Chapter 10

70 22 12
                                    

Chapter 10

List of demands

I've been busy scribbling in the long white paper when a soft knock came from the thick hard wooden door of my room.

"Lunch is ready." Wika ni Zak sa likod ng pinto.

Inilapag ko ang pink feathered pen sa gilid at umirap, lately I've been easily irritated. Ganito ata talaga ang epekto kapag pinilit kang mamamalagi sa lugar na hindi mo gusto madali kang mainis at mairita kahit sa maliit na bagay. Pakiramdam ko para na akong magme-menopause.

"Coming! " Sagot ko at hinilot ang sentido ko. Hindi na muling nagsalita ang binata at dinig ko ang papalayong tunog ng kaniyang metal taps.

Dinampot ko muli ang ballpen at tinapos ang aking sinusulat. Nang matapos ko na ang pagsusulat ko sa papel ay tumingin ako sa digital clock na nakapatong sa vanity. It's nearing twelve noon, agad na kumalam ang sikmura ko. Hindi pa nga pala ako nakakapag almusal.

Tinupi ko ang papel at tinignan ang sarili ko sa tatlong naglalakihang salamin ng vanity. Nagulat ako sa itsura ko. I looked stressed, my hair is all over like a bird's nest. And dark circles around my eyes makes me look like a soulless woman. Para akong nadagdagan ng limang taon ang edad ko dahil sa itsura ko.

I opened a bb powder and apply onto my face and grab a concealer stick to conceal my dark circles and put a pink candy lippie on my lips because it is pale like a snow white's complexion. I brushed my hair and neat myself and breath deeply, I need fresh air.

Umalis ako sa harapan ng vanity at naglakad palapit sa bintana. Nang hilain ko iyon ay ayaw magbukas.

"What the hell?" Kunot noo kong wika ng ayaw magbukas ng bintana.

Kinalampag ko ito at tinignan ang bawat sulok kung mayroon nakaharang dito.


"Oh my god. " Bulong ko sa sarili ko ng makita ang lock sa ilalim ng bintana, and it is permanent.

Lumayo ako sa bintana at nasulyapan ko ang itsura ko sa salamin. Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko ng makitang presentable ang itsura ko.

"Ok, Talya. You need to calm down or else you'll ruin your appearance." Wika ko sa sarili ko at huminga ng malalim. Kalma, kumalma ka Talya 'wag mong basagin ang bintana.

Naglakad ako palapit sa balcony, hinila ko ang pintuan at halos isumpa ko ang lahat ng bagay dito sa kwarto.

"You've got to be kidding me." I said in gritted teeth. Hinila ko pa lalo ang pintuan but no use. It was stuck, yumuko ako at tinignan ang ilalim ng pintuan. It was locked. Sinubukan kong hilain ang lock pero masyado itong matigas upang mabuksan ko.

Tumayo ako at inayos ang nagusot kong top. Tumango ako at nangigigil na kinagat ang labi ko. Ang galing, napakagaling.

"Ahh!" I shouted out of frustration and kicked the door in my bare foot in all of my strength.

"Oh-my god, Damn it!" Sigaw ko at hinawakan ang kanang paa ko. Nag iinit ito at sobrang sakit, bakit ko ba naisip sipain ang punyetang pinto na'to?!


"Ouch!" Sigaw ko upang mabawasan ang sakit. Hindi naman nabalian ang paa ko, sadyang sobrang sakit lang para indahin.

Stockholm Syndrome (Editing)Where stories live. Discover now