Chapter 30

3 1 0
                                    

Chapter 30

- Kayla Walker -

Hinawakan ni Marie ang kamay ko at...

"Bes, ka-kailangan kong pumuntang America."

Ano!? America?
Kung magbabakasyon lang, pwede naman akong sumama.

"Sorry pero hindi pwede. May kasunduan kasi kami nila mommy at gusto ko ring may patunayan sa kanila. I love you, bes. Alam mong nandito lang ako palagi para sa 'yo at ang tanging hiling ko lang ay makasama ka habang buhay pero ito lang talaga ang p'wede kong gawin para mapapayag sila, para maisakatuparan ang gusto ko para sa ating dalawa."

Napahawak ako sa magkabilang tenga ko dahil sa sinabi niya. Aalis siya? ayoko!

"Pwede bang h'wag ka na lang umalis? Pwede mo naman dito sa Pilipinas gawin 'yan? Bes, ayokong malayo sa 'yo!" nagmamakaawa kong sabi sa kaniya.

Pinunasan ni bes ang luha ko at ngumiti, iyung ngiti niya, ang pait, ang pait-pait!

"Gustuhin ko man pero hindi pwede, nasa America 'yung mga business namin saka hindi ko mapagbibigay ang gusto mo kasi... bukas na ang alis ko."

Lalo akong naiyak dahil sa sinabi niya. Bukas? Bakit ang bilis naman ata? Kaya ba nasabi niya yung word na 'mamimiss' at kaya ba natuloy itong date na ito kahit mag kaaway kami?

Pinaghahampas ko siya nang sinubukan niya akong yakapin. Nakakainis siya!

"Nakakainis ka! Ang sabi mo gagawa ka ng paraan para hindi ka matuloy sa America?! Sabi mo hindi mo ako iiwan? Sinungaling ka, SUNUNGALING!!"

Nakakainis! Gusto kong lumalon palabas dito sa Ferris wheel na ito dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko pero hindi ko magagawa iyon kasi yakap na ako ni Marie.

Yakap-yakap lang ako ni Marie at paulit-ulit na sinasabi ang salitang "Sorry" at "Patawad"

Hindi! Hindi kita kayang patawarin dahil iiwan mo ako.

- Anne Sanchez -

(Last chapter 25)

Nang makilala ko kung kaninong boses ito ay agad na napakunot ang noo ko, "Anong kailangan mo at kanino mo nakuha ang number ko?"

"Hindi na mahalaga kung kanino ko nakuha. P'wede ba tayong magkita saglit, may sasabihin lang ako. I-text mo na lang kung nasaan ka at pupuntahan kita."

Tulad nga noong sinabi niya, tinext ko iyung lugar kung saan kami magkita at pagkarating ko doon ay nakaupo siya sa mga upuan na may iniinom na beer ata iyon?

Hindi na ako nag-aksiya pa ng oras at kaagad siyang nilapitan.

"Ano 'yung sasabihin mo? About ba ito sa panliligaw ko kay Kayla?" Deretsahan kong tanong sa kaniya.

Hindi niya ako pinansin at ininom lang iyung beer na hawak niya.

"Marie, ano na? Pinuntahan mo lang ba ako rito para panuurin ka uminom diyan? Ano ba kas-," hindi ko na natapos iyung sasabihin ko nang bigla siyang humarap sa akin.

"P'wede bang ikaw muna bahala kay Kayla habang nasa America ako."

Ha? "Anong sabi mo? Paki ulit?" naguguluhan kong utos sa kaniya. Tama ba ang narinig ko?

"Kahit labag sa loob ko, p'wede bang bantayan mo si Kayla habang nasa America ako," pag-uulit niya sa sinabi niya kanina.

"What? Niloloko mo ba ako?" galit kong tanong sa kaniya, "hindi naman lingid sa kaalam mong may gusto rin ako Kayla at anong America? Talaga bang kaya mong iwan si Kayla sa akin?"

Tinungga niya iyung natitirang laman doon sa iniinom niya at padabog na nilapag iyon sa lamesa, "Anong akala mo sa akin, madali itong hinihiling ko sa 'yo? Sobrang hirap nito para sa 'kin! Ayoko siyang iwan pero ito lang ang tanging paraan para hindi siya tuluyang MAWALA SA AKIN!"

Nag-umpisa na siyang umiyak sa harapan ko. Malayong malayo ito sa Marie na palaging galit sa akin. Para sa akin ay para siyang batang hindi napagbigyan sa gusto niyang mangyari, nakakaawa.

"Hindi mo alam kung ano ang hirap at sakit na nararamdaman ko ngayon. Natatakot akong mas lalo siyang mawala sa akin kapag hindi ko sinunod ang mga magulang ko," naiyak niyang sambit sa akin habang hawak-hawak ang kaniyang dibdib.

"... Kahit ayoko man, ikaw lang ang alam kong p'wedeng makatulong sa akin." Tumayo siya sa kaniyang inuupuan at tinalikuran ako.

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman ngayon pero mababaliw ako kapag hindi ko ito itatanong sa kaniya, "Paano ka naman makakasigurong hindi ko maaagaw si Kayla sa 'yo?"

Iyon na lang ang nasabi ko at agad naman napatingin sa akin si Marie.

"May tiwala ako sa pagmamahal ni Kayla kaya alam kong ako ang mahal niya at hindi ikaw."

Nandilim ang patingin ko at agad na sinugod siya ng suntok. Kahit babae ako, marunong ako manuntok. "NILOLOKO MO BA AKO? NARIRINIG MO BA 'YANG MGA SINASABI MO? HINDI MO BA ALAM NA DAHIL DIYAN SA SINASABI MO, P'WEDE MO KAMING MASAKTAN LALO NA SI KAYLA!"

Dahil sa pagkakasuntok ko ay napaupo si Marie at hawak-hawak iyung putok niyang labi. Patay, napalakas iyung suntok ko.

Dahil sa taranta ay hindi ko namalayan na ginantihan niya ako ng suntok at ako naman itong napaupo.

Gagantihan ko pa sana siya nang may babaeng pumigil sa amin, "Hoy! Ano 'yang ginagawa niyo!"

"Sige, umalis ka kung 'yan ang sa tingin mong tama! Iwan mo si Kayla at sisiguraduhin kong hinding hindi mo na siya mababawi sa akin!"

Hindi ko na siya hinintay pang sumagot at umalis. Iniwan ko siya doong nakatayo at mukhang nagulat pa sa sinabi ko.

Buo na ang desisyon ko, bahala siya sa buhay niya at talagang sisiguraduhin kong wala na siyang babalikan dito sa Pilipinas.

Like ThemWhere stories live. Discover now