Ikaapatnapu't-limang Kabanata

2.2K 90 20
                                    

A Love That Wasn't Meant to Be

"Nagpakasal nga ako kay Kyria. Ngunit hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na labis kong iniibig ang Magissa dahil hanggang sa ngayon ay siya pa rin ang laman ng puso ko.

Habang nakikipag-isang-dibdib ako sa babaeng hindi ko mahal ay iniisip kong sana si Margaret na lang ang pakakasalan ko ngayon. Nasa puso ko pa rin ang kakatiting na pag-asang sana magpakita sa'kin si Margaret bago ako tuluyang makasal.

Ngunit natapos ang aking kasal na walang Margaret na nagpakita. Wala. Ang kakatiting na pag-asa sa puso ko ay tuluyan nang naglaho. Sa palagay ko'y ang huling kahilingan ni Margaret ay ang makauwi sa kanyang mundo. Sa bagay, iyon naman talaga ang kanyang pangunahing dahilan kaya pumayag siyang maging isang Magissa, hindi ba?

Kahit sa una'y hindi ko matanggap na may asawa na ako, at bukod do'n hindi ko mahal ang babaeng napangasawa ko ay sa paglipas ng panahon ay unti-unti ko ring natatanggap na heto ang aking kapalaran. Pinagtagpo lamang kami ni Margaret para sa isang mahalagang misyon at hindi para magmahalan at magsama sa habang panahon.

Hanggang sa nagkaroon na rin ako ng dalawang anak kay Kyria. Sina Kadmos at Agane. Masaya naman ang nagiging pagsasama namin ni Kyria kahit sa puso ko ay may puwang pa rin si Margaret. Hindi ko naman masisi ang aking sarili dahil siya ang una kong pag-ibig at lubos ko talaga siyang minahal. Marami ring pinagdaanan ang aming pagmamahalan na sinubok rin mismo ng kamatayan. Kaya't hindi siya basta-basta mapapalitan dito sa puso ko.

Lumipas man ang matagal na panahon ay narito pa rin siya sa puso ko. Minsan nga'y naiisip ko na parang pinagtataksilan ko ang aking asawa kahit sa isipan ko lamang dahil si Margaret pa rin talaga ang hinahanap ko.

Palagi kong naiisip kung kamusta na kaya siya? Maayos naman kaya siyang nakauwi sa kanyang mundo? Sa bagay, hindi naman siya pababayaan ni Panginoong Mulciber kaya't sigurado akong nakauwi siya nang ligtas.

Ano kayang ginagawa niya sa mga oras na 'to? Naaalala pa rin ba niya 'ko gaya ng pag-alala ko sa kanya? Naiisip niya pa rin kaya ako kahit minsan? May ibang minamahal na kaya siya ngayon? Mabuting lalaki ba ang kanyang natagpuan? Masaya kaya siya sa buhay niya ngayon?

Wala akong ibang hiling kundi ay sana'y maligaya siya sa kanyang buhay ngayon. Dahil ako, Masaya naman ako, ngunit ang puso ko ay patuloy pa ring nangungulila sa kanya. May puwang pa rin dito sa isip ko na sana kaming dalawa na lang. Sana kami na lang. Mas Masaya sana ako, 'di kaya?

Hindi naman sa ayaw ko kay Kyria. Sa katunayan, siya ay isang mapagmahal at mabuting babae. Kaya naman minsan hindi ko maiwasang makonsensya sa tuwing maiisip ko si Margaret habang siya ang aking kasama. Nakokonsensya ako na hindi ko kayang pantayan ang pagmamahal na binibigay sa'kin ni Kyria gayong hindi naman ako karapat-dapat para rito. Ngunit sino bang hindi gugustuhin na ang kasama niya ngayon ay ang mismong taong mahal mo?

Alam kong kahit anong gawin ko o isipin ko ay wala na akong magagawa pa. Hindi ko na maaari pang baguhin ang aking tadhana. Heto na 'yon. Kaya't panindigan ko na lamang at tanggapin nang lubos. Ginawa ko ang lahat ng makakaya ko upang maging mabuting asawa kay Kyria ngunit ang mahalin siya nang buong puso ay hindi ko magawa.

Hanggang sa sumapit ang aking ikalimampung kaarawan. Naging abala ang ang aking tahanan dahil sa mga nakisayang mga panauhin. Mga kamag-anak at malalapit na kaibigan lamang namin ng aking asawa ang mga imbitado.

Habang nakaupo ako at abalang pagmasdan ang mga masasaya kong panauhin, lumapit sa akin ang matalik kong kaibigan na si Thaleus. Matanda siya sa'kin ng tatlong taon at naging malapit na magkaibigan kami noong bago pa lang ako sa serbisyo bilang isang mahistrado.

Magíssa: Elemental SorceressWhere stories live. Discover now