Chapter 11

53 21 11
                                    

Chapter 11

Victim

 

"Bakit pala naka-lock ang bintana at pintuan ng balcony sa kwarto?" Kalmado kong tanong habang nakatuon ang atensyon ko sa paghihiwa ng steak.

"For you to avoid doing stupid things." Aniya. I rolled my eyes and dropped my knife and fork.
 


"Oh my god, Zak. I need fresh air too." I demanded.   


"Is aerial dancing in your balcony is the part of having a fresh air?" Aniya at sumimsim sa wine niya, pilit itinatago ang ngisi sa pag inom. Tarantadong 'to sasakalin ko 'to eh.
 

"Damn you..." I whispered under my breath.

"You can have fresh air in our garden." Aniya at pilit na itinatago ang ngiti niya. Inirapan ko ito at nilagok ang juice ko. Baka hindi ako makapagpigil at masabuyan ko pa ito ng wala sa oras.

"I need fresh air." Wika ko ng inis na inis na dahil hindi parin humuhupa ang nakakabwisit niyang pagpipigil ng tawa.

"Where is your garden?" I ask in gritted teeth.
 

  

Ibinaba nito ang baso at pinunasan ang gilid ng labi niya gamit ang kaniyang hinlalaki. Ngumisi ito at binigyan ako ng nakakainis na tingin. Lihim kong ikinuyom ang kamay ko sa pagkairita.

"At the back." He spoke spinelessly. Napairap ako sa sagot niya.

 

"Malamang! Alangan naman kasi na nasa noo mo ang garden 'di ba? Napakagaling naman ng engineer ng bahay mo kung ganon." I hissed and slammed my hands flatly on the wooden table and push myself up.
 

 

"I lost my appetite, I want fresh air, excuse me." Saad ko.

 
Minuwestra nito ang kamay saying that I can gladly leave while wearing this stupid grin on his fucking face. Padabog kong itinulak ang mabigat na upuan at iniwanan siya don, palibhasa walang alam sa aerial dancing.

Halos kaladkarin ko na ang paa ko palabas ng dining hall dahil masakit pa rin ang paa ko sa pagkakasipa ko sa pintuan ng  balcony. Tahimik kong tinahak ang naghahabaang hallway ng mansyon.

Nang makarating na ako sa likod na parte ng bahay ay lumabas ako doon. Napasinghap ako ng tumama sa aking balat ang sinag ng araw at ang malamig na simoy hangin. Hindi ganoon kainit at masakit sa balat ang sinag ng araw dahil sa naglalakihang puno sa paligid at napapalibutan ng mga halaman at bulaklak ang paligid.
   

"Fresh air..." Wika ko at pumikit tsaka tumingala. Para akong preso na ngayon lang nakalabas pagkatapos ng labing apat na taon.

Malaki ang ngiti ko ng nilibot ko ang lugar. Purong berde lang ang nakikita ng mga mata ko, lumapit ako sa mga bulaklak at hinaplos ang mga iyon bago inamoy. Nang magsawa ako sa parteng iyon ng mga bulaklak ay gumawi naman ako sa ibang parte ng malawak na lugar. Hindi ko ininda ang sakit ng paa, ni hindi ko nga naisip na sumasakit pala iyon dahil sa ganda ng lugar.

Stockholm Syndrome (Editing)On viuen les histories. Descobreix ara