Chapter 31

40 13 0
                                    

Chapter  31

Whiskey in a tea

    
"Put the gun down..." utas ko sa taong nakatutok sa akin ang baril. Dahan dahan akong lumapit dito ngunit maa tinutok sa akin nito ang kaniyang baril.

   

"Okay!" Sigaw ko at napapikit sa ginawa niya. Matapang kong tinitigan ang mga mata nito, punong puno ito ng galit at pagkamuhi habang nakatingin sa akin. Para akong isda na nilagay sa lupa at habol ang hininga dahil sa matinding takot na nararamdaman ko.

   

"Who are you?" Lakas loob kong tanong habang nakataas sa ere ang dalawa kong kamay.



    Hindi ito umimik at ibinaba ng isang kamay niya ang panyong tumatakip sa kalahati ng mukha niya. Labis na lamang ang gulat at pagtataka ko ng makita ang pamilyar na mukha at ang signature pony tail nito.

   

"Bella?!" Gulat at takhang tanong ko. Tumiim ang bagang ng dalaga at mas humigpit ang hawak nito sa baril.

  

"You slut." She said through gritted teeth.


  

"What are you doing? My god, put that gun down!" Natataranta kong saad. Mabilis itong naglakad sa akin at malakas akong isinandal sa pader.



    Unti-unting nauubos ang hininga ko ng itukod niya ang braso sa leeg ko at marahas itong idiinin. Nanginginig ang kamay kong nakahawak sa braso niya at buong lakas na tinatanggal ang pagkakadiin ni Bella ngunit wala iyong bisa. Tinulak ko pa ito ng buong lakas ko ngunit hindi iyon sapat dahil nahihilo na ako at nauubusan na ng hangin sa baga ko. Natigilan ako ng maramdaman ang matigas na bagay na nakadiin sa sentido ko.



    Nanginginig na ang buong katawan ko dahil sa takot na lumulukob sa dibdib ko. Tinignan kong muli ang mga mata nito at parang mga mata ng demonyo ang nakikita ko dahil sa matinding poot at galit na nakikita ko roon na mas dumagdag sa takot na nararamdaman ko.

   

"B-bella..." Tawag ko sa dalaga at tinutulak ito. Nagmamakaawang bitawan ako dahil ubos na ang hangin sa katawan ko.

   

"You must die, you should die, and you will die, Talya..." Malademonyong saad nito. Napapikit ako sa tono ng pananalita nito, hindi ito katulad ng nakakairitang boses ni Bella na nakilala ko sa France. She's like someone, like the demon in her consumed her mortality.

   

"S-stop..." Habol hininga kong sambit. Shit, Zak where are you?!

  

"No one can stop me!" Sigaw nito sa mukha ko at diniin ang baril sa sentido ko. Nagpumiglas ako ngunit wala akong laban.

   

"No one, Talya." Nasuklam ako sa pagtawa nito. Unti-unti ng dumidilim ang paningin ko, help me!

Stockholm Syndrome (Editing)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें