Chapter 18

42 16 4
                                    

Chapter 18

Belle de nuit

  

Pinagbuksan ako ng pintuan ng guard at nauna akong pumasok sa kwarto at sumunod ang iba pang guards ni Zak at pinasok ang mga pinamili namin.
 

 

Umupo ako sa malaking kama at hinubad ang loafer ko at tinanggal ang aviators at malaking sumbrero na nabili namin kanina. Habang pinapasok ng mga guards ang napakaraming boxes at paper bags na pinaglagyan ng mga pinamili namin ay pumasok si Luke at may dala itong napakalaking kulay puting kahon.
 

 

Pinangunutan ko ito ng noo at lumapit ito sa akin. Wala akong maalala na may nakalimutan pa pala ako, o sadyang nakalimutan ko na lang dahil sa dami ng pinamili ko?

"What's that?" Salubong ko kay Luke at inilapag ng binata ang malaking kahon sa kama.

"Box." Pamimilosopo nito. Kahit kailan talaga, tinatanong ng maayos.
 


Inirapan ko na lang ito at tinignan ang puting kahon. Tinignan ko ang maliit na card na nakatali roon at mayroong pangalan ko na nakasulat in cursive. Tinignan ko si Luke at pinilig nito ang ulo sa direksyon ng kahon, sinasabing buksan ko yon kaya iyon ang ginawa ko.
 

 

My eyes widen when I saw the dress inside the box. Maayos itong nakalatag sa malapad na kahon. Hinawakan ko ito sa manipis na strap at maingat na iniangat ang maroon velvet dress.

Sexy spike halter dress ito with deep v neck and scoop back. Napakasimple lang ng disensyo nito, plain velvet maroon but the style was breathtaking. Inilapag ko ang dress at sinuri ang long black velvet gloves sa tabi non ay may isa pang kahon, binuksan ko iyon at isang black faux open toe stiletto with six inch heels.

Napangiti ako habang sinusuri ang magandang materyales na ginamit sa sapatos. May isa pang kahon na mas maliit kumapara sa kanina, binuksan ko iyon at hindi ko napigilang mapasinghap.   


"Oh my god..." Bulong ko sa sarili at hinaplos isang set ng mamahaling jewelries. Lahat iyon ay silver, mula sa long chained necklace, hikaw, singsing at bracelet. Damn.
 

 

"Galing ba kay Zak ito?" Tanong ko kay Luke.

"Yes." He answered. Bakit naman kaya ako bibigyan ni Zak ng ganito?

 

"For what?" I asked.
 


"May auction party na dadaluhan si boss and he wants you to be his date for the night." Aniya sa matigas na punto.

 
I lightly narrowed my eyes and gave him a grin. A date? Oh well, it wasn't bad at all, I think.
 

   

"Okay." I smiled and put down the jewelries.
 

 

Stockholm Syndrome (Editing)Where stories live. Discover now