Chapter 7

661 15 0
                                    

Chapter 7

Warning!

Kung ikaw ay bata pa at sa tingin mo ay ang ganitong uri ng paglalarawan ng isang senaryo ay hindi angkop sa iyong edad at kaisipan, maaari mong huwag basahin ang parteng iyon pero kung kaya mo naman. Enjoy reading and know your limits.

- Kayla Walker -

Nag-kiss kami ni bes.

Nagulat ako dahil sa mga nangyayari at pakiramdam ko ay pati na rin siya. Napapikit na lang ako sa sandaling igalaw niya ang kanyang labi. Inilapit ang aming katawan at banayad ang paghalik sa akin.

Ang weird? Dapat itulak ko na siya pero hindi iyon ang ginawa ng katawan ko.

Napakapit na lang ako sa braso niya dahil pakiramdam ko ay tinatakasan na ako ng lakas. Naramdaman ko na lang ang dalawang kamay niya sa magkabilang pisngi ko. Nakaramdam ako ng lamig non kaya hinawakan ko iyon isa gamit ang kaliwang kamay ko. Napapaso ako nang sandaling magdikit ang aming mga palad. Nagpatuloy lang ang aming paghahalikan hanggang sa may nagsalita sa likuran namin.

"Ehem!"

Doon lang ako natauhan kaya naitulak ko si Marie palayo sa akin.

Nakalayo na ako sa kaniya pero nakatulala pa rin siya at halatang halata iyung pamumula ng mukha. Jusko naman Marie, huwag ka naman ganyan.

Hindi ko pa rin hinaharap itong si kuya kasi hindi ko alam kung may mukha pa ba akong ihaharap sa kaniya. Jusko, nakita ba niya? Hanggang saan ang nakita niya?

"Kanina kapa diyan, kuya?" Tanong ko sa kaniya.

Nakatingin lang ako sa kawalan pero may pigura ng tao doon sa tapat ng mansyon namin. Nakatayo lang siya sa tabi ng isang kotse at pakiramdam ko ay nakatingin siya sa dereksyo namin.

Hindi ko lang maaninag kung sino kasi madilim na sa part na iyon at nakasuot din ng itim kaya hindi ko talaga maturan kung babae ba siya o lalaki.

"Ahmm, hindi naman. Kayo ba, kanina pa ba kayo naghahalikan, ay esta, nadiyan?"

"Kuya!" Pasigaw kong turan sa kaniya. Jusko lupa, kainin mo na ako. Eat me please! Napasabunot na lang ako sa aking sarili dahil sa inis.

Huminga muna ako nang malamig saka hinarap si kuya at tama nga ang hinala ko, nakangisi at mukhang nag-e-enjoy siya sa mga nangyayari ngayon.

"Ha! Hindi naman. Aalis na nga po ako," napakamot na lang si Marie sa ulo niya saka sumakay sa motor.

"Hindi kaba muna papasok sa loob para makapagkwentohan naman tayo nila, Kayla~," biglang segunda ni kuya.

Jusko, bakit may lambing iyung pagkakasabi nya sa pangalan ko? Mukhang masama ang kutob ko rito. Bago pa man makasagot si Marie, humarap agad ako sa kaniya saka pinagdilatan siya ng mata. huwag kang pumayag.

Tsk, ang sama ko ba? Bakit ba, eh, sa hindi pa ako nakaka-recover sa kiss-kiss na iyan.

And ito na naman ako, naramdaman ko na naman iyung pagkapula ng aking pisngi. Bwisit!

"Bes, anong nangyari sa 'yo?" Inusenteng tanong sa akin ni Marie.

"Oh, Lil sis, anong problema? Siguro namumula kana diyan, ano?"

"Shut up, kuya! Di ba uuwi kana, Marie. Sige na, umuwi kana sa inyo at huwag na magpunta kung saan. Ingat ka."

Tinataboy ko na si Marie paalis at hindi ako makatingnan nang deretso sa kaniya kaya hindi ko na makita pa kung ano ang naging reaksyon niya. Sorry, bes.

Like ThemWhere stories live. Discover now