Extra Chapter 3: The Message

1.5K 41 14
                                    

NOTE: I just republished this story.

*grabs mic*

Uhm. Hello? Mic test, sound check. Hello? Ayos na ba yung mic? Ang panget ng tunog eh.
Ay boses ko pala yon, sorry. Haha.

Hello, everything! How are you to find out? 😂

So ayun, dahil nakaabot ka sa part na to, it means tinapos mo talaga ang libro.

Nagpapasalamat ako dahil natapos mo itong libro, ibig sabihin kasi non, nakuha nito ang interes mo.

Eto ang first novel na natapos ko. Haha. Napasubo nga ako eh kasi high profile epic fantasy siya.

Four years ko siyang sinulat. Bakit naman ganun katagal?

Well, una sa lahat, writer's block. Yung tipong walang idea na pumapasok sa isip mo na kahit ano. As in, blocked talaga.

Kasipagagan. So yeah, minsan wala tayo sa mood kasi nilayasan ka ng espiritu ng kasipagan.

Personal problems. Yeah. I had it. Lalo na noong half of 2018 until half of 2019. Dahil don, naging sobrang dalang ng updates ko. At dumating ako sa point na ayaw ko na. Ayaw ko na magsulat. Ititigil ko na to. Hindi naman kasi yata ito para sakin.

But I'm here. I made it. Natapos ko siya. Ang sarap lang sa feeling. Para akong nakarating sa tuktok ng Mt. Everest. Ganon siya. OA mang pakinggan, but that's how it really feels.

Hindi ko rin ineexpect na meron na siyang 170K reads as of today. Kasi hindi ko naman naisip na may papansin dyan. Basta sulat lang ako ng sulat bahala na kung may magbasa.

Kung may magbasa, thank you. Much appreciated.
Kung wala naman, okay lang din. It's not a problem.

Para sakin, ang story na to ay parang fairytale lang na nilagyan ng twist. Kaya naman tingin ko, mga teenagers lang ang makaka-appreciate ng story kong to.

Rarely adults. Pero kung may adults man, thank you kung na-appreciate mo ang kuwentong to.

Hindi kasi ito maa-appreciate ng adults dahil yung pagka fantasy niya is super light lang. Walang intense action scenes, walang bed scenes, at hindi rin ito mala-Game of Thrones.

Hindi ko inaakala na ECQ lang pala ang makakapagpatapos sa akin sa kuwentong ito. 😂

At eto rin ang sigurado. Pinaghirapan ko ang story na to. Alam kong hindi na unique ang plot nito, pero ang ideas na nilagay ko rito ay galing sa sarili ko. Pinaghirapan kong isipin ang lahat ng sinulat ko rito. Dugo, luha at pawis ang nilaan ko para lang maisulat ito.

Kaya naman ang gaan sa pakiramdam na natapos ko siya.

Kung isa ka ring writer at nabasa mo to, gusto kong malaman mo na huwag kang titigil. Magsulat ka lang hanggang may idea ka pa. Sulat lang. Yung edit saka na yan. Sulat lang. Wag susuko.

Ps. Wala po itong sequel, book 2, or spin-off. Final na po ito. Hehe.

Sa inyong lahat, maraming salamat!
Sana'y magkita pa tayong muli sa iba kong mga kuwento.

(photo credits to the owner)

***Alexeus and Charlotte are now signing-off***

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

***Alexeus and Charlotte are now signing-off***

Magíssa: Elemental SorceressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon