Ikapitompu't-isang Kabanata

777 33 2
                                    

Tanza Oasis, Here We Go!

(#ProjectAusten part 2)

Charlotte

Dinala ko si Alexeus sa may clothes section na para sa lalaki. Ako ang pumili ng mga damit para sa kanya.

Syempre, dapat 'yong babagay sa isang makisig na prinsipeng gaya niya. Mga ilang pares lang ng damit at sapatos para may maisuot siyang maayos pagpunta namin ng Tanza.

Masaya kaming magkasama. Bakas na bakas iyon sa aming mga mukha. Na para bang sana hindi na matapos pa ang araw na ito.

Nagmistulan itong parang first date namin dito sa mundong pinanggalingan ko. Natutuwa talaga ako ng labis kapag makikita ko ang pinaghalong tuwa at mangha sa mukha ni Alexeus dito sa mundo namin.

Bago magdilim ay tuluyan na kaming nakauwi sa bahay. As usual, dumaan siyang muli sa bintana ng kuwarto ko na para bang akyat-bahay siya.

Bumaba muna ako at pumunta ng kusina. Ikukuha ko si Alexeus ng makakain.

"Ma'am Charie." Napahawak ako sa dibdib ko sa gulat.

"Manang Lorna naman." Isa siya sa mga maid namin.

"Kakakain niyo lang po ng hapunan ah?" sambit niya habang nagpupunas ng gilid ng lababo.

"Ah...nagutom po kasi ulit ako. Nakakagutom po talaga ang mag-aral," palusot ko habang patuloy sa paglalagay ng mga pagkain sa tray.

"Sige manang. Dalhin ko na 'to sa taas. Good night po!" masaya kong paalam sa kanya.

"Good night din." Narinig kong tugon niya bago ako tuluyang nakapanhik sa taas.

Pagpasok ko ng kuwarto, nakita ko siyang nakatayo habang nakadungaw sa bintana. At mukhang nakatingala siya sa kalangitan. Ipinatong ko muna ang tray ng pagkain sa night stand table ko.

"Alexeus," sambit ko pagkalapit ko sa tabi niya.

"Kumain ka na," dagdag ko.

"Sa tingin mo ba, nasa ilalim lang ng iisang langit ang mga mundo natin?" tanong niya bigla habang nakatingala pa rin sa langit na puno ng bituin.

Tumingala rin ako sa langit. "Hindi ko alam. Hindi ako sigurado," sagot ko.

"Sana, iisa na lang ano? Para naman sa tuwing mangungulila ako sa'yo, titingala lamang ako dahil alam kong nasa ilalim lang tayo ng iisang langit. Pakiramdam ko'y malapit ka na din," sambit niya. Para namang kinurot ang puso ko do'n. Mukhang iniisip talaga niya ang pagkakalayo namin.

Hinawakan ko ang kamay niya nang nakasara ang aming mga daliri sa isa't isa.

Naramdaman kong tumingin siya sa'kin kaya't tumingin na rin ako sa kanya.

Nakatingin na naman ako sa magaganda't bughaw niyang mga mata. Naalala ko na naman ang una naming pagkikita. Gabi din 'yon ng maraming bituin. Kaya nga iyon ang nakita ko sa mga mata niya nang mga sandaling iyon.

Ang pakiramdam ng nakatitig sa mga mata niya ay parang paglipad sa alapaap. Masarap, masaya, at magaan sa pakiramdam.

"Se îndrâgï, Charlotte," nakangiti niyang sambit sa'kin. Napangiti tuloy ako. Ina-Aglaean na naman niya 'ko.

"Mahal din kita, Alexeus," sagot ko naman sa kanya. Napangiti na lamang kami pareho.

Matapos niyang maghapunan at magpahinga ng sandali, napagdesisyunan na naming matulog at maaga-aga ang alis namin bukas.

"O paano. Magandang gabi na sa'yo, mahal kong prinsipe," sambit ko matapos kong silayan siya sandali sa ibaba.

"Magandang gabi na din sa'yo, aking diyosa," sambit naman niya mula sa hinihigaan niya sa lapag.

Magíssa: Elemental SorceressWhere stories live. Discover now