Chapter 7

5.2K 109 0
                                    

-- Gia --


Nagising ako nakayuko sa side ko si Annie. Anong nangyari, Bakit ako nasa hospital? Ang huling natatandaan ko lang ay galing kami kay Chris.

Sinubukan kong tumayo sa higaan ko pero nagising lang si Annie ng gumalaw ako.


"Anong nangyari? Nalasing ako?
Nagtataka kong tanong sa kanya. Tinititigan lang ako ni Annie.

Tatayo na sana ako pero pinigilan ako ni Annie. Hindi ko alam pero ang weird niya ngayon yung mga tingin niya sakin nakakatakot.


Kinuha ko yung tubig sa side ng kama ko at uminom. Tinititigan pa rin ako ni Annie.



"Ano ba? Bakit ganyan ka makatingin? May sakit na ba ako? Mamatay na ba ak-..


"Your three weeks pregnant." Sigaw niya.


Halos maibuga ko yung tubig na iniinom ko sa sinabi ni Annie.


"Huwag ka nga, ano pina-prank mo ba ko? Paano ako mabubuntis? Ano laman tae?

"Yun na nga Gia! Nalilito ako. Paanong yun ang findings?

"Umayos ka Gia! Hindi ako natutuwa."
Dugtong ni Annie.


Seryoso si Annie. Tumayo ako sa higaan at umupo ako ng maayos sa upuan.


"Baka naman kasi nagkamali lang yun, Lasing ako kagabi hindi nila ko matetest ng maayos."

"Magpapacheck up tayo ulit sa iba siguraduhin mong nagkamali lang talaga ang findings kasi mapapatay ka ng ate mo."

Tinititigan pa rin ako ni Annie. Ayaw maniwala sa sinasabi ko.


"Huwag na, Bakit pa tayo magpapacheck up ulit? Eh okay naman na ko."

"Basta Gia bukas sasamahan kita sa ayaw at sa gusto mo."


Kinabahan ako bigla, Naisip ko yung nangyari samin ni Mathew. Walang hiya yun, Shooter pa ata ang loko. Pero sigurado ako na hindi ako buntis at alam ko yun sa sarili ko.


-- Gia --


"Gumising ka na Gia! Tara na aalis na tayo."

Nagulat ako ng hilahin ni Annie ng malakas yung kamay ko. Ang sarap sarap pa ng tulog ko eh! Napabangon tuloy ako ng di oras.


"Grabe ka naman hindi naman ako tatakas sana hinintay mo na lang ako magising."


"Hindi na makakahintay yung isip ko Gia, Kung ikaw hindi kinakabahan sa maling findings na yun ako kinakabahan."


Pagkatapos ko maligo ay nagdrive na ako papunta sa alam na OB-GYN ni Annie. Inis na inis siya ng makita niyang sarado.



Linggo nga pala ngayon so dapat alam niyang walang open ngayon. Meron siguro sa mga big hospital pero galing na kami dun kaya sabi niya next week na lang dahil may pasok siya ngayong linggong darating.


Nung nasa bahay hindi man lang naisip na linggo ngayon. Ngayon mainit ulo dahil wala kaming napala sa pag alis namin. My god bakit parang nagpapasalamat ako na hindi kami natulog ngayon.

Habang nagdadrive ako ay nagspray ng pabango si Annie na hindi ko nagustuhan ang amoy.


"Change your perfume, Hindi siya mabango girl."

"Palitan ko? Sayo kaya galing ito, Bigay mo at paborito natin parehas Gia! Seriously? anong meron sa pang amoy mo ngayon?

Kinabahan ako sa sinabi ni Annie pero hindi ko na lang pinahalata sa kanya.
"Basta ayoko nyan hindi mabango."

"Hindi mabango o may iba na talaga sa nararamdaman mo ngayon?
Bigla akong napatingin kay Annie. Alam kong nagdududa siya sakin kaya hindi ko na lang muna pinansin yun, kasi kahit ako ay nalilito sa nangyayari.

Nanahimik si Annie hanggang sa makarating kami ng bahay. Mukhang nainis sakin at nilait ko yung pabango niya. Hindi ako naniniwalang ako ang nagbigay nun.


Siya na ang nagbukas ng pinto dahil napansin niyang napagod ako magdrive. Pag upo ko pa lang sa couch ay nag iba ang pakiramdam ko.

Napatakbo agad ako sa cr at naduwal, naduduwal kahit walang maisuka. Ang sama ng pakiramdam ko.

Siguro limang minuto din ako sa banyo. Nagulat ako paglabas ko nasa pintuan si Annie tinititigan na naman ako.


"Okay lang ako ano ka ba? Siguro hindi ko lang gusto yung kinain natin."


"Magkwento ka nga Gia. Ano ba talagang nangyari sayo nung gabing hindi ka nakauwi dito." Nagulat ako kay Annie.


"Nag inom nga ko kay Chris!"
Madiin kong sagot.


"At?


"Anong at?
Tanong ko.


"Gia kapag hindi ka umamin tatawagan ko ate mo at sasabihin ko yung result sa ospital kahapon!

"Aaminin ko na."
Sigaw ko na nagpatawa kay Annie. Ewan ko lang kung matawa ka pa kapag sinabi ko na yung totoo sayo.

Accidentally Married a Famous (COMPLETED)Where stories live. Discover now