Chapter 35

45 15 0
                                    


Chapter  35

Why do you care?

"Good morning, My angel." Bati ni Zak at tumayo ito at hinalikan ang noo ko.


     Walang imik akong naglakad at dumiretso sa mesa at umupo. Tahimik kong inilatag ang serviette sa kandungan ko. Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Zak ng umupo ito. Dumating ang pagkain at ipinaghain kami ni Luke.



     Tahimik akong nakatingin sa pinggan sa harap ko at kumakain. Ramdam ko ang mainit na titig ni Zak sa akin ngunit wala akong gana upang tignan siya. Tumikhim ito at kumalansing ang kubyertos sa tabi niya.


"How are you, My angel?" utas nito.


    Natigilan ako sa paglalaro sa pagkain ko ng marinig ko ang malalim na boses ng binata. Humigpit ang hawak ko sa aking tinidor at huminga ng malalim.


"Fine." mahinang sagot ko at hindi siya tinitignan.


"You want to go shopping?" Aniya at umiling ako.


"I'm sorry if I was out for days, I had this emergency on my property at Singapore---"


"I don't care, Zak." I said coldly.


     Bumuntong hininga si Zak, "Hey, any problem my angel?" utas nito.


     Tumiim ang bagang ko ng marinig na naman ang tawag niya sa akin. Malakas kong binagsak ang tinidor ko at padabog na tumayo. Nakakainis,hindi ba siya marunong makiramdam?



"Why do you care?" utas ko tinapunan ito ng malamig na tingin.


     His broad shoulders tensed and his eyes helds shock and confusion. Umawang ang labi nito at umakmang tatayo ng talikuran ko ito at walang lingon likod na umalis sa dining hall. I hate this, I hate you, Zak. What have you done to me?



     It's been days since he had this nightmare and confessed his love for his long lost lover Risa. After that night, nawala na lang siya sa tabi ko kinaumagahan at nalaman ko na lang na umalis pala siya for business. Napapailing na lang ako sa nangyayari. Gusto kong magalit pero hindi ko magawa dahil nilalamon ako ng sakit at lungkot. Tila may nakadagan na bato sa dibdib ko at ang bigat bigat dalhin non.



     Matapos ng ilang oras ng pagmumukmok at pag-iyak ay napagdesisyunan kong lumabas at lumanghap ng sariwang hangin sa garden. Matamlay akong naglalakad at malalim ang iniisip habang patungo ako sa garden nang matauhan na lamang ako ng may mainit na kamay ang humawak sa braso at sinandal ako sa pinakamalapit na pader.



"Zak..." mahinang utas ko habang napakalapit ng mukha nito sa akin.

Stockholm Syndrome (Editing)Where stories live. Discover now