Ikaanimnapu't Apat na Kabanata

1.4K 58 13
                                    

Empire of Baltsaros' Crowned Prince

Nakasakay kami ni Alexeus ng bukod na karwahe papuntang Baltsaros. Kasama rin namin ang maharlikang pamilya ng Cascadia at nakasakay sila sa bukod ding karwahe.

Nang makita kasi kami ni Calisto sa Karan ay inimbitahan kami nito na dumalo sa pagdiriwang ng ikadalawampu't tatlong kaarawan ng tagapagmana ng trono ng Baltsaros, si Prinsipe Orien, ang nakatatandang kapatid nila ni Adara.

Mas madaling dumaan sa Karan kaya't dito namin napagpasyahang dumaan. Ilang oras na biyahe rin ito.

Ngayon ko lang din nalaman na asawa pala ni Prinsipe Orien si Prinsesa Ariadna. Nagkataon lang na nagbabakasyon lang ang prinsesa sa kanilang imperyo nang kami ay mapadpad dito.

Bigla namang pumasok sa isip ko ang sinabi ni Alexeus nang kami ay nasa Karan.

"Mahal kita."

"Ahm... Alexeus. May tanong ako," pagbasag ko sa katahimikang bumabalot sa amin.

"Ano 'yon, Charlotte?" tanong niya.

"Ahm... Ano kasi-"

Biglang huminto ang karwahe. "Narito na tayo sa Baltsaros," sambit ni Alexeus.

Nang umandar muli ang karwahe ay dumungaw siya sa bintana. "Wala pa rin namang pinagbago rito mula nang huli akong pumunta," sambit niya habang nililibot ang paningin.

"Bakit? Kailan ka ba huling pumunta rito?" usisa ko.

"Noong nakaraang taon lang. Noong kaarawan ni Calisto," sagot niya.

"Ito nga pala ang Deacon, ang kabisera ng Baltsaros," sambit pa niya.

---

Dapit-hapon na nang makarating kami sa palasyo. At nang makapasok kami sa tarangkahan ng opisyal na palasyo ng imperyo ay huminto na ang sinasakyan naming karwahe.

Naunang bumaba si Alexeus at inalalayan naman niya ang pagbaba ko.

" Ano nga palang itatanong mo sa'kin kanina, Charlotte?"

"Ahm... Totoo bang-"

"Alexeus!" Napatingin kami ni Alexeus sa sumigaw. Nakita naming si Adara iyon at tumakbo ito papalapit sa amin.

"Adara."

"Alexeus..." sambit nito sabay yakap ng mahigpit kay Alexeus. At pakiramdam ko ay kinurot ang puso ko sa nakita ko.

"Maaari ba kitang makapareha sa pagdiriwang ni Adelfos Orien ng kanyang kaarawan?" alok niya.

Tumingin muna sandali sa akin si Alexeus. "Ngunit si Charlotte ang-"

"Si Adelfos Calisto na lang muna ang bahala sa kanya. Halika na!" pagpilit ni Adara kay Alexeus sabay hila sa braso nito. Wala na kaming nagawa sa gusto ni Adara.

Ang palasyo ng Baltsaros ay binubuo ng tatlong palapag. Kulay puti at asul ang nangingibabaw na kulay dito. Pagpasok namin sa bulwagan ay nangibabaw ang kulay asul at ginto.

Nagniningning ang mataas na kisame dahil sa naglalakihang mga chandelier. Hindi ganoon karami ang mga panauhin dahil siguro ay mga piling tao lamang ang mga imbitado rito.

May musiko na tumutugtog sa bandang itaas ng bulwagan at ang mga panauhin ay may kanya-kanyang kasama at kausap.

"Charlotte?"

Napalingon ako sa tumawag sa'kin. "Aristaeus. Erasmus," sambit ko.

"Ikaw nga, Charlotte!" Tapos ay niyakap nila akong dalawa.

"Kamusta ka na?" tanong ni Aristaeus.

"Ayos lang ako. Kayo? Kamusta?"

"Ayos lang din naman kami," sagot ni Aristaeus.

Magíssa: Elemental SorceressOù les histoires vivent. Découvrez maintenant