Chapter 8

710 13 5
                                    

Chapter 8

- Kayla Walker -

Nagkatitigan kaming dalawa pero mas kinabahan ako nang bigla siyang ngumiti. Napaawang naman ako ng bibig dahil sa ginawa niya, anong ginagawa niya rito?

Hala, ano nang gagawin ko? Lalo ako nag-panic kasi nag-crossed arms siya at parang may pinaplano siya based sa mukha niya. Napaatras na lang ako sa sobrang kaba.

"Hoy! manang, a-anong ginagawa mo rito?" Sa sobrang kaba ay nauutal na ako.

Ano ba, huwag kang magpahalatang natatakot ka sa kaniya, dapat strong ka.

Imbis na sagutin ako, nginisian niya lang ako at dahan-dahan na naglakad papunta sa akin.

"Hoy! Hindi mo pa ako sinasagot, ano ngang ginagawa mo rito?"

Paatras ako nang paastras at siya naman ay palapit nang palapit sa akin. Nang ma-corner na niya ako, napapikit na lang ako at naghihintay sa kung ano man ang gagawin niya sa akin.

Ano bang gagawin nito sa akin? Hahalikan, sasaktan o ano? Jusko, hindi na ako makapag-isip ng maayos dahil sa kaniya.

"Oh! Lil sis. bakit nakapikit ka diyan? Mahiya ka naman sa bisita ko. By the way, 'yan nga pala ‘yung nililigawan ni Lim.. Anne."

'Yung nililigawan ni Lim'

'Yung nililigawan ni Lim'

'Yung nililigawan ni Lim'

Paulit-ulit iyan nag-e-echo sa utak ko. What! May manliligaw pala siya? Edi best friend pala ni kuya iyung mestizong lalaki kanina. Tsk, hindi siya magaling pumili, ang pangit-pangit kaya nito.

"Really?" Iyon na lang ang nasabi ko para kunyari, interesado ako.

Umayos ako ng tayo saka tiningnan sila, umiling-iling na lang ako at aalis na sana pero agad akong napigilan ni kuya Renz.

"Hey, lil sis. Mamaya kana umalis, sabayan mo naman kaming mag-dinner nila Lim para makilala mo na rin sila."

Tiningnan ko siya si kuya sa mata at binigyan ng ayoko-look pero umiling-iling lang siya bilang hindi pagsang-ayon sa gusto ko. Wala na akong nagawa at sumama na lang sa kanila sa dining area para subayan sila mag-dinner.

Nang makaupo na kami, nag-umpisa na magsidatingan ang mga pagkain namin. Merong menudo, sinigang at ang paborito ni kuya, papaitan. Yuck!

"I formally introduce my younger sister, Kayla. Ito nga pala si Lim at ang nililigawan niyang si Anne," pagpapakilala niya sa akin at kila Lim.

Tama nga ako, siya iyung lalaking mestizo na humalik sa pisngi ni Anne kanina. Nakakainis siya, manliligaw lang naman niya yang lalaking iyan tapos magpapahalik na siya kaagad sa pisngi.

"Saan ka nga pala nag-aaral, Anne?" Sa sobrang pag-iisip, hindi ko na napakinggan ang iba pang mga pinagsasabi ni kuya.

"Walker University," malumanay na sagot ni Anne sa tanong ni kuya.

Mukha ngang hindi nagbibiro si kuya, kikilatisin nga niya si Anne.

"Talaga, diyan din nag-aaral si Kayla."

"Actually, magkaklase kami," bigla kong singit sa kanila.

"Ahmm, interesting, ha. Kamusta namang kaklase 'tong kapatid ko. pasaway ba sa klase?"

Patay, baka isumbong niya ako sa hindi pagpasok ni Marie kanina. Kinakabahan kong tiningnan si Anne at naghihintay kung ano isasagot niya. Please, ayusin mo.

Like ThemWhere stories live. Discover now