Huling Kabanata

1.2K 40 18
                                    

The Final Act

Narito na ako ngayon sa harap ng palasyo ng Baltsaros sa kabisera nito, ang Deacon. Nababalutan pa rin ng maiitim na ulap ang langit habang kumukulog at kumikidlat. Lumakas din ang ihip ng hangin na parang may bagyo.

Tinitingala ko ngayon sa langit ang higanteng diyos na dragon na si Skotadi. Itim na itim ang kulay nito. May nakabalot sa kanyang kulay lila na aura. Nagwawala ito sa kalangitan na para bang nagbubunyi ito sa kanyang muling pagkagising.

"Magissa."

Natuon na ang atensyon ko sa aking harapan.

"Orien."

Kulay itim ang suot niyang baluti na gawa sa bakal. Natatakluban nito ang kanyang katawan, mga braso, ang kanyang mga binti, gayon din ang suot niyang bota. At mayroon din siyang itim na kapa sa likod.

Tiningala niya si Skotadi. Tapos ibinalik niya ang paningin niya sa akin.

"Huli ka na, Magissa. Natawag ko na si Panginoong Skotadi. Salamat sa pagkumpleto ng mga kosmima para sa akin," sambit niya sabay tawa.

"Lilinisin namin ang buong Aglaea. Pagkatapos ay gagawin namin itong Imperyo ng Skotia!" sambit pa niya.

"Salamat sa aking Ama dahil nakamit ko ang labis na kapangyarihang tinatamasa ko ngayon, at ang imortalidad. Wala nang makahihigit sa akin ngayon. Kahit pa si Alexeus o ang kapatid kong si Calisto!"

Sa tingin ko'y puno siya ng inggit sa kanyang puso. "Orien, hindi pa huli ang lahat upang magbago. Hinihintay ka ng iyong ina at mga kapatid," hikayat ko.

Ngumisi siya tapos ay tumawa. "Narito na ako. Bakit pa ako susuko? Hindi ko pinagsisisihan ang ginawa kong ito. Malakas na ako, at isang imortal! Perpekto kamo si Prinsipe Alexeus? Eh nasaan siya ngayon, ha? Wala na siya!" sambit niya.

"Magkatulad lang kami ni Panginoong Skotadi. Pinapatunayan lang namin ang aming sarili na mas malakas kami kahit kanino man! Kakambal niya si Mulciber. Siya noon ang diyos ng buwan at gabi. Ngunit nang mapansin niyang mas malakas sa kanya si Mulciber, nagrebelde siya. Kaya naman pinagtulungan siyang ikulong ng apat na pangunahing diyos na dragon ng Aglaea sa mundong ilalim. Tama ba 'yon? Pinatutunayan lang niya ang kanyang sarili na mas malakas siya kaysa sa kanyang kapatid! Ganoon din ako. Pinatutunayan kong mas malakas ako sa kahit sino man dito sa Aglaea!"

"Ngunit hindi maipagkakaila na mali ang pamamaraan mo, Orien," sambit ko.

"Maraming napahamak sa ginawa mo. Maraming nasaktan at nagbuwis ng buhay. Nagdulot ng paghihirap sa lahat ang ambisyon mo!" dagdag ko pa.

"Tumahimik ka!" galit niyang sigaw.

Tapos ay naglabas siya ng espada na kamukha ng espada na gamit ng kanyang ama. Mabilis siyang tumakbo papunta sa akin upang ako ay sugurin.

Sinalubong ko naman siya ng aking katana. Nagbanggaan ang aming mga espada at nagpapambuno kami.

Mabibilis ang bawat pag-atake niya sa akin gamit ang kanyang espada. Ngunit nasasalag ko naman ang lahat ng ito gamit ang aking katana.

Nang maglayo kami ay napaatras ako dahil malakas ang pagkakatulak niya sa'kin. Tapos ay tinukod ko ang aking katana sa lupa. May pabilog na liwanag na lumitaw sa aking paanan. Tapos ay may mga pabilog na liwanag ding lumitaw sa aking likuran.

Nang ituro ko sa kanyang gawi ang dulo ng aking katana ay nagbuga ng mga bolang apoy ang mga pabilog na liwanag sa paligid ko papunta sa kanya.

Isang malakas na pagsabog ang nangyari at napuno ng usok ang paligid. Ilang sandali lang ay nahawi at nawala na ang mga usok. At nakita ko si Orien na nakatayo lamang at parang hindi man lang nasaktan.

Magíssa: Elemental SorceressWhere stories live. Discover now