Chapter 17

395 9 2
                                    

Chapter 17

- Kayla Walker -

Tiningnan lang ako ni Anne at teka lang, bakit parang nasasaktan siya?

Aawatin ko sana sila pero biglang nag-ring iyung cellphone ko. Lumayo muna ako sa kanila bago sagutin itong natawag sa akin.

"Hello, kuya. Anong kailangan mo?"

"Wala naman, gusto ko lang sabihin sa 'yong pupunta rito mamaya sila Lim, magpa-party tayo."

Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya, "Ha, bakit, anong meron?"

"Basta, sabihan mo si Marie na may party dito mamaya. Sige na, mamaya na ulit. Bye."

Napabuntong hininga na lang ako saka tinago ang cellphone ko, ang weird talaga ni kuya. Kung hindi galit sa akin, trip akong asarin.

Nakakaisang hakbang pa lang ako nang bigla kong naisip iyung sinabi ni kuya. Pupunta ron si Lim? Edi may posibilidad na nandon din si Anne.

Umiling na lang ako at pinuntahan sila Marie pero hindi pa man ako nakakalapit sa kanila ay tanaw na tanaw ko ang naiinis na mukha ni Marie at nakakunot na noo ni Anne. Ano naman kayang nangyari doon.

Bago pa mag kagulo ay hinila ko kaagad si Marie papasok ng classroom namin.

"Kayla, ano ba," hindi ko siya pinansin at prenteng umupo sa upuan ko.

"Pinapasabi nga pala ni kuya na may pa-party siya mamaya." Sabi ko.

Tumango na lang siya sa akin saka umupo sa tabi ko.

"Sya nga pala, bakit hindi ka nag-text sa akin noong sabado at linggo?" Malungkot kong tanong sa kaniya.

Magsasalita na sana si Marie pero may biglang dumating na dalawang studyante at kasunod naman non si ma'am Elderlyn.

Siguro huwag ko na lang siyang tanong about don.

----------------------------------------

Hindi ko maiwasang magtaka kung bakit mukhang nasasaktan si Anne kanina.

Kasalukuyan kong pinipilit na makinig kay Ma'am Elderlyn kaso wala talagang napasok sa utak ko. Nagtataka na rin ako kung meron ba talaga akong utak o wala kasi hindi ko ma-absorb ang mga pinagsasasabi niya, isama mo pa iyung mga nangyayari sa akin ngayon.

Nakatulala lang ako sa black board namin at nagtataka kung bakit kulay green ito, hindi ba dapat green board kasi kulay green?

Natigil iyung pag-iisip ko noong may naramdaman akong may naglagay ng papel sa aking desk.

"Hey, sorry nga pala kung hindi ako napag-text sa 'yo, sadyang marami lang talaga akong inasikaso kaya nawalan ako ng time para i-text ka."

Pagkabasa ko ay naglapag ulit siya ng isa pang papel kaya sunod ko naman iyon binasa.

"Bakit ka nga pala nakatulala? Siguro iniisip mo ako, anoh. Huwag mo akong kaisipin, natulo na yang laway mo."

Automatic naman akong napahawak sa aking bibig at napagtanto pinag ti-trip-an niya lang ako.

Sinamaan ko siya nang tingin at ang sira ulong Marie na iyan, nginitian lang ako.

Naramdaman kong may naglagay rin ng papel sa desk ko at galing naman iyon sa isa ko pang asungot na katabi. Bakit ba ako napaggigitnaan ng mga asungot.

Binasa ko iyon at teka! bakit kinikilig ako?

"Kumusta na pakiramdam mo?"

Binabasa ko iyon nang paulit-ulit kaso may naglagay ulit ng papel sa desk ko.

Like ThemWhere stories live. Discover now