Chapter 40

4.1K 97 3
                                    


"Anong ginagawa mo dito? Paano mo nalamang nandito ako?
Sabi ko at kumalas sa pagkakayakap niya.

"Chris told me. Halos mahilo ko kakahanap sayo kung hindi pa ko nagmakaawa kay Chris hindi niya sasabihin sakin kung nasaan ka."

"Nag usap na tayo Mat."
"Pero hindi ko sinabing pumayag ako sa gusto mo!"

"Gia naman, Kaya naman kita ipaglaban. Handa na ko sa kung anumang mangyayari sa career ko."
Sabi niya at pilit akong niyayakap.

"Alam mong mababaliwala lahat ng pinaghirapan mo kapag ginawa mo yan at ayokong mangyari yun."

"Kaya susuko ka na naman agad at iiwanan na naman ako ganun ba? Tang in* naman! Ginawa mo na dati yan huwag mo naman ng ulitin!"
Rinig na rinig ko ang pagpiyok ng boses ni Mathew, Umiiyak siya at kitang kita ng dalawang mata ko yun.

Gusto kong yakapin siya sa mga oras na yun pero alam kong lalambot ako kapag ginawa ko yun. Magtitiis na lang ako para sa ikabubuti ng mga pinaghirapan niya at pangarap niya.

Lumapit ako sa pintuan.
"Umalis ka na Mat. Ayoko na! Ayoko na ng magulong buhay kasama ka! Kaya parang awa mo na ayoko ng makita ka pa!"
Halos ikabilis ng tibok ng puso ko ng bigla akong yakapin ni Mathew.

"Alam kong sinasabi mo lang yan para tumigil ako. Hindi ako maniniwalang ayaw mo na hangga't hindi mo sinasabing hindi mo na ko mahal."

Tinulak ko siya, Kahit na labag sa loob ko ay mabilis kong sinabing hindi ko na siya mahal para lang makinig siya at tumigil.

"Hindi na kita mahal! At hindi ko na pangangarapin pang mahalin ka pa ulit!! Ang hirap hirap mong mahalin!! Ayoko na Mat!!!!!
Hindi ko alam na umiiyak na pala ko. Alam kong kabaliktaran lahat ng sinasabi ko yung nararamdaman ko ngayon sa kanya.

Naramdaman kong lumuwang ang pagkakayakap niya sakin. Ang sakit ng dibdib ko alam kong nasasaktan ko siya pero wala kong magawa.

"Ayaw mo na? Agad? Ganun kadali na lang ulit Gia? Sige kung yan ang gusto mo. Huwag mo sanang pagsisihan na hindi mo ko sinamahang lumaban Gia."
Sabi niya at iniwan na ko dito. Gustuhin ko mang habulin siya pero pinigilan ko ang sarili ko. Kailangan kong panindigan kung ano ang naging desisyon ko para sa ikatatahimik ni Sophie lalo na ng mga taong sumusuporta sa kanya.

Maya maya lang ay dumating na si Chris. Naabutan niya kong umiiyak pero hindi na siya nagtanong pa dahil sinalubong ko siya at sinabing gusto ko ng umuwi.

"Pero Gia delikado pa para sayo..
"Please, Let me go home! Hayaan mo kong harapin yung problema ko.
Hindi ko alam pero bigla na lang akong napaiyak, naisip ko kasi si Mathew. Alam kong nasaktan ko siya.

Mabuti na lang at pinakinggan ako ni Chris. Hinatid niya ko bahay at sinalubong ako ni Annie.

Pumasok lang ako sa kwarto. Nagulat ako ng sumunod si Annie at may dala dalang maiinom.

"Alam kong kaya mo yan Gia!

"Tss! Hindi rin. Hindi ko alam kung tama bang sinuko ko na naman siya at hindi sinamahang lumaban..

"Alam naman niyang ginawa mo lang yun para hindi masira yung career niya.

"Pero sinabi niyang kaya niyang ayusin yun ng hindi ko siya iniiwan pero hindi ko siya pinakinggan."
Lasing na ko, napapiyok na naman ako sa pagsasalita.

"Tumigil ka na Gia, Alam mong walang mangyayari dyan kung iiyak ka na lang ng iiyak.
Sabi ni Annie. Tinungga ko yung bote ng alak gusto kong malasing.

"Sige na puntahan mo na siya at lumayo muna kayo."
Nagulat ako sa sinabi ni Annie, parang biglang nawala yung lasing ko.

"Ano bang sinasabi mo? Alam mong napaka imposibleng mangyari yan."

"Sige na, puntahan mo na siya itetext ko ang address ng lugar na pwede niyong puntahan."
Si Annie at pilit akong hinila palabas at pinasakay ng taxi.

Nagulat ako ng ihinto ni manong sa tapat ng bahay ni Mathew. Inabot ko ang bayad ko at mabilis akong bumaba.

Dahil may susi ako ng bahay niya eh pumasok na ko mag isa. Walang tao, inikot ko ang buong bahay niya pero wala siya.

Sinubukan kong tawagan si Tita Grey pero hindi sinasagot. Lumabas ako at pumara ulit ng taxi para puntahan siya sa bahay ng magulang niya.

Laking gulat pa nga ng ate niya ng makilala ako.

"My god Gia, Ikaw nga..
Niyakap ako ng ate niya.

"I heard the news. Bumalik ka na pala."

Tumango lang ako. At halos kabahan ako ng biglang tanungin ni ate si Mathew.

"Where's Mathew? Bakit hindi mo siya kasama?

"Wa..wala po siya dito?
Kinakabahan kong tanong.

"Wala actually kanina pa nga namin siya hinihintay, dahil hindi naman nagtatagal ng uwi yun lalo na kapag may problema siya, Don't tell me hindi mo alam kung nasaan siya?

Hindi ko alam kung anong isasagot ko, Halos mataranta sila. Sinubukan nilang tawagan si Tita Grey pero hindi rin sinasagot yung tawag nila.

Nagpaalam ako sa kanila at mabilis na lumabas ng bahay. Tinawagan ko si Annie para magpasundo mabuti na lang at sandali lang ay nandito na siya.

"Ano bang nangyayari? Sabi ko sayo puntahan mo siya hindi yung magul-..

"Hindi pa siya umuuwi, wala din siya sa bahay niya.
Sabi ko. Sinubukan kong tawagan siya gamit ang cellphone ko pero binababa lang niya.

Ang bilis ng tibok ng puso ko. Sinubukan pa naming bumalik ni Annie sa bahay niya pero wala pa ring tao dun.

Ayoko pa sanang umuwi pero pinilit na ko ni Annie.
"Baka nagpapalamig lang ng ulo yun, huwag ka ng mag alala."
Pinasok ako ni Annie sa kwarto pagdating namin. Hindi ko pa rin mapigilang hindi mag alala.

Halos lahat ng team niya ay natawagan ko na at wala daw Mathew na nagpapakita sa kanila.

Hindi ako mapakali, Halos magreklamo na si Annie dahil pabalik balik ako sa kinatatayuan ko. Sinubukan ko ulit tawagan yung ate niya pero wala pa daw siya.

Nagulat ako ng biglang magring yung cellphone ko, mabilis kong sinagot yun kahit na hindi pamilyar sakin yung number na tumatawag.


"Hello, This is Dr. Park from One health medical center, Mr. Mathew is here and unconcious. I need you to be here immediately. Because you are the only one contact in his wallet."

Accidentally Married a Famous (COMPLETED)Where stories live. Discover now