Chapter 21

160 7 5
                                    

Chapter 21

- Kayla Walker -

"I like you, Kayla."

Ha, ano raw?

Napanganga na lang ako kasi nagrarambulan iyung mga kiti-kiti ko sa tiyan. Teka, hindi ba dapat ay butterfly, bakit kiti-kiti?

"Ha, a-anong sabi mo?" Pag mamaang-maangan kong tanong sa kaniya. Shit, nauutal ako.

Bakit parang biglaan? Totoo ba ito? Niloloko niya ba ako? Teka, anong machine gun?

"Gusto kita, Kayla."

"Ha? Paano nangyari 'yon? Kailan pa?" Tanong ko sa kaniya.

Kasi naman, bakit parang biglaan naman ata ito? Alam naman niyang nililigawan ako ni Marie.

"Halata namang hindi ka nakikinig sa akin, eh. Tumayo kana diyan, iuuwi na kita." Tumalikod na siya sa akin at naunang maglakad palayo.

Pinagmamasdan ko ngayon ang likuran niya pero ang tanging nakikita ko lang iyung malungkot niyang mukha bago niya ako talikuran.

---------------------------------

Kasalukuyan kaming naglalakad ni Anne pauwi sa mansion at heto ako, hindi pa rin maka-get over dahil sa pinagtapat niya sa akin.

"Anne, talaga bang my gusto ka sa 'kin?"

Tumigil siya sa kaniyang paglalakad at binitawan ang kamay ko. Tamo, sa sobrang pag-iisip ko, hindi ko na namalayang kanina niya pa pala hawak ang kamay ko.

Habang nag hihintay ako sa isasagot niya, hindi ko maiwasang kabahan. Paano kung seryoso nga talaga siya, paano kung...

"Hindi." At tinuloy na niya ulit ang paglalakad niya.

Napailing na lang ako dahil sa sagot niya. Sa totoo lang ay hindi ko kayang tanggapin ang sagot niya sa akin. Narinig ko lahat nang sinabi niya kanina. Hindi ko lang iyon kayang tanggapin kasi hindi iyon pwede at mali ito.

"Pero sino bang niloloko ko."

Bakit kasi ganito ang nararamdaman ko. Gulong gulo na ako. Gusto ko rin ba siya? Bakit hindi ko kayang sagutin iyung confession niya sa akin. Sasabihin ko lang naman na 'hindi na ako pwede kasi may nanliligaw na sa akin', 'sorry, Anne kasi si Marie ang gusto ko'. Mahirap bang sabihin iyon sa kaniya?

"Hoy! wait lang." Sigaw ko sa kaniya.

Binilisan ko rin ang aking paglalakad at takte, isa rin siyang mabilis maglakad. Siguro kapag nagtapat ulit siya sa akin, saka na lang ako sasagot sa kaniya.

Nang nakarating na kami sa tapat ng naming mansion. Nakakapagtaka kasi walang ilaw at wala sila manong para pagbuksan kami ng gate. Kaya dere-deretso kami papasok hanggang sa makarating kami sa main entrance namin.

Akala ko ay siya na iyung magbubukas ng pinto pero tumigil siya at humarap sa akin.

"Nag-enjoy kaba ngayong araw?" Malumanay na tanong niya sa akin.

Hindi muna ako sumagot para pa-suspend kaya kumunot ang kaniyang noo at mukhang naiinip sa isasagot ko.

"Ahmmm, hindi." Pagsisinungaling ko sa kaniya.

Sa totoo lang sobra akong nag-enjoy kahit dinala niya lang ako sa Jolibee at Park. Except lang na nag-confess sa akin.

Ginulo niya ang aking buhok at inakbayan ako. "Hahaha, kunyari hindi ko na lang narinig na sobra kang nag enjoy. Tara na't pumasok na tayo."

Galing ko talaga, aba.

Nauna na ako at pagkabukas ko ng pinto ay biglang may nagsiliparang itlog papunta sa amin. ITLOG!!!

Like ThemWhere stories live. Discover now