Chapter 2

1K 26 0
                                    

Chapter 2

- Kayla Walker -

FIRST DAY OF SCHOOL.

Umagang-umaga ay pinapakulo ni Marie ang dugo ko. Yanong hindi ba naman sinasagot ang mga tawag ko sa kaniya. Jusko naman! First day of school tapos ngayon pa niya naisipang um-absent?

Inilibot ko ang aking paningin sa loob ng classroom at napakunot ng noo. Paano naman ako gaganahan sa mga kaklase ko? May mga nagkukuwentuhan, nagbabatuhan ng papel at iyung iba naman ay nagbabasa ng libro.

Nakakainis talaga! Nakakasawa na ang mga pagmumukha nila! Wala bang susulpot na bagong estudyante sa classroom na ito para naman kahit papaano ay may magbago rito.

Napagdesisyunan ko na lang kunin ang aking cell phone sa bag at nag-play ng paborito kong kanta pero bago pa tuluyang kumanta iyung singer, mayroon agad na pinagtitsismisan ako. Talaga bang ganito tuwing unang araw ng pasukan?

"Hindi ba siya si Kayla Walker?"

"Ang ganda niya pala. Bagay na bagay sa kaniya 'yung pagka-blonde ng buhok niya. Mapapasana all ka na lang kasi pinayagan siyang may kulay ng buhok."

"Balita ko mayaman daw sila kaya siguro akong sila may-ari nitong school."

At so on, marami pa iyan pero wala ako sa mood para pakinggan iyon isa-isa. Seriously? Tama bang pagtsismisan ako?

Napabuntong-hininga na lamang ako at inayos ang blonde kong buhok. Yes, blonde ang buhok ko at namana ko ito sa aking daddy na purong Amerikano. Sa totoo lang ay hindi talaga kami mayaman kasi sobrang yaman kaya namin. Si mommy talaga ang mayaman at balak ko ngang higitan pa ang mga achievements niya someday.

Ewan ko rin ba diyan kay mommy kung paano siya yumaman nang sobra. Minsan ay palagi siyang may mga naiisip na kalokohan para inisin ako. Mahilig din siya mag-treasure hunting na ewan ko kung ano ba ang hinahanap niya. Pero kahit mag-isa na lang si mommy, napalaki niya kaming matitinong tao ni kuya Jhay Renz.

Natahimik ang mga classmate ko nang may biglang pumasok sa classroom namin.

Unang pumasok si Ma'am Elderlyn pagkatapos ay may kasunod siyang magandang babae.

Teka, anong sabi ko? Magandang babae?

No, erase-erase. Hamak namang mas maganda ang floral pink dress at white boots ko sa sobrang simpleng t-shirt at baduy niyang doll shoes.

Seriously? Wala ba siyang ka-fashion-fashion sa katawan kaya naka-doll shoes siya? Ang baduy.

Take note, dine-describe ko lang talaga siya at nilalait. Ayon lang.

"Okay, class. May bago kayong kaklase. You may introduce yourself, Miss Sanchez."

Inayos niya muna ang itim niyang eyeglasses at humingang malalim. Natahimik ang buong classroom at mahahalata mo ring naghihintay sila kung ano ang sasabihin nitong bago naming kaklase.

"Ako nga pala si Anne Sanchez, eighteen years old. Thank you."

Ang taray, ang ganda ng name pero mas maganda iyung akin. Hindi ko pinagkukumpara ang pangalan ko sa kaniya. NEVER!

"Okay, umupo ka do'n sa hulihan," mabait na sabi ni Ma'am Elderlyn at iyon nga ang ginawa niya.

Napatitig tuloy ako sa kaniya at pinagmasdan kung paano bumagal ang kaniyang paglalakad. Para siyang isang super model na nag-slow-motion papunta sa direksyon ko. Alam niyo iyung sa mga pelikula na may pa-special effects? Para kasing ganoon ang nangyayari ngayon dahil may parang pakinam-kinam sa paligid niya.

Sandali akong natigilan dahil sa pagiging mapaglaro ng aking isip. Paanong super model? Ang baduy-baduy nga niya manamit tapos super model?

Papalapit na siya sa akin pero sa hindi inaasahan ay natalapid siya kaya nagsitawanan ang mga kaklase ko.

Napuno ng ingay ang buong kwarto at halos mamatay sa kakatawa ang mga kaklase ko dahil sa nangyari kay Anne. Ang OA naman nila, kailangan ba talagang pagtawanan kapag may nadadapa?

"Pero kung tutuusin ay maganda nga, lampa naman." Napailing na lang ako sa pagkadismaya.

Habang tinitingnan ko siyang dahan-dahan na bumabangon ay may kung anong nangyari sa aking katawan at kusa itong gumalaw. Tumayo ako sa kinauupuan ko at nilapitan siya. Nilahad sa kaniyang harapan ang aking kamay para tulungan siyang makatayo. Hindi naman siyang nagdalawang-isip na tanggapin ito at nginitian ako.

Dapat lang! Dahil isusupalpal ko itong palad ko sa pagmumukha niya kapag hindi niya pinansin ang pagtulong ko.

Nang sandaling nagkadikit ang aming mga palad, may kung anong nginig ang dumaloy sa aking kamay patungo sa iba pang parte ng aking katawan.

Kuryente? Bakit parang iba naman itong nararamdaman kong kuryente? Ito ba iyung tinatawag nilang spark?

"Ayos ka lang ba?"

Nakita mo na ngang nadapa tapos tatanungin mo pa kung okay siya? Sabog ka, self?

"Okay lang, salamat. Ahmm, 'yung kamay mo po."

Nagulat ako dahil sa sinabi niya, baka ma-weirduhan siya sa akin. Dahil sa sinabi niya ay kaagad kong binitawan ang kaniyang kamay at bumalik sa pwesto ko kanina. Sana lang ay hindi niya napansin ang pamumula ng aking pisngi at baka kung ano isipin niya sa akin. Nakakahiya!

Umupo na siya sa tabi ko at inayos ang kaniyang mga gamit. Tabi ko? What? Magiging mag-seatmate kami?

Habang nagsasalita si Ma'am Elderlyn, ano nga ulit iyung sinasabi niya?

Hindi ako makapag-concentrate sa sinasabi niya dahil hindi ko mapigilan mapalingon dito sa maganda kong katabi.

What? May sinabi na naman ba akong maganda siya?

Mukhang nababaliw na nga talaga ako. Ano ba kasing mayroon sa kaniya at hindi ko mapigilan mapalingon sa kaniya?

Sa kakatitig sa kaniya ay hindi ko na talaga maiintindihan ang mga pinagsasabi ni Miss Elderlyn at buong klaseng nalipad ang isip ko at nakatitig kay Anne.

Nasaan na ba kasi iyung best friend ko?  Siya dapat ang magiging kadaldalan ko sa mga oras na ito.

Like ThemWhere stories live. Discover now