Chapter 14

357 8 0
                                    

Chapter 14

- Kayla Walker -

Tatlo araw.

Tatlong araw na akong hindi napasok sa school at tatlong araw ko na rin hindi pinapansin si Marie.

Tatlong araw na akong nag-iisip kung anong isasagot ko sa kaniya, tatlong araw ko na ring binabasa nang paulit-ulit iyung libro at umaasang baka pwedeng magbago iyung ending.

Pero sino bang niloloko ko? Alam ko naman na kahit ilang linggo, buwan o taon ko iyon basahin nang basahin, hindi mababago non ang kwento.

"Kayla, buksan mo itong pinto!"

Iritable kong nilapag iyung libro at padabog na pinagbuksan ng pinto si kuya na tatlong araw na rin ako pinipilit na pumasok sa school.

"Ano bang kailangan mo, kuya?"

"Lil sis, wala ka pa rin bang balak pumasok? Nag-aalala na kasi 'yung best friend mo sa 'yo," nag-aalala sabi ni kuya sa akin.

Tatlong araw na rin niya sinasabi sa akin iyan. Napapaisip na lang ako kung kanino ba talaga siya nag-aalala sa amin ni Marie. Nakakaloka!

"Next week na ako papasok kaya umalis kana rito." Isasarado ko na sana iyung pinto pero agad niyang iniharang iyung kamay niya. "Sabi nang ayoko pa nga pumasok sa school!"

Hindi niya ako pinakinggan at nagpumilit pa ring pumasok kaya mukha kaming sira rito na nagtutulakan sa pinto.

"Ano bang nangyayari sa 'yo? Hindi kita titigilan dito kaya mas mabuti pang sabihin mo na sa akin kung ayaw mong kaladkarin kita papasok sa school niyo!"

Nagmatigas ako pero hanggang sa huli ay nanalo si kuya at heto ako ngayon, yakap-yakap iyung unan kong Hello Kitty.

"Okay, Kayla Walker. Umpisahan mo nang magkwento sa akin. Ano ba talaga ang nangyayari sa 'yo? Bakit hindi ka napasok?" mahinahong tanong sa akin ni kuya.

"Tinatamad akong pumasok. Bakit ba ayaw mong maniwala sa akin."

Kumunot ang noo ni kuya at mukhang hindi siya na-convince sa sagot ko.

"Sigurado kaba? Kung ganon, bakit hindi mo raw sinasagot 'yung mga tawag at text ni Marie tapos nalaman ko pang sinabihan mo sila manong guard na huwag siyang papasukin dito sa mansion," sabi niya, "Ano ba talaga ang nangyari sa inyo nong wala ako?"

Mas hinigpitan ko pa ang aking yakap sa unan dahil sa mga tanong ni kuya. Ayokong malaman niya iyung mga nangyari sa amin ni Marie.

Kinabukasan ng araw na iyon, nagising na lang ako na may nakadikit na sticky note sa lampshade ko.

"Bes, hindi na kita ginising kasi diba ayaw mong ginigising ka. Okay lang din naman kahit hindi ka muna pumasok ngayon, kakausapin ko na lang iyung mga teacher natin para ma-excuse ka ngayong araw. Alam ko na masama pa iyang pakiramdam mo at sumabay pa iyung pag-amin ko sa iyong mahal kita. Umaasa ako na sana walang magbago sa atin dalawa. Pagaling ka, bes."

"Kayla, tinatanong kita, ano nga kasi ang nangyari sa inyo nong wala ako?" pag-uulit na tanong sa akin ni kuya.

"Pwede bang pabayaan mo na lang muna ako, kuya. Promise, papasok na talaga ako sa Monday."

Napailing na lang sa akin si kuya at naglakad papunta sa pinto pero bago siya tuluyang umalis, may sinabi siya sa akin.

"Sige, hahayaan kita pero papapuntahin ko pa rin dito si Marie para magkausap kayong dalawa. Ayusin mo na 'yang sarili mo at ilang araw kana hindi naliligo."

Like ThemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon