Accidentally Married a Famous

15.5K 216 3
                                    

"Happy anniversary Babe!"

Nabitawan ko ang dala kong cake pagbukas ko ng pinto ng apartment niya.


"Magpapaliwanag ako Babe!" Lumapit siya at hinawakan ang kamay ko.


Hindi ko alam pero mabilis na dumampi sa pisngi niya ang palad ko. Parang bigla na lang nanikip ang dibdib ko at ang sakit sa pakiramdam na makita kong mabilis na bumangon yung babae at tumakbo sa banyo.

Papasukin ko sana para sugurin pero parang may pumigil sakin at tumakbo na lang palayo kay Philip. Sinubukan niya ko habulin pero hindi na niya ko naabutan.


Ang labo na ng paningin ko dahil sa pag iyak ko, Napakatanga ko bakit hindi ko man lang nalaman na niloloko na pala ako ni Philip. Ang malamang may babae ang mahal mo ay masakit na, Ano pa ang maabutang nakaibabaw sa ibang babae ang taong pinangarap mo na makasama habang buhay.

"Ma'am saan po tayo?!"
"Kahit saan ho' manong!"

"Ma'am malayo na po kasi yung naikot natin."

Ngayon ko lang nalaman na kanina pa pala kami nagpapaikot ikot ni manong. Aabot ba sa isang libo mahigit ang taxi rate ko kung hindi pa kami nakakalayo. Mabuti na lang may pera pa ko, May natira pa pala sa pinambayad ko ng cake na para sana sa anniversary namin.


Bumaba na ko at naglakad kahit saan. Hindi ko pa rin mapigilang hindi umiyak. Hindi ako halos makahinga dahil sa sakit na nararamdaman ko pakiramdam ko sasabog yung dibdib ko tapos masasabugan si Philip. Char!

Hanggang sa mapadpad ako sa lumang bakanteng bahay. Ang dilim dahil na rin siguro gabi na, Umupo ako sa sulok at dun nag iiyak.


Sa dinami dami ng pwedeng lokohin bakit ako pa. Saan ako nagkulang, Para akong bata na humihikbi sa pag iyak. Ang sakit! Paulit ulit kong sasabihin na ang sakit! Sakit! Sakit!

Anong kulang sakin? Nagkulang ba ako? Lahat naman binigay ko.

Accidentally Married a Famous (COMPLETED)Where stories live. Discover now