Chapter 18

272 8 0
                                    

Chapter 18

- Kayla Walker -

Nilampasan ko na lang siya kasi mukhang wala siyang balak sagutin ang mga tanong ko pero bago pa man ako makalabas ay bigla siyang nagsalita, "Oo, nandon ako mamaya kaya be ready."

Ha, bakit naman ako maghahanda?

Ipinagpatuloy ko lang iyung paglalakad ko hanggang sa napatigil ako. Ilang minuto ko iyon iniisip, saan naman ako maghahanda? May bunabalak na naman ba siyang gawin sa akin?

"Miss, are you okay?" Tanong sa akin nong babae.

Tumango na lang ako saka tiningnan ang reflection ko sa salamin ng nakasaradong bintana. Bakit ba hinahayaan kong guluhin ako ni Anne.

Napailing na lang ako at pinagsasampal ang sarili ko, "Focus!"

Biglang napatingin sa akin iyung babaeng nagtanong sa akin kanina kaya nginitian ko na lang siya at pinagpatuloy ang paglalakad ko.

Naglalakad ako papasok ng canteen pero nasa malayo pa lang ako ay tanaw na tanaw ko si Marie na may kausap na babae at mukhang nag-e-enjoy pa siya.

Bwisit, nawala lang ako saglit, may kausap na kaagad siyang iba.

Bakit ako naiinis, anyway?

Lumapit agad ako sa table nila at tumabi kay Marie. Take note, yumakap ako sa braso niya para inisin iyung babaeng kausap niya.

"Bes, sorry, ha, nainip kaba kakahintay sa akin?" tumigil ako saglit para tingnan iyung buong pagkatao nitong babaeng kausap niya, "Teka! sino that girl na marungis?" Pagtataray kong tanong kay Marie.

Hindi ako nagseselos, ha, nagtatanong lang ako.

Napanganga na lang si Marie dahil sa tanong ko kaya kinuha ko iyung burger at tinapat sa bibig niya. Ito iyung burger na pinabili ko sa kaniya kanina, sure ako don. Akin ito at akin lang din si Marie.

Kumagat naman agad siya nang sinamaan ko siya ng tingin.

Nako, dapat lang kasi kung hindi niya kakagatan itong burger ko, siya ang kakagatin ko!

"So, girl na marungis, sino ka nga?" Pag-uulit kong tanong dahil mukhang nabingi na ata siya.

Pero imbis na sagutin ako ay nginitian niya lang ako at bumaling nang tingin kay Marie. "So, siya ba 'yung nililigawan mo, Marie?"

Lumunok muna si Marie bago siya sumagot. "Yes, siya nga. Kayla, si Alcena nga pala, Alcena si Kayla." Pagpapakilala niya sa akin kay girl na marungis.

Tsk, Alcena? Ang pangit parang siya.

Nanlaki bigla iyung mata ni Marie at tinakpak ang bibig ko gamit iyung palad niya.

"Sorry, Alcena, nag bibiro lang siya." Nagpa-panic na sabi niya kay Alcena.

"Mahilig pa lang magpatawa itong nililigawan mo, Marie." Mahinhin na tugon ni Alcena.

Inirapan ko na lang siya. Hindi ako nagbibiro. Pangit naman talaga siya.

"Ayst, sorry, ha. Gutom lang 'to kaya nagkakaganito. Mabait naman siya kaya pasensya na talaga," paulit-ulit na paghingi ng tawad ni Marie kay Alcena.

Nilapit niya yung mukha niya sa tenga ko saka may bumulong. "Ano ba, bes, sabi kong 'wag kang mag-iisip ng kung ano-ano. kaibigan ko lang 'to."

Kahit hindi ako kumbinsido, tumango na lang ako kaya dahan-dahan na niyang inaalis yung palad niya sa bibig ko.

"Pasensya na, palabiro lang talaga ako." Sarcastic kong sagot sabay irap kay Alcena.

Like ThemWhere stories live. Discover now