Chapter 32

3 1 0
                                    

Chapter 32

- Kayla Walker -

Two years later

Dalawang taon na akong naiyak, nakatulala at wala sa sarili dahil sa pag-alis ni Marie. Nakakalimutan ko na kumain sa tamang oras at bihira na rin ako pumasok sa school kaya balik senior high na naman ako this year. Busy kasi ako sa kakahanap ng way para mahanap si Marie.

Humingi na ako ng tulong kay mommy para kausapin si Marie. Nagkausap naman sila pero hindi manlang sinasabi sa akin ang mga pinag-usapan nila. Hindi rin niya ako pinayagan na sundan si Marie sa America.

Hindi rin ako makakapuntang America kasi nasa airport pa lang ako, pinipigilan na ako ng mga security guard. Naka-block na ako sa lahat ng airlines sa Pililinas. Sinubukan ko naman sa barko, wala rin kasi hinaharangan din nila ako. Sa social media naman, wala rin. Basta sa lahat ng paraan na pwedeng mahanap si Marie, hinaharangan nila ako.

Nandito ako ngayon sa kwarto at tinitingnan ang mga pinadalang regalo sa akin ni Marie.

Birthday gifts, Christmas gifts, kahit Valentine's day pinapadalhan niya ako ng mga regalo at lahat ng iyon, hindi ko binubuksan. Gusto ko si Marie ang maging regalo ko. Gusto ko, siya lang.

Tinatanong ko naman iyung nag de-deliver, sinuhulan ko na nga para lang sabihin niya sa akin kung sino o anong address nong nagpapadala nitong nga ito pero hindi manlang ako pinapansin.

Nakakapagtaka lang na may dumating na isang libro nong nakaraang araw. Walang nakalagay kung sino nagpadala. Ito kasing mga regalo, may pangalan ni Marie.

May card naman pero ang nakalagay lang doon ay enjoy reading. Paano ako mag-e-enjoy kung hindi naman non mapapabalik sa akin si Marie.

Kaya ang ginawa ko sa libro, tinago ko kasama nong I'm In Love with My Best Friend na libro.

May narinig akong tatlong mahihinang katok. Kaya dali-dali akong tumayo at binuksan ang pinto sa pag-aakalang si Marie na ito pero sino ba niloloko ko. Malabong mangyari iyon kasi malayo ang America.

Lulugo-lugo akong bumalik sa kama, bumalik sa pagkakahiga at nagtalukbong ng kumot.

"Sabi ni manang, hindi kapa raw kumakain mula kaninang umaga."

Naramdaman kong may umupo sa dulo ng kama ko. Tsk, ang kulet. Hindi ba niya nararamdamang ayoko siyang makausap.

"Nasa baba si Anne, pinagpaalam kana niya sa akin. Puntahan mo na siya para naman hindi ka naman mainip dito sa kwarto mo. Sobrang puti mo na, mas maputi kana sa akin," biro sa akin ni kuya.

Pero hindi ako natawa. Walang nakakatawa mula nong umalis si Marie. Wala.

"Kuya, pwede ba akong tumanggi?"

"Hindi kaya tumayo kana diyan, masamang paghintayin ang bisita."

Naramdaman kong tumayo na si kuya at sumarado ang pinto, bumangon na lang ako at napabuntong hininga. Ganito na lang ba palagi, wala choice?

Two years na akong kinukulit ni Anne at inaalagaan. Ang nakakatawang part lang sa dalawang taon na iyon, wala na iyung mga nararamdaman ko sa kaniya. Nawala na iyon kasabay nong umalis ni Marie.

Naligo na ako at nagsuot ng pink na polo at tinupi iyung manggas hanggang braso, jeans at white sneaker.

Sinuot ko din iyung bracelet ni Marie at sa kabilang wrist ko naman iyung relo kong pink. Hindi ko pa rin tinatanggal iyung tali nong lobo bilang respeto kay Anne.

Nang masiguro kong mukha na akong tao at hindi na halata ang pamumutla ng labi ko, kinuha ko na iyung sling bag ko at nilagay doon ang ang mga wallet at cell phone saka lumabas ng kwarto.

Like ThemDonde viven las historias. Descúbrelo ahora