Chapter 6

689 15 0
                                    

Chapter 6

- Kayla Walker -

"Bes, gising na. Oras na para umuwi." May naririnig akong malambing na boses.

Umiling-iling lang ako at mas pinikit pa ang aking mata. "Five minutes pa, please."

Iginapang ko ang aking palad sa makinis at malambot kong unan para makaayos ng higa pero nakakapagtaka na bakit mainit ito? Pinisil pisil ko ito at binaon ang aking mukha dito.

"Ughhh, bes ano ba." Hala! Bakit nagsasalita iyung unan ko?

Sandali ako napaisip at nagulantang nang ma-realize na nakaunan pala ako sa hita ni Marie.

Dali-dali akong napabangon at tinakpan ang aking mukha. Jusko naman, ang dami-raming pwedeng mahawakan, bakit iyung makinis niya pang hita?! Agad naman akong napasampal sa aking sarili dahil sa sinabi ko, ang pervert!

"Tara na, uuwi na tayo.” Dali-dali kong kinuha ang aking bag at iniwan si Marie na wala pa ring tigil sa kakatawa. Tsk, masamid ka sana.

Padabog akong nagmamartsa pababa ng hagdanan na nakabusangot ang mukha. Napasarap ang tulog ko at nakalimutang nakaunan nga pala ako kay Marie. Nakakahiya talaga pero hindi ko maitatanggi ang kinis nga ng hita niya.

"Waaaahhhhhhhhhhhh! Ano ba."

Nasa hallway na ako nang napagdesisyonang dito na lang hintayin si Marie, ang bagal naman niya maglakad.

Sa hindi inaasahan, nahagip na naman ng aking mata si Anne at nagmamadaling naglalakad papunta kung saan. Mukhang maglalakwatya pa ata ang manang na iyon. Susundan ko sana siya pero may biglang yumakap sa akin. "Bes naman, iniwan mo kaya ako sa rooftop."

Nagpupumiglas ako pero mukhang feel na feel niya iyung pagkakayakap sa akin dahil mas hinigpitan niya pa ang pagkakayakap sa akin. Itong si Marie talaga.

"Bitawan mo nga ako, pwede namang walang pagyakap," natatawang biro ko sa kaniya.

Imbis na sundin ang utos ko, yumakap siya sa bewang ko at pinatong iyung chin niya sa balikat ko. Ang daya, di porket mas matangkad siya sa akin, pagpapatungan niya na lang ako.

"No, may punishment ka dahil hinawakan mo ang flawless skin ko," malambing niyang sabi at inumpisahan na nga niya akong kilitiin.

Dahil doon ay naaagaw namin ang atensyon ng studyanteng na napapadaan sa gawi namin. May iba na tinatawanan kami at mayroon ding mga kinikilig.

"Ang sweet nila ano," narinig kong bulong nong isang babae.

Seriously, pareho kaming babae kaya hindi dapat sila kiligin. Nang mapagod si Marie, humawak siya sa kamay ko at hinila papunta sa parking lot.

"Mukhang feel na feel mong hawakan ang kamay ko ngayon, ah. Anong meron?"

"Ha, ayaw mo ba? Pasensya na... Gusto kasi kitang ka-holding hands."

May binulong si Marie pero hindi ko iyon masyadong narinig.

Napakunot ang aking noo at pilit na iniintindi iyon, masarap na ano? Magtatanong pa sana ako kung ano iyon pero bigla siyang nagsalita.

"Bes, may gagawin kaba ngayon?" biglang tanong niya sa akin.

Saglit akong nag-isip, "Ahm, siguro hindi pa. Ang aga-aga pa kaya." Sabay pakita ng aking cute na relo, kulay pink siya.

Dahil sa sinabi ko, ginulo-gulo niya ang aking buhok at pinagtawanan na naman ako.

"Ikaw talaga, mahilig sa pink."

Like ThemWhere stories live. Discover now