Chapter 45

13 2 0
                                    


Chapter 45

The Rescue Call

    I stare at myself in front of the massive mirror here in the bathroom. My hands touches my swollen eyes and red nose due to long hours of crying. I bit my swollen lip and stop myself from sobbing.




     I looked like a mess, a real mess. Gulo-gulo ang buhok at namumula ang mga mata. Pero, mas magulo ang isip ko. Hindi ko alam ang gagawin ko sa ngayon, gusto kong umalis at mawala.





     Pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin. Parang hindi na ako 'to, yung umiiyak at nasa baba? Hindi ako ganun, hindi ganon ang isang Allegro.




    Pinunasan ko ang luha ko at tinitigan ang repleksyon ko sa salamin, "I need to get out of here." I declared.




    Tama, aalis na'ko. Wala ng rason para manatili pa rito.





    Inayos ko ang buhok ko at inayos ang puting dress na suot ko. No one can bring you down, Talya.

  


    Lumabas ako ng banyo at tumungo sa vanity mirror ko. Binuksan ko ang drawer at bumungad sa akin ang isang box at sa tabi nun ay ang susi na  kinuha ko non kay Luke. Dinampot ko ang kahon at binuksan iyon, kinuha ko ang cellphone na binili ko nun. Nang muntik na akong patayin ni Bella at niligtas ako ni Zak.





    Pinilig ko ang ulo ko. I shouldn't mind him, those times. Kailangan ng matapos ang kahibangan kong ito.






    Binuksan ko ang likod ng cellphone at pinasak roon ang sim card. Binuksan ko ulit ang cellphone at ng maayos na ay binuksan ko ang gps at dinial ang number ni Devlin.




"Come on..." Bulong ko habang pinupunasan ang natuyong luha sa pisngi ko.






   Nakailang ring bago sumagot si Devlin, "Who's this?" He said huskily in the other line.





   Napapikit ako ng marinig ang boses ng boyfriend ko. After a few months, I've heard his voice again. My poor innocent boyfriend...





"Hello?" Sambit muli ng nasa kabilang linya kaya tinakpan ko ang bibig ko upang pigilan ang hikbi at lumunok.




   Tumikhim ako at nagsalita, "D-dev..." I said in a low voice.





   Sandaling natahimik ang nasa kabilang linya kaya't nagsalita akong muli, "D-dev... Where a-are you...?" Sambit kong muli habang pilit na pinapakalma ang sarili.

Stockholm Syndrome (Editing)Место, где живут истории. Откройте их для себя