Chapter 3

839 23 1
                                    

Chapter 3

- Kayla Walker -

Hanggang sa mag-uwian, hindi pa rin mawala-wala sa aking isipan si Anne at kasabay non ang hindi pagpaparamdam ng aking best friend. Seriously? Ano ba kasi iyung mga pinagkakaabalahan niya para hindi makapag-reply sa mga text at chat ko? Nag-aalala na tuloy ako sa kaniya.

Nang makarating ako sa amin mansion, nabungaran ko si mommy na may kinakalikot na naman sa aming garden. Mukhang nagte-treasure hunting na naman siya.

Nilampasan ko na lamang siya para sana makapagpahinga at wala rin ako sa mood para sakyan ang mga trip niya sa buhay pero hindi pa man ako nakakalampas ay tinawag niya ako.

"Kayla, bakit nakabusangot na naman ang baby girl ko? May nangyari ba sa first day of school mo o baka naman nag-away kayo ni Marie?" pambungad na tanong sa akin ni mommy.

Kahit labag sa aking kalooban at ayokong matawag na masamang anak, humarap ako sa kaniya at akmang lalapitan niya sana ako para yakapin pero umiwas kaagad ako at itinaas ang aking kamay para pigilan siya.

"Mommy, bakit puro lupa na naman 'yang kamay mo? Huwag mo naman gawing treasure hunting ground itong maganda nating garden," nakapamaywang kong tanong kay mommy.

Hindi naman sa masama akong anak, sadyang hindi ko lang talaga ma-take ang mga trip niya sa buhay. Ang seryoso naman niya sa oras ng trabaho pero pag-uwi sa mansion ay para siyang batang ewan.

"Baby girl, nagtatanim kaya ako ng roses. Siya nga pala, bakit parang ayaw mong sagutin ang tanong ko? May umaway ba sa 'yo sa school niyo kaya nakabusangot ka?" tanong niya sa akin.

"Wala naman po, sadyang nakakainis lang talaga 'tong araw na 'to. Hindi ko po kasi ma-contact si Marie at may bwisit na bago kaming kaklase tapos hindi ko maiwasan na mapatingin sa kaniya." Mas napabusangot pa ako ng mukha dahil naaalala ko si Anne. Hindi ko talaga mapigilang hindi mapatingin sa kaniya. Mayroon siyang aura na gustong-gusto ko pero hindi ko ma-gets kung ano iyon.

"Mukhang nagdadalaga na ang baby girl ko. Ano ba ang pangalan ng lalaking 'yan para maipagkasundo ko na agad kayong dalawa?" pang-aasar na saad sa akin ni mommy.

What? Anong nagdadalaga ka diyan? Babae kaya siya kaya paano kami ikakasal non?

Napailing sa akin si mommy at pinunasan iyung pawis niya sa noo gamit iyung parte ng braso niya na walang lupa.

"Nagsasalita ka na naman diyan, manang-mana ka talaga sa daddy mo na nagsasalita na lang kapag nag-iisip masiyado. Kumain ka na lang doon sa loob at magpahinga. Alam kong napagod ka ngayon araw dahil sa best friend mo at sa bago mong kaklase."

Hindi ko na lang pinansin iyung last na sinabi niya at pumasok na sa loob ng aming mansion.

Ipapahinga ko na lamang siguro ito kasi alam kong pagod lang ito.

Kinuha ko iyung aking cellphone sa bag at tiningnan kung may text ba sa akin si Marie. Dismayadong napailing na lamang ako dahil wala pa rin siyang text o miss call manlang. Seriously? Ano ba kasing pinagkakaabalahan niya?

Nang matapos na ako maghapunan at makapaglinis ng katawan, puwesto na kaagad ako sa malambot kong kama at napapikit pero hindi pa man ako nakakaisang oras na nakakaidlip, bigla naman ako nakaramdam nang pag-vibrate noong aking cell phone.

"Sorry if ngayon lang ako nagparamdam sa 'yo, may pinaasikaso lang kasi sa akin si mom kaya hindi ako nakapagsabi na a-absent ako. Kita na lang tayo bukas."

Like ThemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon