Chapter 14

57 18 10
                                    

Chapter  14

Kanta

  

"Well, well, well. Seems like everyone is having a good time." Bungad ko sa dalawang binata na nagtatawanan sa dining table.

Nang hugutin na ni Luke ang syringe sa braso ni Zak ay napatingin sa akin si Zak.
   

"Good morning." Bati ng binata. Binigyan ko ito ng ngisi bago lumapit.

"Okay ka na pala." Sarkastikong wika ni Luke at tinignan ako from head to foot.

Humarap ako sa kanya at humalukipkip at hinead to foot din siya.

"I'm fine, Luke. Ikaw ba? Okay ka lang?" Nang-aasar kong tanong at tinaasan siya ng kilay.

Tumiim ang bagang nito, bumuka ang bibig nito pero natigil siya sa pagsalita ng tumikhim sa likod ko si Zak.
   

"I'm fine." Pekeng ngiti ng binata.

"Aww... That's good to hear." Wika ko sa natutuwang tono at hinawakan ang braso niya.

"Bitch..." He hissed and walk past by me.

"Let's eat." ani ni Zak.

Umupo ako sa aking upuan at inilatag ang puting tela sa aking kandungan at nagsimula ng kumain. Habang tahimik kaming kumakain ay dumating si Luke at inilapag ang isang pitsel na may lamang juice at ang isa naman ay tubig lang.

Tumikhim ako at kinuha ang baso sa tabi ko na walang laman. Iniabot ko iyon kay Luke pero hindi niya iyon pinansin at nilagyan si Zak ng tubig sa kanyang baso. Bahagyang nagngitngit ang ngipin ko sa inaakto ng lalaking 'to.
   

"I want juice, please." Request ko. Nilingon ako ni Luke at binigyan ko ito ng matamis na ngiti kahit na sobrang sama na ng tingin nito.

Bumaling ito sa baso na hawak ko bago tumingin ulit sa akin " Hindi ka ba marunong magsalin sa baso?" Masungit nitong wika.

Napasinghap ako sa ginawa niya at tinignan ko si Zak, "Zak, oh..." Madrama kong tawag sa binata.

Napatigil si Zak sa pagkain at tumingin sa akin ng nagtataka. 

"Si Luke ayaw akong salinan ng juice..." I pouted at narinig ko sa gilid ko ang pagmumura ni Luke.

"Luke," Tawag ni Zak kay Luke. Nakita ko ang pagdaloy ng tensyon sa katawan ni Luke ng tawagin siya ng panginoon niya.

"I didn't hear her, Boss. Forgive me." Palusot ni Luke. Tumango naman itong uuto uto niyang boss. Tss, punyeta.

"Give her everything she wants, Luke. All she demands." Wika ni Zak. Napasinghap naman si Luke at ako naman ay tumingin kay Luke ng may nang aasar na ngiti.

Bagsak ang mukha ni Luke ng magsalin siya ng juice sa baso ko. Pagkatapos niya magsalin ng juice ay mapang asar akong nagpasalamat sa binata. Humigpit ang hawak nito sa pistel at halos mabali na niya iyon sa higpit ng hawak niya.

Humagikgik ako sa reaksyon ni Luke. Nang mapansin kong tumalikod na si Luke ay tinawag ko ito.
 

"Luke, nag-breakfast ka na ba?" I said in high pitched voice. Napatigil si Luke sa paglalakad, he looked over his shoulders at nagtama ang tingin namin.

Stockholm Syndrome (Editing)Where stories live. Discover now