Chapter 28

4 1 0
                                    

Chapter 28

- Felize Cruz -
(Noong dalaga pa siya)

I'm Felize Cruz at may best friend ako na may gusto sa akin.

Jennifer Flores, maganda at matangkad. May kaya ang pamilya nila at masasabi kong matalino rin siya.

Nagkakilala kami noong high school at magkaklase kami noon. Palagi niya akong sinasamahan sa mga masasaya at malulungkot na tagpo ng buhay ko. Sabay naming hinarap ang lahat at hanggang sa college ay pareho ang kursong kinuha namin.

Lahat ng sekreto namin sa isa't isa ay alam namin pero... Ayon ang akala ko.

"I-I love you, Felize!" Kinakabahan niyang sabi sa akin.

Hindi ko alam ang isasagot sa kaniya.

"Matagal na akong may gusto sa 'yo—mula pa noong una kitang makilala!"

Hindi pa rin ako nagsalita.

Akala ko ako ang mas higit na nakakakilala sa kaniya—ngunit hindi pa rin pala. Para siyang iba tao ang nasa harapan ko ngayon, ibang iba sa Jennifer na nakikila ko noong high school kami.

"Ba-bakit? Sigurado kaba diyan?" naguguluhan kong sabi sa kaniya, "...Tumayo kana diyan at uuwi na tayo. Marami kanang nainom diyan."

"Hindi, hindi ako lasing. Nagsasabi ako ng totoo, Felize." Seryoso niyang sabi sa akin.

Tumayo siya sa kaniyang pagkakaupo at lumapit siya sa akin para halikan ako.

Dahil sa ginawa niyang iyon, nakonbinsi akong nagsasabi siya ng totoo. Noong una ay tinutulak ko pa siya pero nang napasandal na ako sa pader, hindi rin nagtagal ay tumutugon na ako sa mga halik niya.

"Jenny," mahina kong sabi sa kaniya.

Bumitaw siya sa aming paghahalikan at tiningnan ako sa mata, "Naniniwala kana ba? Simula ngayon ay liligawan na kita."

Pag katapos noong tagpong iyon, isang linggo akong hindi pumasok sa school at hindi nagpakita sa kaniya.

----------------------

"Margaret, ano bang dapat kong gawin? Paano nangyaring hindi ko napansin 'yon?" Tanong ko kay Margaret.

Patuloy lang sa paghuhukay si Margaret at hindi manlang ako tinatapunan ng tingin. Kaibigan ko rin itong si Margaret. Siya ang kasa kasama ko sa hilig kong paghuhukay.

"Huy! Nakikinig kaba sa 'kin? Kanina pa ako dada nang dada dito tapos hindi mo manlang ako pinapansin." Nako naman!

Tinigil ni Margaret iyung ginagawa niya at tinanggal iyung nakapasak sa tainga niya. "May sinasabi kaba, Felize?"

What! Napasampal na lang ako sa noo dahil sa tanong niya.

"Margaret, kanina pa ako dada nang dada rito about kay Jennifer tapos nakasuot ka pala niyan!" Nakakagalit naman itong babaitng ito!

"Ano ba kasing nangyari? Umpisahan mo nga ulit 'yang kwento mo para mas maintindihan ko," pinagpag niya iyung dumi sa may manggas niya at nagpunta doon sa lilum.

Napailing na lang ako at sinundan siya.

"Okay, ganito kasi 'yon. Nagpunta kasi kami ng sayawan sa bayan noong linggo. Eh, may sayawan kaya may inuman don. Itong si Jennifer ay nag-shot-shot doon at nang malasing, bigla ba namang nagsabi na mahal niya raw ako at hinalikan ako," napatigil ako at biglang nag-flash sa isipan ko iyung halik, "WAAAAHHH! Margaret, nag-response rin ako sa halik niya!"

"Oh, tapos?" Walang ganang tanong sa akin ni Margaret, "bakit ka naman kasi tumugon sa halik niya tapos tinakbuhan mo raw siya?"

"Teka nga, bakit parang wala lang sa 'yo 'tong sinasabi ko sa 'yo? Ano bang dapat kong gawin that time? Bakit hindi ko manlang naramdaman na may gusto pala siya sa akin? Manhid ba ako o sadyang lasing lang siya? Bak–," hindi ko na natapos iyung sasabihin ko nang bigla niya ako binato ng twalyang puti.

"Alam mo, ikaw lang talaga 'tong hindi nakakaalam na may gusto sa 'yo si Jennifer. Matagal ko na 'yang alam kasi ikaw ang bukangbibig niya sa dorm. Nakakasawa na nga at ultimo paghinga mo ay kinukwento niya pa sa akin." Sabi niya sa akin.

"H-ha? Totoo? So, ano na nga? Ano bang dapat kong gawin?" Nahihiya kong tanong sa kaniya.

"Alam mo, ikaw lang ang nakakaalam niyan. Puntahan mo na siya at pag-usapan niyo 'yan. Isang linggo na 'yon wala sa sarili dahil nga doon sa pagtakbo mo that night."

-------------------------

"Jennifer, puwede ba tayong mag-usap? Puntahan kita kung nasaan ka man ngayon."

Naghintay ako ng ilan minuto sa telepono bago siya sumagot, "Sige, puntahan mo ako rito sa pinuntahan natin noong birthday mo."

Pagkasabi niya non ay binaba ko na iyung tawag at pinuntahan siya sa tabing dagat.

---------------------------

"Ha? P'wede bang paki ulit? Pumapayag kanang ligawan kita? Se-seryoso kaba? Sure ka?" Naguguluhang tanong sa akin ni Jennifer.

Kahit hindi sigurado ay pumayag na lang akong magpaligaw kay Jennifer. Okay naman iyung isang taon na panliligaw niya sa akin. Palagi niya akong sinasamahan sa hilig ko sa pagte-treasure hunt at tinutulungan niya rin ako sa pag-aaral ko.

Paunti-unti ay nasusuklian ko na iyung pagmamahal na binibigay niya sa akin. Palagi rin kaming nasa galaan with friends at formal na rin siyang nagpaalam sa magulang ko na ligawan ako.

Okay ang lahat pero noong nakilala ko Howard, doon na nagulo ang lahat. Hindi ko naman sinisisi si Howard non. Sadyang mas nahulog lang ang loob ko sa kaniya at pagkakaibigan lang talaga ang kaya kong ibigay kay Jennifer.

"Felize, hindi 'to p'wede! Anong kaibigan lang ang turing mo sa akin?"

"Felize, minahal kita nang buong buo. Ikaw ang buhay ko! Hindi 'to maaari!"

Tinalikuran ako ng Jennifer at sumakay sa itim niyang kotse.

"Jenny, sandali! BUMALIK KA RITO!" Iyon na lamang ang huli kong nasabi sa kaniya.

----------------------------------

"Isang kotseng itim na may sakay na babae ang nahulog sa bangin....."

----------------------------------

Napamulat ako dahil nakaramdaman ako ng pagkauhaw. Inalis ko iyung pagkakayakap ng aking anak na si Kayla at dahan-dahang lumabas ng kwarto.

Pagkarating ko sa kusina, uminom lang ako ng tubig at dumeretso sa aking kwarto.

Pagkarating ko ron ay dumeretso ako sa aking walk-in closet at kinuha doon iyung box na pula.

Binuksan ko iyon at kinuha ang lumang notebook na puti.

Binuklat ko iyon sa pinakahuling pahina.

October 26, 19XX

Pupuntahan ko ngayon si Felize dahil may gusto raw siyang sabihin sa akin.

Medyo kinakabahan pa ako kasi may iba akong nararamdaman don. Hindi ko alam, basta pakiramdaman ko ay may hinding magandang magyayari sa araw na ito.

Ayoko naman mag-isip ng hindi maganda kasi malay mo naman, sagutin na niya ako.

Mahal na mahal ko si Felize.

Alam kong ako ang nararapat sa kaniya at hindi iyung weirdong Howard na iyon.

Sandali lang naman sila nagkakilala non at alam kong sa akin sasaya si Felize.

Pagkatapos ko itong basahin, sinarado ko na ito at binalik sa dati niyang lalagyan.

"Patawad, Jenny. Sa huling pagkakataon, sana ay gabayan mo ang anak ko sa magiging desisyon niya. Ayokong matulad siya sa nangyari sa atin." Mahinang manalangin ko bago bumalik sa kwarto ni Kayla.

Like ThemWhere stories live. Discover now