Chapter 23

158 4 0
                                    

Chapter 23

- Kayla Walker -

Ano raw?

"I like you, Kayla."

Napamulat ako dahil sa ingay ng alarm clock ko. Habol hiningang napabangon ako kasi hindi ko keri iyung napanaginipan ko at dahil don ay napahawak ako sa aking ulo.

Pakiramdam ko ay parang may napitik-pitik sa utak ko. "Shit, hang over."

"Ano ba kasi 'yung nasa panaginip ko?"

Hindi ko alam pero napangiti ako kasi panaginip lang pala iyung nangyari samin ni...

Napalingon ako sa aking tabi kasi biglang may gumalaw don. Halos takasan na ako ng bait kasi SI ANNE ANG KATABI KONG MATULOG!!!

Damn, automatic akong napatingin sa sarili ko at napasigaw! "AHHHHHH!" May nangyari sa amin si Anne pero bakit may damit pa rin ako? Sa pagkakaalam ko dapat wala? Hala!!!

"Wag ka ngang maingay diyan, inaantok pa ako."

Jusko po, ang virginity ko. My precious virginity.

Napabangon si Anne at nagtatakang tiningnan ako.

"Bakit ka naiyak diyan?"

Dahil sa nakakainis niyang tanong, pinag hahampas ko siya gamit iyung unan ko. "WALANG HIYA KA, 'YUNG VIRGINITY KO, NINAKAW MO!"

Inagaw sa akin ni Anne iyung unan at binatukan ako kaya lalong sumakit ulo ko. "BAKIT MO AKO BINATUKAN? IKAW NA NGA 'TONG MAGNANAKAW, IKAW PA 'TONG MAY GANANG MAGALIT!"

"ANONG NINAKAW KA DIYAN? LASING KAPA BA? WALANG NANGYARI SA 'TIN, DINALA KA NAMIN DITO NI RENZ KASI LASING NA LASING KA! SAKA AYAW MO KAYA AKONG BITAWAN NONG TINULUNGAN KITANG AYUSIN YANG SARILI MO KAYA DITO NA AKO NAKATULOG!"

Okay, galit na galit siya, "Sure ka. Wala talagang nangyari sa atin?"

"Oo nga kaya matulog pa tayo."

Hinila niya ako pahiga at mabilis na hinalikan sa akin labi. Mabilis lang iyon at pagkatapos ay nakayakap na siya sa akin. Naiilang ako sa pwesto namin kasi magkaharap ang mukha namin. Hindi ko alam kung nakapag-toothbrush pa ba kami o hindi na. Kaya lumayo ako sa kaniya at inamoy ang hininga ko. Okay naman.

Kaya umayos ako ng higa at tiningnan ang mukha niya.

Dumako ang tingin ko sa kilay niya, sa pilik mata, sa ilong na matangos at sa labi niya. Ang ganda pala ng mukha nito— ang kinis at mukha siyang inosente pag tulog. Sa totoo lang ay para kasi siyang masungit na labanos kapag gising.

Biglang nag-flashback sa akin iyung mga nangyari sa amin noong madaling araw.

"Ikaw."

"I like you, Kayla."

Lumapit siya sa akin kaya napapikit ako. Naramdaman ko ang mainit niyang labi sa akin, ibang-iba ito sa halik ni Marie sa akin. Napakaaliwalas at maingat din, walang halong pagnanasa o pagmamadali.

Hinawakan niya ang aking kamay at nilagay iyon sa pisngi niya. Ang init niya.

Tumigil na kami sa paghahalikan namin at nagkatitigan. Hindi ako makapaniwalang ibang init ang naramdaman ko sa kaniya. Para maibsan itong nararamdaman ko ay kinuha ko iyung bote ng alak at walang pagdadalawang isip na tinungga iyon.

Biglang may kumatok sa kwarto ko kaya natigil iyung aking pagpa-flashback. Tsk, epal naman.

Tumayo ako para buksan iyung pinto at mabuti na lang hindi na ako pinigilan ni Anne. Ang bilis naman niya makatulog.

Like ThemWhere stories live. Discover now