Chapter 10

419 6 0
                                    

Chapter 10

- Kayla Walker -

Nagtalukbong na lang ako ng kumot kong pink saka nagsisigaw.

"Bwisit ka talaga, Anne! May araw ka rin sa akin!" nanggagalaiti kong sigaw.

Bwisit talaga siya, ang kapal ng mukha niya para itanong iyon! Saka FYI, sapilitan niya kaya akong hinalikan kaya natural na mapapatugon talaga ako sa halik niya.

"Ahhh! Ano ba, Kayla. Mga naiisip mo, parang sira." Nagpagulong-gulong ako sa aking kama dahil sa inis. Kotang-kota na talaga ako sa salitang 'nakakainis'. Seriously? Ano ba kasing mayroon ngayong araw at puro kamalasan na lang ang nangyayari sa akin? Nagkaroon ba ako ng balat sa pwet nang hindi ko nalalaman o sadyang malas lang talaga ako?

Sandali akong napatigil at dahan-dahan nilapat ang aking daliri sa labi ko, "Pwede bang maramdaman 'yon sa magkaibang tao?"

Napailing na lang ako at sinampal-sampal ang aking sarili, "Syempre, hindi. Sa pagkakaalam ko ay dapat sa isang tao lang 'yon maramdaman." Sandali ako napatigil at napabulong sa aking sarili, "Pero bakit sa kanilang dalawa ko 'yon..."

Sinampal-sampal ko ulit ang aking mukha at napatitig sa kisame. Ang pangit talaga nitong araw na ito. Hindi minsan pumasok sa isipan ko na mangyayari sa akin ito. Diring-diri nga ako kapag may naghahalikan sa mga pelikulang pinapanood ko pero iba pala ang pakiramdam kapag sa iyo na nangyari iyon.

Pipikit na sana ako nang biglang nag-vibrate iyung cellphone ko.

Sino naman kaya itong bwisit na ito? Swinipe ko iyon nang hindi tinitingnan kung sino iyung caller ko at iritableng sinagot iyon.

"Sino ka?"

"Bes, galit kaba?"

"Huh? Bakit naman ako magagalit?" Medyo kumalma ako nang makilala kung sino ito.

"Eh, kasi diba, ‘yung nangyari kanina. I know na galit ka."

Napabangon ako saka nagkunyari na walang maalala, "Ano bang nangyari kanina?"

Putek ka, Marie. Talagang sumasabay kapa sa mga isipin ko.

"Hindi mo na ba maalala ‘yung about sa kiss?"

Kiss.

Kiss.

Kiss.

"Bes, pwede ba? Diba aksidente lang naman ‘yung kiss na 'yan, kaya please lang, huwag mo na isipin 'yon at matulog na lang tayo."

Hindi ko na siya hinintay pang sumagot at pinatayan na lang siya ng cell phone.

Napabuntong hininga na lang ako, "Diba wala lang naman 'yung kiss na 'yon kaya hindi dapat ako maguluhan," nag-aalala kong sabi sa aking sarili.

Tumayo ako sa pagkakaupo at naglakad para kunin ang mamahalin kong backpack. Hindi ako mahilig sa mga shoulder bag, ang hirap kasing dalhin.

Kukunin ko sana iyung earphone ko pero may nakita akong libro. Kinuha ko iyon saka binasa yung nakasulat sa book cover.

"I’m in love with my best friend?"

Oo nga pala, binili ko nga pala ito kanina. Sinira ko iyung nakabalot na plastic at binasa yung nasa unang pahina.

Selene and Iris

We start as strangers.

But I ended it one morning when I saw her and introduced myself.

"Hi, my name is Selene, nice to meet you."

Stranger to friends, oh! Not just a friend, but a best friend.

Like ThemWhere stories live. Discover now