Chapter 63

2.6K 75 1
                                    

Mathew's POV

Itinayo ko siya at dahan-dahang hinalikan sa leeg, Nararamdaman kong namiss din ako ng asawa ko. At masaya ko na napaparamdam niya pa rin sakin yun kahit galit siya. Pakiramdam ko nawala lahat ng pagod kong naipon sa Italy.

Hinalikan ko siya sa labi, Nagulat ako ng bigla niya kong itulak, Tumakbo siya sa lababo, Naririnig kong nagduduwal siya kaya sumunod ako at marahang hinimas yung likod niya habang nagsusuka siya kahit wala namang maisuka.

"What's wrong? Okay ka lang?
Tanong ko habang pinupunasan ko ang mukha niya. Pero hindi niya ko pinansin at uminom lang ng tubig.

"Pwede ba Jade, Huwag na muna tayong magtabi ngayon please."
Napatigil ako, pumasok siya sa kwarto ko at nahiga.

Tatabi na sana ko sa kanya ng bigla niyang ihagis yung unan ko. Tinititigan ko siya pero hindi niya talaga ko pinapansin.

"Grabe, Almost one month akong nawala Love. Tapos sa couch mo lang ako patutulugin ngayon?
Naiirita kong sabi.

Pero hinayaan lang niya ko magsalita at hinagis sakin yung kumot ko, Hindi ko alam kung anong nangyayari pero naiinis ako, Yung pakiramdam na miss na miss ko siya tapos ganito.

Lumabas ako ng kwarto at nahiga sa couch, Narinig kong sinara niya na yung pinto kaya hinayaan ko na lang.

Paidlip na sana ko ng biglang tumawag si Tita Grey.

"Mat, You need to be ready. May guesting kayo bukas ng umaga to promote your movie. 8am Mat, So please don't be late."

"Tita naman, Kauuwi ko lang guesting agad?

"Bakit hindi? Alam mo naman yan di ba? You need to promote your mov-..

"Uunahin ko pa ba yan? Si Gia inaaway ako, may nagsend ng picture namin ni Sophie sa Italy.

"Tss! Naniniwala kang dahil lang sa picture kaya ka inaaway nyan?

"Eh may iba pa bang dahilan?
Naiirita kong tanong.

"Alam mo bang naexplain ko kay Gia yan bago pa tayo makabalik."

"Naexplain? What do you mean?

"Gia asked me about that picture.

"Yun naman pala, Eh ano pang kinagagalit niya."

"Gusto mong umuwi ng maaga di ba? So face it.

"Tita, Hindi ko maintindihan."

"Nasa part pa ng paglilihi yang asawa mo, So magtiis ka."

"Paglilihi? At ano namang konek nun?

"That's not the end Mat, Goodluck."
Natatawang sabi ni Tita Grey at ibinaba na ang cellphone.

Patulog na lang ako ginulo pa isip ko, Hays! Naisip ko na hatiran siya ng gatas bago ko matulog kaya nagtimpla ko at hinatid sa kanya yun.

"Love oh, Inumin mo para mas masarap yung pagtulog mo."

"Ayoko nyan.
Sabi niya.

"Love naman eh, Lalabas na ko inumin mo na yan."

"Gusto ko yung may kamatis nyan."
Napalingon ako, Palabas na sana ko.

"Kamatis? Sa gatas?
Tanong ko, Tumango siya kaya kinuha ko yun at pinalitan.

Tss! Bakit naman kamatis pa yung naisip ilagay sa gatas, Yung wala pa talaga dito sa bahay.

Kinuha ko yung susi ng sasakyan ko at umuwi kila mommy.

"Hijo, Nasundo mo na ba si Gia?
Bungad ni mommy.

"Yes mom.
Sagot ko at dumiretso sa kusina. Mabuti na lang at may stock sila mommy.

"Nasaan siya? Bakit hindi mo kasama?

"In my house, I'm sorry but I need to go."

"Teka nga, Teka. Anong gagawin mo dyan?

Hinarang ako ni mommy, Tinignan niya yung hawak ko. Napakamot na lang ako sa ulo.

"So, Your wife want that?

"Milk with tomato mom, Weird right?

"I'm so happy that you're doing that hijo, And that's only a beginning Jade."
Natatawang sabi ni mommy. Hinatid niya ko sa kotse ko.

Pagkatapos kong timplahin yung gatas ay hinatid ko agad sa kwarto ko, Tulog na tulog na si Gia. Tss! Seriously? Lumabas pa ko for this tapos tutulugan lang niya ko.

Inayos ko yung kumot niya at lumabas na ko ng kwarto. Masaya ko na nandito na ko pero hindi ko naman iniexpect na ganito kaselan si Gia ngayon. Tss!

Nagulat ako pag gising ko may breakfast na, Lumapit siya sakin at niyakap ako.

"Thank you for making this Love.
Pinakita niya yung milk tomato na ginawa ko kagabi.

"Wala ka ng sumpong?
Tanong ko.

"Sige na kumain ka na, Alam kong may guesting ka ng 8am Love."

"At kailan ka pa naging updated sa scheadule ko?

"Tita Grey text me. Nga pala Jade, Gusto ko sana bumalik sa pagtatrabaho."

"Trabaho? for being my assistant again? No Gia.

"Dati kong work Love, With Annie."

"You mean BPO? Hindi pwede love. Mapupuyat ka dun at bawal sayo yun.

"Morning shift ako Jade, So you've nothing to be worry."

"Eh paano kung malapit ka ng manganak?

"I'll just take a leave. Hindi ako tatambay lang dito at maghihintay sayo Love. Gusto kong makatulong sayo."

"Yung alam kong nasa tabi lang kita Gia malaking tulong na sakin, You don't need to be tired just to earn money."

"Pero Jade, Hindi naman pwedeng-..

"Gia, Bakit hindi na lang yung kasal natin or bahay nating lilipatan pagkaabalahan mo."

"Kasal? Eh hindi ka pa nga tapos dyan sa movie mo."

"It's almost done Love."

"Almost pa lang Jade, It means hindi pa tapos. So please hayaan mo kong makatulong sayo."
Niyakap ako ni Gia. Sinubukan kong halikan siya pero umiwas na naman siya sakin.

"Okay ka lang ba? Bakit ba umiiwas ka everytime na hahalikan kita."
Tumango lang si Gia at bumalik na sa lamesa.

"May lalaki ka ba?
Tanong ko, Hindi ko alam pero bigla na lang akong tinawanan ni Gia.

"Tss! Here you go again Jade, Nagiging over ka nanaman."

"At anong gusto mong maramdaman ko Gia? Kagabi tinulak mo ko, Tapos sa sala mo ko pinatulog. Then gusto mo ng magwork ulit. Tapos hahalikan kita umiwas ka na naman."
Pumasok ako sa kwarto, Naiirita na ko hindi ko na alam kung anong iisipin ko.

Nagulat ako ng may yumakap sakin at bumulong.
"This is what you want right? So embrace it Love."

Accidentally Married a Famous (COMPLETED)Where stories live. Discover now