Chapter 22

141 7 0
                                    

Chapter 22

- Kayla Walker -

"Pwede ba, tama na 'yang kantahang na 'yan. Ibang kanta naman, taon-taon na lang, ay." Pagrereklamo ko sa kanila.

Nagkatinginan ang mga bwisita ko at sabay-sabay na ngumisi, mukhang may naiisip na naman silang kalokohan.

Nag-strum na iyung isang kaibigan ni kuya Renz at inumpisahan na nilang kumanta.

"HAPPY HAPPY HAPPY BIRTHDAY. SAYO ANG INUMAN, KAMI ANG IINOM. HAPPY HAPPY HAPPY BIRTHDAY, SANA'Y MALASING MO KAMI, WOOOOHHHHH!" Parang baliw nilang kanta. Actually, sigaw na at hindi na kanta.

Mga punyeta, tinanggal ko iyung birthday hat na sinuot ni Kuya sa akin kanina at binato iyon sa mga bwisita niya, "OO NA! KAYO NA, KAYO! SIGE PAKALASING KAYO DIYAN. Parang kayo 'yung may birthday."

Nilayasan ko sila at pumunta na lang sa garden. Hay, mabuti na lang at tahimik dito.

Nakakita ako ng isang lamesa at may tatlong monoblock din doon. Bakit mayroon nito rito? Niwalang bahala ko na lang iyon at umupo na lang. Pinagmamasdan ko iyung mga star sa langit at ini-imagine na nandoon ako, ang cute ko sigurong star.

"Bes."

Nilingon ko si Marie at may dalang tatlong bote ng beer.

Siguro para sa akin iyung isa. Hindi naman niya iyon mauubos, eh.

"Asa kapa. Bawal kapa mag-inom, uy." Pagkontra niya sa akin.

Napasampal na lang ako sa aking bibig kasi nasabi ko na naman iyung nasa isip ko. Pahamak talaga ito.

"Ang daya naman. Kahit ngayong gabi lang saka hindi naman ako malalasing sa beer no."

Nagpacute ako kay Marie at ginalingan ko talaga para tumalab. Hindi rin nag tagal ay inilapag niya iyung tatlong bote at umupo sa katapat kong upuan. "Hay, makakatanggi ba naman ako sa napaka-cute mong mukha. Sige na pero isa lang, ha."

May kinuha siya sa kaniyang bulsa at ginamit iyon para mabuksan iyung bote nong beer.

"Oh, isa lang." Sabay abot sa akin.

Nakangiti ko naman iyon tinanggap at uminom ng kaunti. Tahimik kaming nainom ni Marie at nagpapakiramdaman kung sino ang unang magsasalita pero hindi rin siya nakatiis.

"Sorry nga pala kanina." Pag-uumpisa ni Marie.

Biglang nag-flashback sa akin iyung nangyari kanina at sakto namang nainom ako non. kaya parang tumigil yung iniinom ko sa lalamunan at umubo-ubo.

Nang makarecovor ako ay uminom ulit ako. "Ha, ano ba 'yon, pwede bang kalimutan na lang natin 'yon?"

"Okay." Sabay inom niya noong beer niya.

Kahit naguguluhan ay hindi ko na lang pinahalatang natuwa ako kasi hindi na niya ulit binanggit ang topic na iyon. Sa totoo lang ay ayoko na maalala iyon. Muntik naaa.

Umiinom lang kaming dalawa ay may biglang sumulpot na epal. May dala siyang empi na may kasamang tatlong magkakapatong na plastic cups at dalawang malalaking chichirya.

Nilapag niya iyon sa table namin at teka nga, bakit ngayon lang ito nagpakita sa akin?

"Anong ginagawa mo rito!?" Pasigaw na tanong ni Marie kay Anne.

Wow! Galit na galit.

"Maglalasing tayo tonight, Forty. Huwag KJ, okay?" Nagsalin siya sa isang plastic cup at inaabot sa akin. Kukunin ko na sana iyon pero may epal na naman.

Like ThemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon