Ikalimampu't dalawang Kabanata

1.7K 82 2
                                    

The Unexpected Guest

Nakabalik na kami sa palasyo at nandito ulit kami sa tanggapan nito. Magkatabing nakaupo sa harap namin ang kambal. Naka-ekis ang kanilang mga braso habang nakanguso.

"Ang daya ni Charlotte," bulong ni Aristaeus.

"Oo nga. Halata naman na may nanalo sa aming dalawa. Ngunit bakit tabla ang sinabi mo?" inis na sambit naman sa'kin ni Erasmus na parang bata.

"Totoo naman kasi mga kamahalan. Sabay lang kayong nakarating kung nasaan ako," katuwiran ko naman.

"Wala! Madaya!" angal ng kambal. Para talaga silang mga bata. Napailing na lang ako habang natatawa sa isip ko.
---
Habang abala na ang kambal sa paghahanda para sa nalalapit na pagdiriwang ng kanilang kaarawan, nagpasya muna kami ni Alexeus na maglakad-lakad sa hardin ng palasyo.

"Alexeus."
"Hmm?"
"Gano'n ba talaga sila?" tanong ko.
"Anong ibig mong sabihin, Charlotte?"
"Nagpapaligsahan sila para sa trono ng kanilang ama dahil kamo hindi makapili ng tagapagmana sa kanilang dalawa. Pero bakit gano'n?" pagtataka ko tapos ay huminto ako sa paglalakad at ganoon din si Alexeus.
"Para lang silang mga batang naglalaro. Parang hindi nila sineseryoso ang paligsahan nila bilang susunod na hihiranging emperador ng Deucalion," sambit ko.
Natawa lamang si Alexeus na kinakunot ng noo ko.
"Malalaman mo rin pagnakilala mo pa sila ng lubusan," sambit niya.

Kung makikilala ko sila ng lubusan?

---

Ilang araw na rin kaming namamalagi rito sa palasyo dahil hinihintay namin ang araw ng Pista ng Calidan. Naroon ang pinakamalaking arena sa buong imperyo para sa pakikipaglaban at magkakaroon ng malaking paligsahan doon sa mismong araw ng pista.

Samantala, abala naman ang palasyo sa paghahanda para sa nalalapit na ikalabingsiyam na kaarawan ng kambal na prinsipe.

Pansin na pansin mo ang pagiging abala ng lahat ng tauhan nila sa palasyo. Wala kang makikitang walang ginagawa. Sa paglilinis, paggagayak, pagluluto, at pagdedekorasyon, lahat may kanya-kanyang ginagawa.

Habang ang kambal na prinsipe naman ay abala sa kanilang mga paligsahan na kung titingnan ay parang pambata naman ang kanilang mga ginagawa.

Ngunit sa kasamaang palad, palaging tabla ang mga resulta ng ginagawa nilang mga paligsahan. At gaya ng inaasahan, palagi rin kaming nadadamay ni Alexeus bilang hurado at tagapamagitan sa kanilang mga pinaggagagawa.

---

Habang naglalakad kami ni Alexeus sa isang pasilyo ng palasyo ay narinig naming may tumatawag sa amin mula sa isang silid na aming nalampasan kaya naman huminto muna kami.

"Alexeus! Charlotte!"

Tinatawag pala kami ng kambal na prinsipe.

"Hali'kayo rito, dali!" nasasabik nilang sambit sa amin. Kahit nagtataka ay nilapitan namin sila.

Napansin namin ang iilang kababaihan na naririto sa silid at lahat sila'y may mga dala-dalang mga kanya-kanyang mga magagarang damit at isa-isa nila itong pinapakita sa kambal.

"Sila ang mga mahuhusay na sastre ng imperyo. Pinagtipon namin sila dito upang makapili kami mula sa kanila ng aming isusuot sa aming kaarawan," sambit ni Aristaeus habang kinikilatis ang mga damit na nakalatag sa kanyang harapan.

"Lahat ng mga damit na kanilang dala rito ay sadyang kay gaganda," sambit ko nang may pagkamangha.

"Tunay 'yan, Charlotte. Kaya naman nahihirapan talaga kaming dalawa na mamili kung alin ba sa mga kasuotang ito ang isusuot namin para sa espesyal na araw na 'yon," sambit naman ni Erasmus.

Magíssa: Elemental SorceressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon