Chapter 9

477 11 1
                                    

Chapter 9

Warning!

Kung ikaw ay bata pa at sa tingin mo ay ang ganitong uri ng paglalarawan ng isang senaryo ay hindi angkop sa iyong edad at kaisipan, maaari mong huwag basahin ang parteng iyon pero kung kaya mo naman. Enjoy reading and know your limits.


- Kayla Walker -

"Jusko po! Anong gagawin ko?" sigaw ko sa aking isip.

Hahalikan ba ako nito?

Nakatitig lang siya sa labi ko. Akala ko aalis na siya sa pagkakaibabaw sa akin pero maya-maya pa ay dahan-dahan niyang nilalapit ang mukha niya.

'Teka, anong gagawin mo?' sasabihin ko sana iyan pero huli na ako.

Napapikit na lang ako nang naramdaman iyung malambot niyang labi. Hindi ko maipaliwanag ang iyung nararamdaman ko at para bang tumigil ang nasa paligid ko. Pakiramdam ko ay mayroong fireworks sa paligid namin at sobrang bilis rin ng tibok ng puso ko.

Nag-umpisa nang gumalaw ang labi niya sa labi ko kaya medyo natauhan ako noon at nagkaroon ng pagkakataon para itulak siya pero sa bawat paggalaw niya ay nang hihina rin ako dahil sa binibigay niyang kakaibang pakiramdam sa aking katawan. Mas diniin niya rin ang kaniyang paghalik sa akin kaya hindi rin nagtagal ay tumugon na rin ako sa kaniya at naramdaman ang pagngiti niya dahil doon.

"Ughhh," mahinang tinig na lumabas sa aking bibig.

Tumigil siya sa paghalik sa akin at tiningnan ako sa mata. "Sa susunod, huwag kang magpapahalik sa best friend mo."

Ha, ano raw?

May sasabihin pa sana ako sa kaniya pero hinalikan niya ulit ako pero mabilis lang.

"Bumaba na tayo. Sure akong nagtataka na sila kung bakit bigla tayong nawala ron." Umalis na siya sa ibabaw ko at naunang lumabas sa guestroom.

Damn it! Ano iyon?

Bumangon kaagad ako sa pagkakahiga saka inayos ang aking sarili. Ang gusot na ng t-shirt ko saka mukhang binagyo rin iyung buhok ko. Jusko, ako ba talaga iyon saka kailan pa ako natutong humalik?

Nang masiguro ko na okay na ako, lumabas na agad ako sa guestroom at pumunta sa dining area.

"Lil sis, saan ka nagpunta?" Pambungad na tanong sa akin ni kuya habang may kagat-kagat na saging.

"Wala, nag-cr lang," matabang kong sabi sabay umupo sa pwesto ko kanina.

"Magkasama ba kayo ni Anne mag-cr? Halos sabay lang kasi kayong nakabalik dito," pabirong sabi ni Lim.

Bigla akong pinagpawisan ng malamig dahil sa tanong niya. Nako naman, baka makahalata silang may ginawa kami ni Anne habang wala kami kanina.

"Ha, talaga! Hindi ko naman ata alam 'yan. Baka nagkataon lang. Yah, nagkataon lang. Diba Anne?"

Matalim kong tinitigan si Anne para sumang-ayon siya. Nako Anne, ayusin mo iyang magiging sagot mo. Talagang masasabunutan kita sa harap nila, nakakagigil!

Inirapan niya lang ako saka itinuloy iyung ginagawa niya.

Haysst, mabuti naman.

Napabuntong hininga na lang ako saka bumaling nang tingin kay kuya.

"Kuya, hindi pa ba sila aalis?" Pabulong kong tanong kay kuya na busy sa paghahalo ng juice.

"Ahm, hindi pa. Magbobonding pa kami magbabarkada. Sama ka?”

Like ThemWhere stories live. Discover now