Chapter 38

30 9 0
                                    


Chapter 38

Couple quiz

"Good morning, mi amor," Bati ko kay Zak. Naglakad ako palapit sa binata na may ngisi sa labi.



    Tumayo si Zak at sinalubong ako sa mainit niyang bisig. Hinalikan ako nito at pinagmasdan ang maaliwalas niyang mukha.




"You look nicer, lover boy." malambing kong utas at hinaplos ang mukha nito.



"Yeah, I feel better now." Aniya at hinapit muli ang beywang ko at hinalikan ang labi ko.



    I chuckled and snake my arms around his nape and gave him a sweet kiss on his lips. Bumaling ang tingin ko sa braso niya at wala akong nakitang bulak roon like the usual.



"No injection for today?" tanong at tumingin kay Luke na nakataas ang kilay.



"Yeah, Luke said that my meds ran out. Pero tingin ko naman kahit wala ang gamot magiging maayos na'ko." utas ni Zak at hinalikan ako nito muli.



"Magiging maayos naman ang lagay mo talaga." masuyo kong saad kay Zak.



"Kahit hindi ka na mag-take ng mga gamot na 'yon ay magiging maayos ka, right, Lukey?" binalingan ko si Luke at binigyan ito ng nakakalokong ngisi.



   Suminghap ito at tumango, "Yes."



"See?" Tumingin ako kay Zak at ngumiti.



"You'll be better without the drugs---medication drugs, I mean. Nandito naman ako para alagaan ka." matamis akong ngumiti kay Zak.



   Kumunot ang noo nito at bahagyang ngumisi, "I know you will, My angel. But, I think if I continue taking those meds I'll be better as soon as possible." Aniya.



   Tinitigan ko ang mga mata ng binata at halatang wala siyang alam sa epekto ng gamot na pinaiinom sa kanya. Bakit ba nila kailangan gawin 'yun?



"Alam mo, few days back ay nag-usap na kami ni Luke." Lihim kong binalingan si Luke bago bumaling muli kay Zak.



"And as we've observed, hindi bumubuti ang lagay mo kaya nagdesisyon kami na itigil muna ang tine-take mong gamot para mas ma-obserbahan ka ni Luke kung ano ang dapat gawin para gumaling ka na." masuyo kong paliwanag kay Zak.



    Bahagyang umawang bibig nito at nakita ko ang pag-aalinlangan sa mga mata niya.



"Please, Zak..." Pangungumbinsi ko at hinimas himas ang matipunong braso nito.



    Tumitig ito sa mga mata ko bago tumango at sumang-ayon. Ngumiti ako at niyakap ang binata at bumaling kay Luke at binigyan ng matalim na tingin at ngisi. Sabihin mo sa nag-uutos sa'yo na ako na ang masusunod, Lukey.



   Naging magaan at walang aberyang nangyari sa buong maghapon. Naging maayos ang lahat kay Zak. Nabawasan na ang pabago-bago ng mood niya, yung weird stuffs na ginagawa niya, ang pagkakaroon ng gana sa pagkain. All in all ay may progress na kay Zak at bumabalik na siya sa dati.



"What's with those boxes?" Tanong ko kay Luke habang may hawak ito na malaking kahon at sa likod niya ay aligagang dumadaan ang mga lalaking dala ang mga kahon at kung ano-ano pa.



Stockholm Syndrome (Editing)Where stories live. Discover now