Chapter 13

49 18 12
                                    

Chapter  13

Hot Compress

    
Namilipit ako sa sobrang sakit at halos tumili na ako sa kirot. May luhang pumatak mula sa'king mata. Pinunasan ko iyon at tinignan ang kamay ko na punong puno ng dugo...

Agad akong napaimpit ng tili sa kirot na biglang dumaloy sa puson ko. Hinubad ko ang shorts ko na punong puno ng dugo at bwisit na bwisit na binalibag iyon sa gilid. Pagkatapos kong maghugas ay pinaluputan ko ng tuwalya ang beywang ko at lumabas ng banyo.

Para akong otsenta anyos na babae kung maglakad dahil nakayuko ako dahil sa sakit ng puson ko. Binuksan ko ang duffle bag ko at umiimpis na ang laman na damit non. Kumuha ako ng panloob at shorts, binuksan ko ang isang balot ng pasador at kumuha ng isa roon. Nang matapos na ako magpalit ay humiga na ako at pinatay ang ilaw.

Tinaklob ko ang kumot ko hanggang sa aking leeg at tumagilid habang nakahawak sa kumikirot kong puson. Kamalas nga naman, tatlong araw pagkatapos mamaga ng paa ko ito naman at dinatnan ako.

Tumingin ako sa wall clock at alas kwarto pa lang ng madaling araw, pinagmasdan ko ang kurtinang lumilipad mula sa bintanang nakabukas, umiihip roon ang malamig na simoy hangin mula sa labas. Biglang pumasok sa isip ko si Manang Helen. Kapag ganito kumikirot ang puson ko hinahatiran niya ako ng gamot kahit anong oras pa iyon. Narinig ko ang pagkalam ng sikmura ko, napapikit na lang ako. Kapag naman nagke-crave ako ay hinahatiran ako ni Dev ng pagkain na gusto ko at dadalhin sa akin iyon ni Manang Helen dahil sa tago naming relasyon.

Humigpit ang hawak ko sa t-shirt ko ng kumirot na naman ang puson ko. Namiss ko bigla ang mansyon, si Manang Helen. Yung pag aalaga niya. Si Devlin...

Kamusta na kaya siya? Panigurado nag-aalala na si Devlin sa akin. Sinabi kaya ni Manang Helen na si Dev ang kasama ko? Kamusta na kaya sa mansyon? Nag-aalala kaya sila sa akin? Si mom at dad?

Bigla akong tinamaan ng pagsisi sa katawan. Sabi ko noon hinding hindi ako magsisisi kapag umalis na ako sa mansyon, pero ngayon... nami-miss ko na sila.

Pinilig ko ang ulo ko. Ano ba itong pinagsasabi ko? Pinili ko ito, ang umalis kaya dapat panindigan ko iyon. Tsaka kung babalik man ako ay ganun at binalikan ko lang ang dating buhay ko na gusto ko ng takasan noon pa man.

Pero hindi ko pa rin maiwasang mag-alala sa nangyayari sa labas, lalo na kay Dev. Paniguradong ginigisa siya ng mga magulang ko dahil sa paglayas ko at ngayong hindi kami magkasama ay mas lalong nagkanda letse letse na ang lahat.

Heto ako ngayon, wala akong magawa at nakulong ako sa mansyon ng isang lalaking nagngangalang Zak. Palaisipan pa rin sa'kin ang pagdukot niya sa'kin pero kahit na ganun wala pa namang nangyayaring masama sa'kin sa pamamalagi ko rito ng isang buwan, maliban na lang sa sariling katangahan ko kaya ako nasasaktan.

Five months more, makakaalis na ako dito. But that's too long, maraming pwedeng mangyari. Maraming pwedeng magbago. Baka pagbalik ko hindi na pala katulad ng dati ang lahat.

Napabuntong hininga na lang ako at pumikit. Ang daming bagay ang pumapasok sa isip ko, tulad na lang ng pagtakas sa lugar na ito. But deep in my insides I knew it will be useless, kailangan ko na lang magpasensya sa nangyayari.

Pumikit ako upang alisin ang mga bagay na umiikot sa loob ng isip ko. Nagsisimula na naman akong mag-overthink, this is bad, I should remain my mind straight.

Stockholm Syndrome (Editing)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin