang binabalak mo ay ipagpabukas mo na."

"Hindi nga pwedeng nandito lang ako, kailangan ko ipaalala kay Mathew kung sino ako sa buhay niya. Hindi niya ko pwedeng makali-..

Nagulat ako ng sampalin ako ni Annie.
"Tumigil ka na, Kung hindi ka na niya makilala or maalala then so be it. Huwag mo ng palalain pa yung sitwasyon."

"Ang daling sabihin para sayo yan kasi hindi mo alam yung nararamdaman ko."

"No Gia, Naiintindihan kita kaya nga pinipigilan kita eh. Tama ng nalaman mong gising na siya. Ipagpabukas mo na please."
Niyakap ako ni Annie. Parang bigla akong kumalma dahil dun. Siya lang naman yung nakakapagpakalma sakin kapag natuturet ako dahil alam niya yung ugali ko.

Pumasok na ko sa kwarto, Hindi ko namalayang nakatulog na pala ko.

Nakatulog ako pero ang bigat bigat pa rin ng pakiramdam ko pag gising ko. Bumangon ako at lumabas ng kwarto pero halos hindi ko maihakbang yung mga paa ko ng makita kong kausap ni Annie si ate.

Babalik na sana ko papasok sa kwarto ko para hindi niya makita pero napatigil ako ng biglang lumapit si ate sakin at sinampal ako.

"Akala ko ba magtatrabaho ka dito ha? Anong nangyari? Ano yung mga kumakalat mong issue with Mathew Sanford na yan!!

Halos mamanhid yung pisngi ko sa ginawa ni ate. Mabilis siyang inawat ni Annie pero hindi nag papigil si Ate.

"Magtatrabaho pala ah, Sinasabi ko na nga ba hindi ka pa nadadala at maglalandi ka na naman!"
Sabi niya habang dinuduro duro yung ulo ko.

"Itigil mo na yung pangarap mong makakatuluyan mo yang Mathew na yan dahil magkaiba kayo ng mundo!"

Wala akong magawa, Hindi ko alam ang sasabihin ko. Ang sakit ng mga sinasabi ni ate. Iniyak ko na lang ng iniyak pero mas lalo akong hindi nakagalaw sa sinabi ni ate.


"Uuwi na tayo kila nanay, Isasabay na kita at hindi ka na makikipagkita pa sa Mathew na yan! Lalayo ka sa magulong mundo mo dito sa Manila!"

Accidentally Married a Famous (COMPLETED)Where stories live. Discover now