Epilogue

111 4 2
                                    

Epilogue

- Anne Sanchez -

Sabi nila kung hindi para sa iyo, huwag mong kapilitin kasi pareho lang kayong masasaktan sa bandang huli....

At iyon nga ang nangyari sa amin ni Kayla, pareho kaming nasaktan. Ang galing nga naman pag na-in love ka, hindi mo alam kung kanino o kailan ka tatamaan niyan. Hindi alintana ni Kupido kung ano man ang estado mo sa buhay o ang iyong kasarian.

Walang kasiguruduhan kung magiging kayo ba hanggang huli o mag kakaroon lang ba ng "kayo" sa huli.

Iyung araw na umalis ako sa mansyon nila, dumeretso ako sa bahay namin at naabutan si papa na nagkakape sa salas.

Nakita niya akong umiiyak non kaya kahit masakit pa rin para sa akin ang mga nangyari, kinukwento ko sa kaniya ang nangyari sa amin nong babaeng mahal ko, mahal na mahal ko.

Wala akong pinalagpas na maliliit na detalye kay papa at nang natapos, pinayuhan naman niya ako. Akala ko nga magagalit siya kasi ang anak niya ay nagkagusto at nagmahal ng isang babae pero hindi, tanggap niya kung ano ako. Tanda ko pa nga iyung salitang nakapagpagising sa akin.

"Set her free, pati na rin ikaw, anak. Hindi lang talaga siya 'yung babaeng para sa 'yo, marami pa diyang iba. Bata kapa kahit hindi na pala, hahaha. Marami kapang makikilala sa tabi-tabi."

"Tulungan mo na lang siyang mapalapit sa taong mahal niya. Hindi rin naman sa lahat ng oras ay puro puso ang pinapairal, paganahin mo rin 'yang utak mo."

Pagkatapos nang pag-uusap namin, hinanap ko kaagad si Marie at ang walanghiyang Forty na iyon, nandito na pala sa Pilipinas at tumatawag-tawag lang kay Kayla. Tsk, duwag. Kinausap ko siya at pinagbantaang huwag na niya ulit iiwan si Kayla kasi kung mangyayari man ulit iyon, talagang kukunin ko na siya sa kaniya.

"Oh, lobo for your thoughts."

Nilingon ko iyung boses sa aking tabi. May hawak siyang lobo na pink at nakangiting nakatingin sa akin.

"Hindi na ako bata, Lim. ibigay mo na lang 'yan sa mga bata. Mas magugustohan nila 'yan."

Umupo siya sa aking tabi at tiningnan ang kanina ko pang tinitingnan. Sa totoo lang, si Kayla lang talaga ang tinitingnan ko habang binabato niya si Marie ng lobong may tubig. Kahit kailan talaga, isip bata pa rin siya.

"Akalain mo nga namang sila ang magkakatuluyan hanggang huli. Anong nangyari? Nag paraya na nga ako kasi siya ang gusto mo pero hindi ikaw ang binabato niya ngayon."

Napailing na lang ako dahil sa sinabi si Lim. Sobrang mapagbigay talaga siya at mapagbiro pa rin. Walang pinagbago kahit nasaktan ko siya noon.

"Nakakainggit sila, ang saya-saya nila." Sabi ko. "Oo nga, naging masaya rin sa akin si Kayla pero hindi katulad nang saya na nararanasan niya ngayon."

Mapakla akong ngumiti at pinunasan ang isang luhang nakatakas sa aking mata. Kahit tanggap ko na ang lahat, may parte pa rin sa puso ko ang nasasaktan.

"Pwede naman tayong maging masaya kung pagbibigyan mo lang akong mahalin ka, Anne." Hinawakan ni Lim ang kamay ko kaya lumipad palayo iyung lobo.

"Like them."

THE END

Story Started: 2018
Story Ended: June 9, 2020 / April 26, 2024

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 26 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Like ThemWhere stories live. Discover now