Chapter 31

158 6 1
                                    

Chapter 31

- Kayla Walker -

"Bes, tara magdidinner na tayo."

Hinawakan ni Marie ang kamay ko at hinila papunta sa isang malawak na lugar dito sa EK.

May mga pailaw sa paligid. May kulay pula, dilaw, berde at puti. Basta nagliliwanag ang buong paligid. Napadako ang tingin ko sa gitna at mayroon table doon. Sweet pero wala ako sa mood para kiligin, knowing na puwede rin ito mawala sa pag-umalis si Marie.

Pinaghila ako ng upuan ni Marie at umupo naman ako. Pagod na ako, gusto ko nang umuwi.

"Bes, ngiti ka naman diyan. Ayoko namang umalis na ganyan 'yang mukha mo," pabiro niyang sabi sa akin.

Pinunasan ko iyung luha ko at tiningnan siya sa mata. "Bakit, sa tingin mo ba nakakatuwa 'yang pag-alis mo? Dapat ba akong mag-enjoy kasi iiwan mo ako? Bakit mo ba ginagawa sa akin 'to? Pwede naman kasing dito mo na lang patunayan 'yan," naiiyak kong sabi sa kaniya. Ito na naman ang luha ko, nakakainis.

Hindi siya sumagot kaya umiyak na talaga ako. Tumayo si Marie para yakapin ako nang pagkahigpit-higpit.

"Sorry talaga, bes. Sorry, ginagawa ko naman 'to para sa ating dalawa. Ayaw talagang pumayag nila mom, ayaw nga rin niya sa panliligaw ko sa 'yo kaya wala akong choice at kailangan ko silang sundin. Maikling panahon lang naman ako mawawalay sa 'yo. Babalikan kita bes at umaasa akong may babalikan pa ako."

Shit talaga! Ang sakit sa tenga nang mga naririnig ko. Bakit ba kasi ang daming epal sa buhay ko. Ayaw ba nilang sumaya ako?

"Anong oras ang alis mo?"

Humiwalay siya sa pag yayakap sa akin at umiling, mukhang wala pa siyang balak na sabihin sa akin kung anong oras siya aalis bukas.

Sinunggaban ko na lang siya nang yakap kaya ang ending, napahiga na kami sa sahig. Wala na akong paki kung nasaktan siya o malamigan siya, mas masakit itong mga pinaparamdam niya sa akin.

Nanatili lang iyung ganoong posisyon namin. Ine-enjoy ang mga minuto na magkayakap at dinadama ang simoy ng hangin.

"Bes, alam mo bang si mama ang may-ari ng ibang airlines dito Pilipinas at sure akong doon 'yung sasakyan mo papuntang America."

Mahinang tumawa si Marie at hinalikan ako sa noo. "Opo, alam ko. Kaya kinausap ko na 'yung airport na sasakyan ko at kung may susubok man na pigilan o may babae mang humiga sa run way para hindi matuloy ang pag-alis ng eroplano, 'wag magpapasindak at gawin ang mga trabaho nila."

Napakamot na lang ako sa ulo kasi wala na talaga akong magagawa para pigilan pa siya. Ang galing naman niya para maisip ang plano ko. Niyakap ko na lang siya nang sobrang higpit at hinahayaang bumuhos ang luha ko sa dibdib niya.

------------------------------

Nagising ako sa pagtigil ng sasakyan namin. Hala, nakatulog na pala ako.

"Nasaan tayo?"

"Sa mansyon niyo po, sleepyhead."

Napanguso ako dahil sa tinawag niya sa akin. "Tutuloy kaba talaga bukas?"

Nawala ang ngiti niya at umiwas ng tingin. "Yes at walang makakapigil sa akin."

Wala na talaga akong magagawa.

"Sige, ikaw bahala pero ito lang ang tandaan mo. Wala kanang babalikan dito sa Pilipinas."

Pinunasan ko iyung luha sa aking pisngi at walang lingong umalis sa kotse ni Marie.

Like ThemWhere stories live. Discover now