Ikaanimnapu't-siyam na Kabanata

660 30 3
                                    

I’m Home

“Imperyo ng Calabarzon?” kunot-noong tanong ni Alexeus.

“Oo, Alexeus! Nandito tayo ngayon sa’min!” masigla kong sambit.

Agad akong lumabas ng kuwarto at tumakbo pababa ng hagdan. Tapos ay nakita ko si Tita Yvonne na nakaupo sa sala habang may ginagawa sa kanyang laptop.

“Tita!” sigaw ko sa kanya.

“Oh, Charie.”

Nang makalapit ako sa kanya ay niyakap ko siya nang mahigpit.

“Na-miss kita sobra, Tita,” sambit ko habang yakap-yakap siya.

“Na-miss mo ‘ko? Charie, four hours pa lang tayong hindi nagkikita,” sambit niya.

Nabigla ako sa narinig ko kaya’t napabitiw ako sa kanya. “F-four hours?” pagtataka ko.

“Yes, honey. Four hours pa lang tayong hindi nagkikita,” sambit niya.

“Oh, okay…”

“Bakit, Charie? Hmm,” sambit niya tapos ay pinaningkitan niya ako ng mata.

“Tell me, may kasalanan ka siguro kaya bigla ka na lang naging extra sweet sa’kin?” duda nito.

“No, Tita. Of course not! I’m a good girl, ‘di ba?” lambing ko.

“Sa bagay. Siya nga pala, honey. May pasalubong akong cake para sa’yo. Nasa ref. ‘Yong pink na box. I bought it from our favorite cake shop so I’m sure you will love it,” sambit niya.

“Really, Tita? Okay, I’ll get it na. Tapos sa room ko na lang siya kakainin. Thanks, Tita! I love you,” sambit ko sabay nakaw ng halik sa pisngi niya.

Tapos ay tumakbo na ako sa kusina. Nang nasa harap na ako ng mala-closet naming ref ay napangiti ako ng malapad.

“Na-miss kita!” sambit ko sabay yakap sa ref.

“Miss Charlotte?”

Nabigla ako kaya’t agad akong napabitiw sa ref at lumingon sa tumawag sa’kin.

“Manang Lorna!” Tapos ay niyakap ko siya.

Nasa likuran naman niya ang iba pa naming maids.

“Ate Lina!” Tapos ay niyakap ko rin siya.

“Ate Cely!” Niyakap ko rin siya.

Tapos ay bumitiw ako at ningitian ko sila. “Na-miss ko kayong lahat,” sambit ko.

Nagtinginan sila sa isa’t isa na pawang nagtataka. “Pero Miss Charlotte, ilang oras pa lang kayong nawawala,” sambit ni Manang Lorna.

“Okay lang ‘yan. Kumusta kayo?” tanong ko.

“O-okay lang naman po kami, Miss,” sabay-sabay nilang sagot habang bakas pa rin sa kanilang mukha ang pagtataka.

“Napasobra yata sa pag-aaral si Miss,” sambit ni Ate Cely. Hindi ko na lamang pinansin pa ang narinig ko.

Tapos ay kinuha ko na ang cake na sinasabi niTita na nasa ref. Masaya akong naglakad paakyat ng hagdan pabalik sa kuwarto ko.

Pagdating sa kuwarto at isinara ko ang pinto. Nakita ko si Alexeus na nililibot ang kuwarto ko. Mukhang namamangha siya sa mga nakikita niya rito.

“Ang dami mong aklat dito, Charlotte,” sambit niya habang binubuklat ang mga libro ko na nakapatong sa study table ko.

“Oo. Mga aklat ko ‘yan na ginagamit namin sa paaralan.” Mga textbooks ko kasi sa school ‘yong mga binubuklat ni Alexeus.

Magíssa: Elemental SorceressWhere stories live. Discover now