Chapter 27

46 15 0
                                    


Chapter  27

Escape, Black Nymph.

   Parang binibiyak ang ulo ko sa sobrang sakit ng bumangon ako. Nakapikit ang isang mata ko habang ang isa ay nakadilat at tumitingin sa paligid.

   


   
"Fuck..." Iling ko at sinapo ang ulo kong pumipintig.




    Diniin ko ang palad ko sa aking mukha at kinusot ang mga mata ko at tumayo. Lumapit ako sa cloth rack sa tabi ng pintuan at kinuha ang robe at sinuot iyon. Naglakad ako sa mesa sa tabi ng kama ko at  kinuha ko ang isang puting card na nakapatong sa bedside table ko sa tabi ng baso.

  

    Drink me, nakalagay sa card. Tinignan ko ang baso at sa gilid nun ay may isang tableta sa tabi ng baso. Napangiti ako ng wala sa oras dahil sa pagiging maalalahanin ng binata.




    Eat me, basa ko sa isang card sa ilalim ng plato. Dinampot ko ang tinidor sa tabi ng plato at humiwa ng pancake at kinain iyon. Habang ngumunguya ako ay napatingin ako sa kawalan, napatakip ako sa bibig ko ng hindi ko mapigilan ang ngiti dahil sa mga card at sa breakfast in bed na inihanda sa akin ni Zak.




    Pumikit ako at naalala ang halik namin kagabi. Napamulgat ako at mabilis na nilunok ang pancake sa bibig ko at uminom ng tubig. Muntik na akong mabulunan ng biglang kumabog ng paglakas lakas ang puso ko, pakiramdam ko nag akyatan ang dugo ko sa pisngi ko at namumula na ako.

  


"Dammit..." Sambit ko at inilapag ang baso pagkatapos ko makainom.




    Napakagat ako sa labi ko at hinawakan ang pisngi. Piste naman talya, para kang highschool at kinikilig ka pa!

   

"Shocks.." Bulong ko at pinaypayan ang sarili ko, I need air it's getting really hot in here.




     Naglakad ako at lumapit sa bintana. Bubuksan ko na sana ang bintana ng may makita na naman akong papel na nakaipit sa mga pagitan non. Bahagya kong inangat ang bintana at kinuha ang papel. Inangat ko ng tuluyan ang bintana at sumilip sa labas kung may tao ba, sino kaya ang naglalagay nito dito?




    Sinara ko ang bintana at lumabas ng balkonahe. Agad akong sinalubong ng malakas na hangin at nilipad nito ang aking mahabang buhok. Tinignan ko ang paligid at tanging mga nagtataasang puno lamang ang nakikita ko at ang mga ibong malayang nakalilipad at ang matingkad na sinag ng araw. Inilapat ko ang kamay ko sa marbol na railing ng balkonahe at nagmasid sa paligid; tahimik at walang tao. Pero bakit pakiramdam ko may nakamasid sa akin?



   Inilagay ko ang ilang hibla ng buhok ko sa likod ng tenga ko at binuklat ang papel. Tulad ng nauna kong natanggap na sulat, nasa brown vintage paper ito naka akda at may creepy egyptian font style. Humarap ako sa mga puno at binasa ko ang nakasulat sa  papel,

Stockholm Syndrome (Editing)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ