Chapter 18

4.1K 87 1
                                    

GIA'S POV


Nasa Mall kami nila Annie at Chris ngayon. Since eight months na daw yung tyan ko ay naisip nila na ipamili si baby. Sabi ko nga meron na sa bahay yung binili ng family ni Mathew, pero iba pa rin daw pag galing sa kanila.

Since wala naman din akong katulong sa pag aayos ng kwarto ni baby ay magpapatulong ako sa kanila after namin dito.

Nakakailang ikot na kami sa mall ng may madaanan kaming madaming tao. Kaya pala may mall show sila Mathew at Sophie na kaloveteam niya.

"Bessy please stay muna tayo? Alam mo namang fan na fan ako ni Sophie at ng asa-..

Sinasalaksak ko si Annie ng tissue sa bunganga kaya hindi niya natapos yung sinasabi niya. Napakaingay mamaya may makarinig pa ng sasabihin niya.

Natatawa lang si Chris sa side, Dahil kinulit niya kami ay nagstay muna kami. Nasa gilid lang kami kaya kahit papaano ay kitang kita namin yung nasa harapan.

Kinabahan ako ng lumabas na ng sabay yung dalawa, magkaholding hands at nagsisigawan na yung mga tao.

Para naman nakalimutan na ako ni Annie sa itsura niya. Halos umakyat na sa barricade at nagsisisigaw ng I love you Sophie and Mathew.

Lumakas yung kabog ng dibdib ko ng marinig kong kumanta na sila ng sabay, Lalo na ng halos magkalapit na sila ng mukha at nagwawala na ang mga tao dahil sa kilig sa kanilang dalawa. Parang ang kirot ng dibdib ko at hindi ako makapaniwalang nararamdaman ko kay Mathew ito.

"Sorry bessy, Alam mo naman di ba na fans talaga nila tayo!? Dati nga ikaw pa yung kumakaladkad sakin pag may mall show sila eh, Pagbigyan muna ko ito yung pinakahihintay ko ang makita silang dalawa."

Mahabang lintanya ni Annie, Naririndi na si Chris sa kasisigaw niya. Haha!

"Ayan na nga, Medyo matagal na itong katanungan na itatanong ko, Maraming naghihintay ng sagot kung kayo na daw ba in real life ni Sophie?"

"Malalaman ba ng mga taong nandito ngayon ang kasagutan sa matagal ng tanong nila." Dugtong nang nag iinterview sa kanila.

Nakita kong napalingon sakin si Annie at hinagod naman ni Chris yung likod ko.

"Maybe someday, Huwag nating madaliin darating din kami dyan ni Sophie right?"
Nakangiting sagot ni Mathew na ngayon ay nakatitig kay Sophie. Nagsigawan ang mga tao dahil sa sagot niyang yun.

"Yes. We need to wait na lang, I think naman if that happen, kayo ang unang makakaalam." Dugtong ni Sophie at halos malaglag na si Annie sa kakasigaw niya ng makita niyang yumakap si Sophie kay Mathew.

Lalong naging wild ng makita nilang yumakap rin si Mathew kay Sophie. Gusto ko na ngang itulak si Annie para malaglag sa totoo lang.

"Uwi na ba tayo? Tanong ni Chris na halata naman sa kanya ang pag aalala sa akin.

"No okay lang ako, Nag eenjoy pa si Annie."
Sagot ko at ngumiti.

"Kiss.. kiss..

"Kiss.. Kiss.. Kiss.."
Sigaw ng mga tao, Dun lang natauhan si Annie.

"Tara, I think okay na ko."
Bumaba si Annie sa barricade at hinihila na ko para umuwi.

"No dito lang tayo, Tapusin na natin okay lang ako ako ano ka ba."
Pagpapanggap ko kahit na kinakabahan ako sa totoo lang.

Napansin kong ang layo ng tingin ni Mathew. Habang si Sophie ay busy sa pagkaway sa mga tao. Nagulat ako ng magkatinginan kami ni Mathew as in eye contact.

Umiwas ako agad at hinila si Annie at Chris.

"Teka lang bessy akala ko ba tatapusin na natin?"
Hila hila ko na si Annie.
Napahinto lang kami ng magsalita si Mathew.

"Forehead will be enought guys right? And isa pa mas overwhelmed ang feeling kapag sa noo ang kiss di ba?"

Si Mathew at kumaway sa mga tao.

"I think that is too much for them.."
Pang aasar ni Sophie sa mga fans nila
na halos magwala ng halikan siya sa noo ni Mathew.

Si Annie naman makasabunot sakin sa sobrang kilig niya akala mo hindi ako kaibihan eh no.

"Hello! Asawa nandito Annie, Bestfriend mo, Gusto mong ihagis na kita sa fans club ni Sophie!?"

"Sorry, Alam mo naman fan na fan talaga tayo ng loveteam na yan eh."
Si Annie at niyakap ako.

"Sige ihagis mo na yan, Since kanina pa kinikilig yang babae na yan."
Natatawang sabi ni Chris.

Nasa byahe na kami pauwi at pupunta sila sa bahay ngayon para mag ayos ng kwarto ni baby.

Accidentally Married a Famous (COMPLETED)Where stories live. Discover now