Ikalabindalawang Kabanata

6.1K 196 75
                                    

Leaving the Palace

Ako si Charlotte Revilla, labingpitong taong gulang, isang normal na mag-aaral sa Senior high, at bukod doon, ako rin ang Vice President ng Student Council ng aming school.

Dahil sa 'di inaasahang pangyayari, napadpad ako sa isang mundo, kung saan ang panahon ay parang nasa Victorian era ng sinaunang England dahil sa estilo nila ng pananamit, samantalang ang architectural style naman ng mga gusali dito, pang-Baroque era ang style.

Gusali at pananamit lang, ha. Hindi ang kanilang mga hitsura. Para nga akong nag-time travel sa sinaunang Europa eh. Pero, ang mga tao naman dito, hindi mukhang mga Western. Mga mukha ding Asian. Kung tutuusin nga si Alexeus, may kamukhang Korean artist na di ko mawari kung sino. Blue lang ang mga mata niya.

At dahil nga isa akong dalagang taga-ibang mundo, ako ang napili upang hiranging kinatawan ng diyos na tinatawag nilang Magíssa, isang tagapagligtas.

--

"Charlotte."

Nasasarapan pa ako sa aking pagtulog nang may narinig akong tumatawag sa pangalan ko.

"Charlotte."

Ayan na naman. Boses ng isang lalaki. Sino ba 'yon at ginugulo niya ang masarap kong pagtulog? Naman, oh.

Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko. At nabigla ako sa kung sino ang gumigising sa'kin.

"Alexeus?" sambit ko nang may pagkabigla. Agad akong napabangon ng 'di oras. Pasimple kong kinapa ang pisngi ko. Baka kasi tulo laway ako eh. Kakahiya naman. Okay, mabuti't mukhang wala naman.

Nakaupo siya dito gilid ng kama ko habang nakatingin lang sa'kin. Teka, anong ginagawa niya dito sa kuwarto ko?

"May problema ba at napasugod ka dito?" tanong ko habang inaantok-antok pa.

"Wala naman. Pero, pinatatawag tayo ng Punong babaylan," sagot naman niya.

Nabigla at nagtaka ako sa sinabi niya. Ano? Nang ganito kaaga?

Matapos akong gisingin ng prinsipe'ng 'yon, agad ko nang inayos ang aking sarili habang hinihintay niya 'ko sa labas. Tapos ay nagtungo kami ngayon sa silid kung nasaan ang altar ni Mulciber.

"Narito na kami, Aristea," sambit ni Alexeus pagkapasok namin.

"Magandang umaga, mahal na Magíssa," bati sa'kin ni Aristea.

"Magandang umaga din sa'yo. Bakit mo kami ipinatawag?" sambit ko naman.

"Sa pagkat nais ko lang sanang malaman kung nakapagplano na ba kayo kung kailan kayo aalis upang makapaglakbay para hanapin ang mga kosmima?" sambit ni Aristea.

Nagkatinginan lang kami ni Alexeus. Oo nga pala. Kailangan naming umalis ng palasyo at maglakbay para mahanap namin ang mga 'yon.

"Ngayong araw kami mismo aalis." Nabigla ako sa sinabi ni Alexeus. Ngayon talaga? Grabe siya, excited lang?

Napataas din naman ng kilay si Aristea. "Ah, kung gayon pala. Marapat lamang na ibigay ko ito sa iyo," sambit ni Aristea habang mag dinudukot sa ilalim ng napakahaba niyang manggas.

At may ibinigay sa akin si Aristea na isang maliit na bilog na salamin. Silver ang frame nito at may ukit ng paruparo sa likod.

"Para saan 'to?" tanong ko.

"Iyan ang magsisilbi nating komunikasyon," sagot niya.

Namangha ako sa sinabi niya. Talaga? Wow, parang cellphone lang?

"Ingatan mo iyan," sambit niya.

Matapos naming makipag-usap kay Aristea ay nagtungo kami ni Alexeus sa isang silid.

Magíssa: Elemental SorceressWhere stories live. Discover now